PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Xian Lim, gustong magdirek ng teleserye sa GMA-7

Xian: "Wala namang ibang magbubuhat ng bangko kundi ang sarili mo."
by PEP Troika
Published Mar 5, 2023
Xian Lim
Xian Lim on GMA-7 management: "I really do tell them that I say my intention na gusto niyo po want to try me as a director, then I would gladly, with all my heart do it."
PHOTO/S: @xianlimm Instagram / Gorgy Rula (center)

GORGY RULA

Hindi nahiya ang Kapuso actor na si Xian Lim na iprisinta ang sarili para magdirek ng isang drama series sa GMA-7.

Ginagawa niya ngayon ang Hearts on Ice kasama si Ashley Ortega; at sa nakikita niya sa taping nito, lalo raw siyang naengganyong magdirek ng isang drama series.

"Piniprisinta ko talaga yung sarili ko kasi wala naman hong gagawa nun kundi ako.

"I think… yun pong isa sa mga natutunan ko na, wala namang ibang magbubuhat ng bangko kundi ang sarili mo.

"I really do tell them that I say my intention na gusto niyo po want to try me as a director, then I would gladly, with all my heart do it," napapangiting pahayag ni Xian.

Nae-enjoy raw niya ang mga ginagawa niyang series sa GMA-7, pero iba raw talaga ang high na nararamdaman niya sa pagdidirek.

Sa March 13 magsisimulang umere ang Hearts On Ice.

Hearts On Ice cast

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Bukod sa Hearts on Ice, ipinarating na rin daw ng GMA management kay Xian na puwede na niyang ipagpatuloy ang Love. Die. Repeat.

Noong September 2021, naudlot ang taping ng Love. Die. Repeat dahil nabuntis si Jennylyn Mercado.

"They asked kung kailan daw ito matatapos ang Hearts on Ice, kasi ready na raw si Jen mag-shoot.

"That’s very exciting… I think parang right after this, we’re jumping to Love. Die. Repeat.

So paano, kailan kaya maga-grant ang kayang pagdidirek ng soap opera?

Abangan natin….

JERRY OLEA

Bukod sa Love. Die. Repeat, nakagawa na si Xian ng isang mini-series na False Alarm, at kasunod na itong Hearts on Ice.

Tinanong siya ng PEP Troika kung nag-sink in na ba sa kanya ang pagiging Kapuso.

"Nag-sink in na sa akin because everyone’s so nice, and very open sa pagdating ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"I didn’t really feel any coldness expecially sa mga staff, sa mga artista. I was thinking na parang sabihin nila, 'Bagong dating yan,' parang ganun. 'Bago lang yan dito.'

"Ever since, parang open arms, parang, 'Welcome, welcome. Please ano… ganito kami.'"

Siyangapala, tatlong pelikula na ang naidirek ni Xian. Directorial debut niya ang Cinemalaya 2019 movie na Tabon, na bida si Christopher Roxas.

And then iyong Hello, Universe! (2023) na bida si Janno Gibbs.

May nadirek pa siyang movie na prinodyus ni Ana Jalandoni.

More hot stories on PEP.ph:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim on GMA-7 management: "I really do tell them that I say my intention na gusto niyo po want to try me as a director, then I would gladly, with all my heart do it."
PHOTO/S: @xianlimm Instagram / Gorgy Rula (center)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results