PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Manila Vice Mayor Yul Servo eyeing higher office next elections?

Ang sure ay babalik siya sa showbiz.
by Rommel Gonzales
Published Mar 5, 2023
Vice Mayor Yul Servo at his office in Manila City Hall
Vice Mayor Yul Servo at his office in Manila City Hall
PHOTO/S: Yul Servo Nieto on Facebooj

Malungkot si Yul Servo na hindi pinalad na manalong Pangulo ng Pilipinas ang kanyang dating alkalde na si Isko Moreno.

Malapit kay Isko si Yul, na bise-alkalde ngayon ng Maynila.

Bulalas ni Yul sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siyempre malungkot, malungkot na hindi pinalad, pero siyempre may dahilan yan kung bakit, di ba?

“Siguro hindi pa yun para sa kanya.

“Pero naniniwala ako sa kakayahan ni Yorme [palayaw ni Isko], na kaya din niyang maging magaling na lingkod-bayan sa buong Pilipinas, hindi lang siguro pa panahon, hindi pa para sa kanya.

“Pero nandiyan naman siya, hindi naman siya tumitigil sa pagtulong, pagbibigay ng advice. So sa lahat ng aspeto ng paglilingkod, nandiyan pa rin naman siya, nakagabay sa aming Asenso Manilenyo, e.”

Regular daw ang pag-uusap ng dalawa, at minsan ay kumukunsulta raw ang vice mayor sa dating mayor.

“Yes, yes! Tapos puwede kang magtanong sa kanya, e, open ang linya niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, regular kaming ano, tuwing Thursday, meron kaming grupo, si Mayor, si Mayora [Honey Lacuna-Pangan ng Maynila], ako, yung anim na congressmen.”

Ano naman ang sinabi ni Yorme kay Yul nang magtagumpay ang huli sa nakaraang eleksiyon?

“Actually, siya yung kandidato na masaya nung natalo, kasi kinausap pa niya kami nun, e, masaya siya!

“Kasi lahat ng pinagpursigihan niya, lahat ng tinanim niya sa Maynila, lahat ng binuo niyang pakikisama, lahat ng binuo niyang pagiging leader na nagsimula sa Tondo, naani naming lahat, e.”

May balita na i-a-appoint daw sa isang national position si Yorme. Ano ang reaksiyon ni Yul dito?

“Kung totoo, e, di maganda dahil biruin mo, isa din siya sa mga nagbalak maglingkod bilang Pangulo, na sigurado ako malaki ang maitutulong niya sa bansa natin kung mapipili siyang secretary or kung ano mang position na ibibigay sa kanya.

“Pero ngayon nag-e-enjoy si Yorme sa kanyang private life, saka pati sa showbiz, may pelikula, may Iskovery Night. Ang ganda ng Iskovery Night niya, ang ganda ng pag-interview niya, ang ganda ng set-up, ang ganda ng production, ang ganda ng directing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Iskovery Night ay ang YouTube channel ni Isko bilang isang vlogger.

on acting and future political plans

Samantala, si Yul ay may plano na ring muling maging aktibo sa paggawa ng pelikula bilang isang aktor.

Kuwento ni Yul sa PEP.ph, “Actually, ngayon nga nagpaalam ako kay Ate Honey, wala pa ako ngayon, kasi dati hindi ko talaga kaya pagsabayin, e, ayoko yung naglalagare ng trabaho.

“Kung hindi makakaistorbo sa schedule ko, titirahin ko. Pero kung makakaistorbo sa schedule ko, puwedeng huwag muna.

“Nagpaalam ako kay Ate Honey, ang sabi ko… kasi nung nasa congress ako, ang trabaho namin sa congress, Lunes, Martes, Miyerkules, at Huwebes, tapos wala kaming trabaho ng Biyernes, Sabado, at Linggo.

“E, ngayon naman ang trabaho ko naman dito na kailangan ko talagang attend-an, e, yung session namin, e, iyon yung pinaka-responsibilidad ko bilang isang legislative, yung presiding officer ng Tuesday at Thursday. E, meron akong libreng M-W-F, so puwede ako.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa susunod bang eleksiyon ay tatakbo na si Yul sa mas mataas na puwesto?

“Ah, hindi! Kasi kami ni Ate Honey, first term namin, may ano na kami.”

Tatapusin nila ang kabuuan ng kani-kanilang termino, pero pagkatapos nito ay may plano bang mag-senador si Yul?

“Ay hindi, ano lang, basta…”

Kasama ba sa mga future plans niya ang Malacañang?

“Ha! Ha! ha! Dito lang. Pangarap ko nga lang hanggang Maynila lang. Siyempre forty-six na ako, siyempre pag binilang mo din yun matanda ka na, e."

Sa halip na maghangad ng mataas na posisyon sa gobyerno, mas gusto ni Yul na tutukan ang paghulma sa next generation of leaders ng lungsod ng Maynila.

Aniya, “Gusto ko ma-enjoy din naman yung ano, gusto kong makahanap ng mga susunod na leader ng Maynila, na alam mo na, magpapatuloy ng mga sinimulan ni Yorme, ni Ate Honey.

“At ako naman, masuwerte naman ako na nagu-groom ako ng partido namin na humalili kay Ate Honey. Siyempre okay lang munang dito lang muna ako kasi nakikita ko naman yung trabaho, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Magandang nahuhubog ka nang maayos, kasi hindi naman basta-basta yung pagiging mayor, e.

"Nakikita ko nga ngayon si Ate Honey sobrang ano, e, ibang klase.

“Pero siyempre maganda din na meron akong nakikita na nakita ko kay Yorme, nakita ko kay Ate Honey, medyo meron na akong ano, pattern.”

Pinasok ni Yul ang pulitika noong 2007. Nanilbihan siya bilang city councilor of Manila for three terms, at nanalo bilang congressman ng third district noong 2016 at na-re-elect noong 2019.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yul sa relaunch ng The Manila Film Festival (TMFF), na naglalayong mas pasiglahin ang panonood ng mga pelikula, lalo na ng mga baguhang filmmakers, sa buong Kamaynilaan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Mayor Yul Servo at his office in Manila City Hall
PHOTO/S: Yul Servo Nieto on Facebooj
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results