Hindi pa rin tinatantanan ni Pokwang ang ex-partner nitong si Lee O’Brian.
Tila binubuyo kasi siya ng kanyang followers sa mga post ng Kapuso comedienne sa Instagram.
Magiliw rin naman itong sinasagot ni Powang.
Minsan, nakikipagbardagulan din siya sa ilang haters.
Sa Instagram ngayong Miyerkules, March 8, 2023, nagbahagi si Pokwang ng collage ng mga larawan niya at ng panganay na anak na si Mae Subong.
Gayundin sa bunso niyang anak na si Malia O’Brian. May larawan din siya kasama ang inang si Gloria Subong.
Tanging tatlong pusong emojis ang caption ni Pokwang dito.
View this post on Instagram
Mapapansin namang sa isang lumang larawan, kung saan karga ni Pokwang si Malia sa birthday celebration nito, makikitang malabo ang kuha ng ex-partner ng komedyana na si Lee.

Dahil dito, pinagdiskitahan ng ilang netizens si Pokwang.
Sabi sa kanya ng isang follower, “Sana mamang hinde muna sinama si
Lee sa picture! [winking face emoji]”
Tawang-tawang sagot ni Pokwang, “kaluluwa nya yon hahahahhahhaa”

Ayon naman sa isa pa, “May nahagip poki [laughing in tears emoji]”
Tugon ni Pokwang dito, “parang ligaw na kaluluwa hahhahaha”

Kahapon, March 7, tila pinatamaan ni Pokwang si Lee sa komento nitong "wag mo akong kaawaan kasi kasalanan ko nag palaki ako ng mga DEMONYO SA BUHAY KO!”
Read: Pokwang bonds with daughter Malia; throws shade at Lee O'Brian anew
Ilang linggo nang binabanatan ni Pokwang ang dating boyfriend sa social media mula nang maghiwalay sila.
Noong March 5 lamang, sinabi ni Pokwang na hangga’t hindi nagsu-sorry si Lee sa kanyang mga anak na sina Mae at Malia ay hindi niya ito patatahimikin.
Read: Pokwang not done yet with tirades against Lee O’Brian: "Wala syang katahimikan!"
November 2021 pa hiwalay sina Pokwang at Lee, pero July 2022 lang ito naisapubliko.
