PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dennis Padilla reaches out to daughter Julia Barretto anew

Dennis to Julia: "HOPING TO SEE YOU SOON!"
by Rachelle Siazon
Published Mar 9, 2023
Dennis Padilla and Julia Barretto
Dennis Padilla posts advanced birthday greeting to daughter Julia Barretto despite longstanding family rift.
PHOTO/S: FILE / @dennisastig / @juliabarretto Instagram

Nagparamdam si Dennis Padilla sa anak na si Julia Barretto sa gitna ng malalim na alitan nilang mag-ama.

Biyernes, March 10, 2023, ang ika-26 kaarawan ni Julia, pero Miyerkules pa lang ay may advanced birthday greeting na si Dennis.

"Dearest Juy... Happiiii 26th bday... Praying for more blessings... Labyu anak," saad ni Dennis sa kanyang Instagram post.

Sinamahan niya ito ng litrato ng handwritten note na waring nagpapahiwatig ng pangungulila sa anak.

Bahagi ng mensahe niya sa note: "PRAYING FOR MORE BLESSINGS. HOPING TO SEE YOU SOON! I LOVE YOU!"

Dennis Padilla birthday greeting to Julia Barretto

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Julia ay panganay na anak ni Dennis sa ex-wife na si Marjorie Barretto. Ang iba pang anak ng ex-couple ay sina Claudia at Leon Barretto.

Halos isang taon na mula nang muling sumiklab ang sigalot sa pagitan ni Dennis at ng kanyang mga anak kay Marjorie.

Isinapubliko noon ni Dennis ang himutok niya kina Julia, Claudia, at Leon — na wala man lang daw mensahe sa kanya noong Father's Day noong June 19, 2022.

Lumikha iyon ng kontrobersiya sa social media. May ibang netizens ang bumatikos sa mga anak ni Dennis, at mayroon din namang nakisimpatiya sa beteranong aktor.

Read: Dennis Padilla laments not getting Father’s Day greeting from children Julia, Claudia, Leon

LEON BARRETTO'S OPEN LETTER

Dahil sa isyu, naglabas ng open letter sa Instagram ang anak ni Dennis na si Leon.

Ayon kay Leon, hindi raw niya maintindihan kung bakit sa tuwing may problema ang pamilya nila ay kailangang iere ni Dennis sa publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw maintindihan ni Leon kung bakit kailangang iere ni Dennis sa social media ang mga isyung dapat ay pinag-uusapan nila bilang pamilya.

Sabi pa ni Leon, napilitan siyang magsalita sa publiko dahil pagod na raw siyang nakikitang nasasaktan ang mga kapatid dahil sa mga mapanirang salita ng ama.

Bahagi ng mensahe ni Leon noon kay Dennis: "Is public sympathy really more important to you than your own children? Your words have the power to destroy your children, papa."

Sinagot ni Dennis ang open letter ni Leon.

Nag-sorry si Dennis at sinabing nami-miss lang daw niya ang mga anak.

JULIA BARRETTO'S STATEMENT IN SEPTEMBER 2022

Tatlong buwan ang lumipas, noong September 2022, saka lamang nagsalita si Julia sa isyu.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nasaktan daw siya, pero hindi na nanibago sa pagsasapubliko ng ama ng himutok nito.

Gayunpaman, sinabi rin ni Julia na umaasa siyang sa tamang panahon ay magkaayos din uli sila ni Dennis.

Bahagi ng pahayag niya noon: "Oh, yeah, I think it’s possible. But I do hope though that there’s healing between everyone and na ma-resolve.

"But I’m not sure if it can ever be the same again. But that’s just the truth.

"I’m not sure if it can ever be the same again, but I do hope for healing and just ma-resolve."

Sa kasalukuyan, si Julia ay nagbabakasyon sa Paris, France, kasama ang nobyong si Gerald Anderson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE STORIES ON PEP.PH:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla posts advanced birthday greeting to daughter Julia Barretto despite longstanding family rift.
PHOTO/S: FILE / @dennisastig / @juliabarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results