Bibida ang actor-director na si Xian Lim sa Kapuso primetime series na Hearts on Ice kung saan kapareha niya si Ashley Ortega.
Sa mediacon ng Hearts on Ice noong March 3, 2023, natanong si Xian kung ano ang nag-udyok sa kanya para tanggapin ang serye.
Sagot niya, "Why did I accept the project? Bakit hindi?
"It's such an honor to be part of the cast dito sa Hearts on Ice."
Read: Xian Lim, gustong magdirek ng teleserye sa GMA-7
Ayon kay Xian, noong una ay tinanong din niya ang sarili kung kaya ba niyang pangatawanan ang karakter na ibinigay sa kanya, lalo na't malaking hamon daw na hindi siya marunong mag-ice skating.
Saad ng Kapuso actor, "I guess what the challenges that came with the role, it’s really learning how to skate.
"Dahil noong sinabi nila sa akin yung role ko, paano nga ba, unang tanong ko, sabi ko, 'Tama ba yung pinasok ko? Sure po ba kayo na sa akin niyo gustong ibigay?’
"But I wanted the challenge, I wanted something to prove myself.
"Ilalaan ko po talaga yung oras at yung hardwork para po sa pagkakataon na ibinigay po sa akin."
August 2021 nang kumpirmahin ang paglipat ni Xian sa GMA-7 matapos ang labing-apat na taong pananatili sa bakuran ng ABS-CBN.
Read: CONFIRMED: Xian Lim joins Jennylyn Mercado's GMA-7 series
SKATING TRAINING
Bukod sa pagkabisado ng mga linya, dumaan din si Xian sa matinding training sa ice skating bilang paghahanda sa kanyang role bilang Enzo sa Hearts On Ice.
Lahad niya, “At first day, they gave me a couple of sessions sa skating ring. And after noon, sabi ko na since pinasok ko na, I need to enroll to be able to keep up with these skills, of course [with the help of] Ashley, and all the skaters that would be part of the series.
“Kasi buong buhay talaga nila ito ginagawa. It's their sports, and nakakahiya naman kung papasok ako dito na wala akong alam sa mundo nila.
“So, as much as possible, araw-araw makikita nila ako doon [sa skating ring] nila Ashley, na may isang dambuhalang nahuhulog sa yelo, gumugulung-gulong. Ako po yon.”
Dagdag pa ni Xian, “It’s really fun, very inspiring as well, and uplifting dahil yung skating community, napakabait po nila.”
XIAN’S EXPERIENCE WORKING WITH ASHLEY
Proud si Xian na si Ashley ang ipinareha sa kanya.
Aminado siya na noong una ay nagkailangan sila ngunit dahil sa training nila sa skating, unti-unti silang naging komportable sa isa’t isa.
Kuwento ni Xian, “I think na-break yung ice noong nakikita niya ako… yung mga first couple of session sa skating ring. Ayon yung mga times na nahuhulog-hulog ako.
“Nagtatawanan lang talaga kami, e, and I think that really helps para mawala yung hiya namin sa isa’t isa.
“So, when they came to the shooting, yung taping na po namin, mayroon na pong at least konting reform.”
Natanong din si Xian kung kumusta katrabaho si Ashley lalo na’t ito ang unang beses nilang pagsasama.
Saad ng aktor, “Naku, si Ashley, napakabait. Mabait po siya, she’s very supportive and very patient at the same time.”
Malaking tulong din daw na isang professional ice skater si Ashley, dahil ito mismo ang gumagabay kay Xian sa mga ginagawa nila sa skating training.
“Kasi mayroon kaming mga ginagawang choreography, and medyo gahol din kami sa oras dahil ngayon ko lang naman ito inaral, and may chance na mahulog o madulas kami.
“The coaches, si Direk [Dominic Zapata], [they’re] guiding us. And at the same time, si Ashley, she’s very patient na, ‘It’s okay, huwag kang ma-pressure. Just take your time.’”
“ANG GWAPO-GWAPO NI XIAN”
Hindi naman naitago ni Ashley ang kanyang kilig at saya nang malamang si Xian ang magiging leading man niya sa Hearts On Ice.
Aniya, “Actually, yung nalaman ko na si Xian Lim yung partner ko, medyo nag-fangirl ako. Hindi ko lang pinahalata sa yo [Xian].
“Kasi naman hindi pa ako artista noon napapanood ko na siya. Tapos nalaman ko na siya yung leading man ko, kinilig din ako.”
Read: Xian Lim explains sightings with Ashley Ortega; clarifies real score between them
Hindi rin daw sukat-akalain ni Ashley na magkakasundo at magiging magkaibigan sila ni Xian.
Sabi niya, “I got to meet him in person, he’s very approachable. Tapos ang guwapo niya. Ang guwapo-guwapo ni Xian kapag kaeksena ko siya. Very charming and he’s super friendly.
“Actually, [we’ve] created a bond. Iba kasi yung environment sa set, tapos it’s different environment also kapag nagta-training kami sa skating. It doesn’t feel like work. So, it’s more we became really friends off-cam.
“Ang saya niya katrabaho. I really hope na makatrabaho ko ulit siya.”
Read: Ashley Ortega, hiwalay na sa boyfriend na si Lucena Mayor Mark Alcala
Bukod kina Xian at Ashley, kasama rin sa Hearts On Ice sina Amy Austria, Tonton Gutierrez, Rita Avila, Lito Pimentel, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Roxie Smith, Kim Perez, at Skye Chua.
Ito ang ikalawang teleserye ni Xian sa GMA-7, pagkatapos ng False Positive nila ni Glaiza de Castro noong 2021.
Malapit na ring matapos ang Love. Die. Repeat nila ni Jennylyn Mercado.
