Hindi pa rin tapos si Pokwang sa kanyang mga pasaring sa dating boyfriend na si Lee O’Brian.
Sa Instagram kagabi, March 5, 2023, nagbahagi si Pokwang ng isang TikTok video kung saan ipinapakita niya ang traffic sa EDSA.
Inihahambing din niya ito sa pelikulang pinagsamahan nila ni Lee noong 2015 na Edsa Woolworth kung saan sila nagkakilala at nagkaibigan.
Sabi niya sa voice over, “Buti pa sa Edsa may forever, sa Edsa Woolworth, wala. Charoz.”
Sabi ng komedyana sa caption, sa nasabing pelikula siya nagsimulang magamit.
Aniya, “Yun lang hahahaaaa dito nagsimula ang salitang, USE ME IN A SENTENCE hahahahahaaa i miss you @_riccichan_ papa @stevenspohn na dinedma na ni kuya nyo matapos gumanda na kalagayan nya sa pinas haahhahaha @prinketsu direk @johndlazatin @leerobinsalazar”
View this post on Instagram
Komento ng isang follower, kapag nagmahal daw ang isang tao ay gagawin ang lahat para maipakita rito ang kanyang nararamdaman.
Ngunit kapag naghiwalay na ay tila binibilang na kahit bawat butil ng bigas na napakain niya sa taong minahal dati.
Buong komento ng follower, “UN Tayo eh, kapag nagmahal Ng Todo lahat gagawin natin para sknila kahit Wala work kahit palamunin kahit Wala ginagawa pero kapag nagkahiwalay na ULO HANGANG PAA BILANG NA BILANG PATI BUTIL NG BIGAS NA PINAKAIN . it's your choice mamang sana magkaroon kna ng peace of mind Malia is amazing kid u still thankful kc u have job and healthy kids”
Binuweltahan siya ni Pokwang.
Aniya, “e yung pinakain mona at tinuklaw ka ano tawag don? hayaan nalang para may next victim ulit?”
Dagdag pa ni Pokwang, “sana wala sa mga kamag anak at kaibigan mo mabiktima ng kagaya nya huh!”

Pabirong komento ng isa pa, “EXPOSED [laughing emoji]”
Ayon sa Kapuso star, “hanggat di nag so sorry yan [Lee] samin ng mga anak ko wala syang katahimikan! huh!”

Sabi naman ng isa pa, “[hearts emojis] ...hayaan Muna Ang mga taong sinisiraan ka. Baka binayaran Siya ng mag bigay ng masamang comment against you. Basta love ka ng masa. Tuloy Ang Buhay pokey..still Ganda mo parin.”
Wala naman daw pakialam si Pokwang sa bashers.
Aniya, “ito lang masasabi ko sa mga yan, I DONT GIVE A F%#€K Ahahahhahaa”

POKWANG ON MALIA'S CHANGE OF SURNAME
Noong March 2, sinabi ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal na papeles para tanggalin ang apelyido ni Malia na "O'Brian" at isunod na ito sa kanyang surname na "Subong."
Isiniwalat pa ni Pokwang na bukod sa "batugan" si Lee, hindi raw nito gusto ang pagbubuntis niya noon sa kanilang anak.
Tinawag din niyang “user” ang ex-partner.
Read: Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"
Sunud-sunod ang patutsada ni Pokwang kay Lee matapos isapubliko ni Pokwang na meron nang ibang babae si Lee.
Read: Pokwang drops bomb about ex-partner Lee O’Brian: “May nilalandi na sya.”
Birada pa ni Pokwang, "chaka" ang ipinalit sa kanya ni Lee.
Read: Pokwang takes swipe at Lee O'Brian's new relationship: "Akala ko ba ako na ang chaka?”
Sa mga nakapansin naman sa kanyang bagong glow ngayon, wala na raw kasi siyang pinapalamong “patabaing biik” sa kanyang bahay.
Read: Pokwang replies to "iba yong glow mo ngayon" comment: "Wala na akong patabaing biik."
THE BREAKUP
November 2021 pa hiwalay sina Pokwang at Lee. Pero July 2022 lang ito naisapubliko.
Read: Pokwang breaks silence on breakup with Lee O'Brian
Noon namang Pebrero 2023, sa panayam ni Boy Abunda sa GMA-7, ibinunyag ni Pokwang ang isa pang pinanggalingan ng hidwaan nila ni Lee.
Kinumusta ng komedyante si Lee tungkol sa isang negosyong itinayo nila mula sa puhunan ni Pokwang.
Hindi raw nagustuhan ni Lee ang pagtatanong sa kanya. "Parang ang dating sa kanya," ayon kay Pokwang, "hinuhusgahan ko na siya agad. Parang tinanggalan niya ako ng karapatan na malaman."
Read: Pokwang on ex-partner Lee O'Brian: "Feeling ko, hindi niya ako minahal talaga."
Nitong mga nakaraang araw, tinawag pa niyang “inggrato” si Lee at nais na niya itong maglaho sa Pilipinas.
Read: Pokwang fumes at ex-partner Lee O’Brian; calls him "ingrato"
