Si Sofia Andres naman ang nagpakita ng pruweba na maayos ang pagsasama nila nila ng boyfriend na si Daniel Miranda.
Sa kanyang Instagram ngayong araw, January 6, 2023, ibinahagi ni Sofia ang ilang larawan niya kasama ang anak na si Zoe Natalia sa unang pagbisita nito sa isang dentista.
Makikita sa isang larawan na si Daniel mismo ang may hawak sa kanilang anak habang sinusuri ng dentista.
View this post on Instagram
Ito na marahil ang sagot ni Sofia sa post naman ni Daniel sa kanyang Instagram Story kagabi, January 5, 2023, kung saan sinabi ng race car driver na anuman ang mangyari ay mahal na mahal niya ang kanyang mag-ina.
Read: Daniel Miranda posts photo of Sofia Andres and their daughter amid breakup rumor
Naging usap-usapan ng netizens nitong nakaraang Pasko kung bakit walang Christmas photo na magkasama sina Sofia at Daniel.
Ang ipinost nila ay kanya-kanyang larawan nila kasama si Zoe: si Daniel noong December 24 at si Sofia naman noong 25, 2022.
Read: ON THE ROCKS? Sofia Andres unfollows, then follows again Daniel Miranda on Instagram
Nitong pagsalubong ng Bagong Taon ay tila magkahiwalay ring nagdiwang ang dalawa.
Read: Sofia Andres celebrates holiday anew without boyfriend Daniel Miranda
Una nang napagdiskitahan ng netizens ang pag-unfollow ni Sofia kay Daniel sa Instagram. Pero makalipas ang ilang oras ay muling nag-follow si Sofia kay Daniel.
