Makalipas ang ilang araw matapos siyang banatan ng direktor na si Erik Matti sa pamamagitan ng social media, gumawa ng hakbang si John Arcilla upang magkaayos sila ng kaibigang direktor.
Noong February 24, tinawag ni Matti na “bastos” si John at ang Star Magic dahil hindi umano nabanggit ang On The Job: the Missing 8 sa mga pinasalamatan nito nang parangalan ang aktor sa Senado.
Ang parangal ay kaugnay ng tagumpay ni John sa 78th Venice Film Festival noong September 2021 kung saan nakatanggap siya ng Volpi Cup, na katumbas ng best actor award.
Read: Direk Erik Matti, umalma sa "pambabastos" ni John Arcilla at ng Star Magic
Sa kanyang Instagram kahapon, February 27, 2023, tila nagbukas ng komunikasyon ng pakikipagbati ang aktor sa direktor na nagtampo sa kanya.
Sa isang minutong edited clips ng kanyang old speeches, ipinakita ni John na sa bawat talumpati niya sa award-giving bodies, kung saan binigyan siya ng pagkilala para sa On The Job: The Missing 8, ay lagi nitong binabanggit ang pangalan nina Matti at Dondon Monteverde.
Si Matti ang nagdirek ng pelikula, at co-producers naman sila ni Dondon ng Reality Films na lumikha ng critically acclaimed film.
Kabilang dito ang mga talumpati ni John sa 78th Venice International Film Festival noong September 11, 2021; Wagi: A Celebration of Filipino Excellence sa CCP noong February 18, 2022; Gawad Urian noong November 17, 2022; at World Class Philippines 2022 noong December 14, 2022.
Bahagi ng mensahe ng award-winning actor sa caption: “THANK YOU @erikmatti please share and a Blessed Sunday to everyone.”
View this post on Instagram
Pinapurihan naman ng ilang celebrities, kabilang sina Baron Geisler at Alvin Anson, ang ginawang ito ni John.

Gayundin ng ilang netizens:

Sabi ng isa pa, “This is how a gentleman respond to a childish rant. SALUTE! And FYI, John is not ungrateful. He will never be.”

Ngayong araw, February 28, nag-post naman si John ng mga larawan niya kasama sina Erik at Dondon.
Sabi niya sa caption: “We are a Team and we are friends. @erikmatti @dondonmonteverde”
View this post on Instagram
