PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sofia Andres on Partner Daniel Miranda's Frugality

Sofia says she has matured a lot since becoming a mother.
by Jerry Olea
Published Mar 12, 2023
Sofia Andres and Daniel Miranda
Sofia Andres says she does not depend on partner Daniel Miranda (right, with Sofia) when she wants to buy something for herself: "Pagdating sa sarili ko… parang I deserve this because I work.”
PHOTO/S: Jerry Olea (Sofia), @danielmirandaa_ Instagram

"Badass" ang karakter ni Sofia Andres na si Nyx sa teleseryeng The Iron Heart na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Nag-aaksyon siya!

“Yung mga dapat abangan, more actions. More drama, and more of Nyx, yung revelations,” sey ni Sofia sa taping noong Marso 7, 2023, Martes sa The Dales at Terracotta Manor, Brgy. Bonbon, Cebu City.

“Nag-i-stunt ako dito pero sa mga medyo delikado po, meron akong double. Aaminin naman natin! Ha-ha-ha-ha! Kasi may uuwian pa akong anak.

“I’m all for action pero siyempre, nakakahon po ako sa… kasi siyempre, pag napanood ng anak ko, ‘Mom! Aren’t you with my dad that time?!’ Di ba?

“So wala po tayong scene. Pero… yeah, yun lang naman ang ano ko. Walang kissing scene pero it works, it works.”

In love si Nyx kay Eros (Jake Cuenca) at gagawin niya ang lahat para rito, maliban sa makipaghalikan o makipagromansahan.

Mas gusto niya yung “nakakahon” dahil isinasaalang-alang niya ang kanyang mag-ama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napabuntong-hininga si Sofia, “Ahhm… in a good way po. Yung ‘kahon’ ko lang is in a good way. Parang it works naman, hindi naman kailangan laging may kiss para kiligin ang tao.”

Yung pag-aaksyon niya sa The Iron Heart ay maituturing bang “rebranding”?

Natawa si Sofia bago nagturan, “Actually, nag-start po ako sa Bagani, may action din po, with Star Creatives."

Ang Bagani (Marso-Agosto 2018) ay pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Nasa cast din nito sina Dimples Romana, Christian Vazquez, at Benjie Paras na co-stars ni Sofia sa The Iron Heart.

“And I think nakitaan naman po ako ng ahhhm… OK sa action. Kasi nag-training din po kami. And I love it! Kasi, parang women empowerment, di ba?

“Nag-train po ako for wushu dati… Na-enjoy ko siya and I’m happy. Kasi, talagang yung 360 team po namin, talagang sila yung nagdadala.

“Sila po yung talagang inspiration namin when it comes to ano. Kasi alam po nila yung ginagawa nila, safe kami.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Walang nasasaktan. Yun ang importante po pag nagdu-do ng action, gumagawa ng action. Hindi kami nasasaktan. Ibig sabihin, alam po nila yung ginagawa nila.

Ang 360 na binanggit ni Sofia ay ang Action360 PH Stunt Team na siyang bahala sa mga maaaksyon at delikadong eksena ng mga artista sa The Iron Heart.

Why Sofia is still in showbiz

Three years and three months old pa lang si Zoe, ang supling nina Sofia at Daniel Miranda.

Read: Sofia Andres, Daniel Miranda spotted with daughter Zoe amid breakup rumor

Marami ang nag-akala na tuluyan nang magpapahinga sa showbiz si Sofia, pero heto siya ngayon at balik-primetime TV.

“Ahhmm... happy po ako dahil ang Star Creatives, after ng giving birth, akala ko po malilimitahan na po yung mga gagawin kong projects,” pagtatapat ni Sofia.

“Pero they’re still supporting me and alam nila na kaya ko. So sabi ko, if meron pa ring ganitong mga tao na naniniwala, sabi ko, ‘Sige, game, let’s do it!’ I trust them po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang impression ng iba, parang hindi na niya kailangang mag-work muna. Kasi, yayamanin naman ang dyowa niya!

“Well… it’s for myself. Eto naman yung time ko for myself. I enjoy acting po talaga,” pag-amin ni Sofia na nagsimula sa showiz sa edad na 12 at ngayo'y 25 years old na.

“And pag umuuwi ako sa Manila, I try to be present and mindful na nanay ako dito sa Manila. But when I’m in Cebu, work ako.

“Kasi… ang dami kong gustong gawin sa buhay ko. Maluho ako, e! Ha-ha-ha-ha-ha!

“Ang sabi po ng nanay ko, iba yung may pera ka na iyo, at saka iba yun.”

Hindi siya ibinibili ni Daniel ng expensive things?

