PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang bonds with daughter Malia; throws shade at Lee O'Brian anew

Pokwang: "Don't worry nasa healing process ako at magiging happy na ako ulit."
by Arniel C. Serato
Published Mar 7, 2023
pokwang lee malia
Actress Pokwang on bonding with daughter Malia O'Brian (left): "#Wedontneedaparasite #Happykami #inyonayangkano #saksaknyosangalangalanyo"
PHOTO/S: Instagram / Twitter

Sunud-sunod ang posts ni Pokwang sa Instagram ng bonding nila ng anak na si Malia O’Brian sa vacation house nila sa Camaya Coast, Bataan.

Sabi ng Kapuso comedienne sa una niyang post kahapon, March 6, 2023: “Just the two of us [heart emojis] #CasaMalia #Bataan #camayacoast

Sinundan niya ito ng solo picture at video ng anak.

Caption niya: “My little super star [star emojis] @malia_obrian iba ka talaga haahhahaa hyper sa umaga [clapping hands] #CasaMalia #Bataan #camayacoast

May nagkomento ritong isang follower: “Nagmana sa ama.”

Sagot sa kanya ni Pokwang: “nagmana sa ama binuhay mag isa ng ina.”

Pokwang throws shade at Lee O'Brian again

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa namang nagkomento na tila binatikos si Pokwang sa kanyang sagot pero burado na ito.

Sabi ni Pokwang sa nasabing netizen (published as is): “awang awa din ako sa mga kagaya mo na imbes na buhay nyo asikasuhin nyo dami nyong oras makialam! wag mo akong kaawaan kasi kasalanan ko nag palaki ako ng mga DEMONYO SA BUHAY KO!”

Pokwang throws shade at Lee O'Brian again

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong araw, March 7, nag-post si Pokwang ng morning walk nila ni Malia sa paligid ng vacation house.

Caption niya: “#casaMalia #camayacoast #Wedontneedaparasite #Happykami #inyonayangkano #saksaknyosangalangalanyo [laughing emojis]”

Kapansin-pansing patama sa isang "kano" ang ilan sa hashtag ni Pokwang.

Hindi man pinangalanan, ang kanyang ex-partner na si Lee O’Brian ang malinaw na kanyang pinariringgan dito.

Sabi ng isang kaibigan ni Pokwang, “goooo gooo mamang..!! I love you even more., love the hashtags.. Panalo yung #ngalangalanyo. Hahahha. Ikaw na talaga. Stronger than ever. Wlang tatalo sa puso ng inang mapag mahal. Love you miss pokie.”

Sagot ni Pokwang, “deevvvaaa nak? Hahahahhaha shota sila!"

Pokwang throws shade at Lee O'Brian again

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Muling komento ng nasabing kaibigan, “shutah..!! But seriously mamang, I'm one of your prayer warriors. Super love kita noon pa man.. Kaya I'm sad if you're sad. But I'm happy whenever you're happy too. God bless always mamang. Lalo ka gumanda at naging fresh..”

Ayon sa komedyana, nasa healing process na siya ngayon at malapit na muling manumbalik ang kanyang dating masayahing katauhan.

Buong sagot ni Pokwang, “matatapos din ito nak dont worry nasa healing process ako at magiging happy na ako ulit promise very soon [praying hands emoji]”

Pokwang throws shade at Lee O'Brian again

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang linggo nang binabanatan ni Pokwang ang dating boyfriend mula nang maghiwalay sila.

Noong March 5 lamang, sinabi ni Pokwang na hangga’t hindi nagsu-sorry si Lee sa kanyang mga anak na sina Mae Subong at Malia ay hindi niya ito patatahimikin.

Read: Pokwang not done yet with tirades against Lee O’Brian: "Wala syang katahimikan!"

November 2021 pa hiwalay sina Pokwang at Lee, pero July 2022 lang ito naisapubliko.

Read: Pokwang breaks silence on breakup with Lee O'Brian

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Pokwang on bonding with daughter Malia O'Brian (left): "#Wedontneedaparasite #Happykami #inyonayangkano #saksaknyosangalangalanyo"
PHOTO/S: Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results