Masaya si Ciara na nakabalik at very active ulit siya sa showbiz. Inamin niyang na-miss niya ang pag-arte sa harap ng kamera.
"Na-miss kong umarte," sambit niya.
"Now I’m back to everything. Lahat ng puwede nating gawin, why not, di ba? Hangga’t kaya pa nating gawin, why not?”
Sadyang tumigil pansamantala sa showbiz si Ciara para matutukan ang pag-alaga kay Crixus, ang only child nila ng ex-husband niyang si Jojo Oconer.
"Well, yes because I gave birth. I wanted to spend time with my son. Parang hindi ko kaya na iwanan ko siya. ‘Tapos, di ba may mga pinagdaanan pa ako?"
But now, okay na okay na si Ciara.
"Yes, tapos na ako sa mga pinagdaanan ko. Naka-move on na tayo doon. Everything is okey na on both sides. Super good friends kami.
“Sobrang okay po kami ngayon nung tatay ng anak ko. Friends na kami ngayon.
"Pati yung bagong girlfriend niya, friend ko na. Ganoon kami ka-close. Non-showbiz yung girlfriend niya ngayon,” pagre-reveal ni Ciara.
Katunayan, nakasama na si Ciara sa date ng ex-hubby niya at bagong girlfriend ni Jojo.
READ: Ciara Sotto reveals marriage with Joe Oconer now annulled
READ: Joe Oconer breaks his silence about separation from Ciara Sotto
READ: Ciara Sotto explains co-parenting setup with ex-husband Joe Oconer
“Yes! Nagawa na namin. Ay, wala pa pala akong date. Nakisama lang ako sa kanila. Extra lang ako. At okey ang anak ko. My son likes her.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ciara sa grand media launch ng NDM Studios ng director-writer-producer na si Njel de Mesa. Kabilang si Ciara sa mga bida ng trilogy film ng NDM Studios titled Subtext sa direksyon ni Njel.
Kasama ni Ciara sa Subtext si Paolo Contis, Hannah Arguelles at Ely Cellan.