Natawa muli si Sofia, “Ha-ha-ha-ha-ha! Hindi. Kasi kuripot yun, e. E ako po, pagdating sa sarili ko… parang I deserve this because I work.”

Sino ang nag-aalaga sa anak niya? Isinasama ba niya ito sa Cebu?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Minsan po dinadala ko. Kasi nag-i-school na siya sa Manila. Minsan nadadala ko but not as much.”

Sofia on disciplining Zoe

Anong klase ba siyang mommy? Tinututukan ba niya ang lahat ng ginagawa ng anak, at napapraning siya pag nadapa ito?

“Gusto ko yung natututo siya. ‘Bahala ka.’ Kasi ang parents ko dati, sobrang… yung nawiwindang sila pag may mga ano,” lahad ni Sofia.

“Pero ako yung good coop. He-he-he-he! Ayoko yung bawat minuto, mali. Bawat minuto, ‘Don’t do that!’ You have to figure out yourself.”

Inamin ni Sofia na pinapalo niya ang anak para madisiplina, pero banayad lang at hindi lagi.

Paglilinaw ni Sofia kaugnay sa spanking, “Hindi most of the time. Pag lang yung sobra na. Parang kailangan ko siyang gisingin.

“Three years old na kasi siya. Ang likot, sobra! So kada papakainin ko, kailangang hahabulin, ‘Zoe…!’ And then yung paulit-ulit. ‘You have to listen to me!’

“Pero yung spanking, light lang. Para lang maintindihan niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sofia's attitude in the past

Ipinagdiinan ni Sofia na masaya siyang napasama sa The Iron Heart.

Katwiran niya, “Siyempre, hindi naman po ako ganun kasikat, e, pero nakasama ako sa primetime. So it’s a big deal.”

What keeps her grounded? Ang beauty niya, intimidating. Meron na rin naman siyang pangalan sa showbiz.

“What keeps me grounded? Siguro ano po, ito po lagi kong sinasabi… I can’t imagine not being a mom,” pagsisiwalat ni Sofia.

“Kasi yun po ang nagpa-realize sa akin na, ‘You have to be grateful and appreciate what you have.

“Kasi before po, nung bata-bata ako siyempre narinig din nyo naman po yun for sure, di ba..? Wala akong pakialam talaga.

“But what keeps me grounded is my family.”

Yung pag-a-attitude na iyon ni Sofia ay noong panahon ng Pusong Ligaw (Abril 2017-Enero 2018), at naulat daw iyon sa PEP.ph.

Video: null.

“Yung ugali, yung may ganito-ganyan,” napapangiting pakli ni Sofia. May attitude siya before, pero ngayong isa na siyang mom ay nawala iyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yes, I admit. I feel po, being a mom really changed me a lot. Kasi, lahat po tayo, may pinagdadaanan,” salaysay ni Sofia.

“May wall po ako dati.”

Yung pagiging pasaway niya, may limitasyon din naman… to a point. Hindi yung lubos na troublemaker?

“E siguro po kasi… people judge. We can’t avoid that in showbiz. Parang sabi ko, ‘I’ll just let it be.’ Nakaka-trauma po kasi!” bulalas ni Sofia.

“Parang… competition talaga siya, e. E, mahina ako sa ganun. So nahihirapan po akong i-weigh, ‘Paano ba? Kailangan ba walang wall, o may wall? Paano ba ito?’ Ayun po…

“Kasi ang defense mechanism ko po… kasi pag nagmahal po ako, I’m very vulnerable. I’m sensitive. I give all.

“So baka masaktan lang ako. I’d rather not. Dati po iyon. Ngayon, what you see is what you get. OK na ako. If you don’t like me, that’s OK.”

Bali-balita noon pa man—bago siya maging mom—na magku-quit na talaga siya sa pag-aartista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Sofia, “E kasi po, di ba po, sa artista kailangan… ‘Hello po!’ Very warm and ano. E ako po, dati talaga, selective ako.

Video: null.

“Kasi naniniwala ako sa energy ng tao. Like as long as feel mo na genuine sila in front of you, I’ll do the same.

“Pero pag hindi, I won’t waste my time. Pero ngayon, lahat pala may pinagdadaanan. We have to understand.”

Yung pinagdaanan niya, umabot sa mental health problem?

“I was anxious po. I mean, nag-anxiety ako and ano… Kasi, ano ba yun… Pero ngayon, I’m way better. I know what to do.

“Yung journey ko, ano po ako, peaceful na.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofia Andres says she does not depend on partner Daniel Miranda (right, with Sofia) when she wants to buy something for herself: "Pagdating sa sarili ko… parang I deserve this because I work.”
PHOTO/S: Jerry Olea (Sofia), @danielmirandaa_ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results