Ikinagulat ni RR Enriquez ang mensaheng natanggap niya sa pamamagitan ng Facebook messaging.
Inalok siya ng isang hindi kilalang sender na bilhin ang kanyang mga panty sa halagang P50,000.
Mababasa sa screenshot na ibinahagi ni RR nitong nakaraang Linggo, March 5, 2023, na magalang naman ang nasabing sender sa kanyang mensahe.
Saad nito: “Anyway RR, I hope you are openminded with this kind of offer. Actually I just wanted to ask lang if you’re open on selling your undies for atleast 50k 1-2 pairs. If ok with you? Please let me know.
“I will pay first for your assurance.
“Please don’t post me lang RR if ever you find this weird… I understand naman if ever you decline.”
Sabi ni RR sa caption, naawa siya sa asawa ng nasabing lalaki.
Nagpadala pa raw ng pruweba ang lalaki na may mga dati na itong nabiling panty mula sa ilang modelo.
Ani RR, “As a Sawsawera Queen this is the most weirdest message I’ve ever received na Sasawsawan ko.
“I feel sorry for the wife kaya hindi ko na lang ipupost ang name and picture.
“I have a facebook fan page and my Sisters are the one handling it.
“So today they told me and send in our Family group chat that someone sent a message nga daw sa fan page ko and wants to buy my undies for 50thousand pesos for 1-2pairs.
"He also sent proof na may mga nagbibenta na din sa kanya ng undies na mga models etc.
“Grabe he has a wife and profile picture nya pa yung asawa nya. I felt so bad para sa asawa nya… Imagine the betrayal or unfaithfulness.”
Pabatid pa niya sa kanyang followers: “My undies aren’t for sale… #SORRYNOTSORRY!!!!
"For those who are married please bantayan nyo mga social media ng mga asawa nyo. Grabe na din talaga ang betrayal sa marriage life.”
View this post on Instagram
