PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda hints at Darren Espanto's crush

Vice Ganda: "In love daw kasi si Darren! Hi sa kausap niya sa phone!"
by Rachelle Siazon
Published Mar 15, 2023
Vice Ganda and Darren Espanto
Vice Ganda on seeing Darren Espanto in a video call with Cassy Legaspi: "Kaya pala ang guwapo-guwapo nito si Darren, 'no?! In love, e!" Fans later got hold of a video where Darren was spotted talking to Cassy in a video call right before the telecast of It's Showtime.
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime / @fred_wpj via @teamcassren Instagram

Ibinuking ni Vice Ganda na nadiskubre niya ang babaeng nagpapasaya sa puso ngayon ni Darren Espanto.

Sa live telecast ng Kapamilya noontime show na It's Showtime ngayong Miyerkules, March 15, 2023, ipinakilala si Darren bilang hurado ng "Tawag Ng Tanghalan."

Nang mag-hi si Darren sa audience, biglang humirit si Vice, "Kaya pala ang guwapo-guwapo nito si Darren, 'no?!"

Ngumiti si Darren at sinabing dahil iyon sa beauty clinic na kanyang iniendorso.

Sabay panunukso ni Vice, "At saka in love, e! Nag-hi lang ako sa kausap niya sa phone kanina."

"In love tayo sa work natin," paiwas na sagot ni Darren.

Lalong tinukso si Darren nang patugtugin ang kanta niyang "In Love Ako Sa 'Yo."

Nakisali sa panunukso ang It's Showtime co-host na si Kim Chiu, "Reveal naman, first letter lang!"

Panay lang ang ngiti ni Darren, pero hindi nagpaawat si Vice.

Ani Vice, "In love daw kasi si Darren! Hi sa kausap niya sa phone!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa puntong ito ay nagbigay na ng clue si Vice kung sino ang kausap ni Darren sa phone bago sumalang sa It's Showtime.

"Alam mo, tuwing nakikita ko yung batang iyon, nagha-hi, kumi-kiss sa akin. Mabait sila ng kambal niya," hirit ni Vice.

Tili ni Kim, "Parang isa lang ang kambal sa showbiz!"

Nakisali na rin ang isa pang It's Showtime co-host na si Amy Perez.

Hirit ni Amy, "Uy, yung mother nila nakatrabaho ko ng matagal na panahon."

Hindi kaila sa sumusubaybay kay Darren ang pagkakaugnay nito sa Kapuso actress na si Cassy Legaspi.

Si Cassy ay anak ng mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. Kakambal ni Cassy si Mavy Legaspi.

Agad na nahagilap ng CassRen fans ang resibo na si Cassy nga ang kausap ni Darren sa phone.

Habang naghihintay sa loob ng studio ng It's Showtime, naka-video call ni Darren si Cassy. Nakunan ito ng studio audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin naman itinago ni Darren ang pakikipag-usap niya kay Cassy, dahil makikita sa video na pinag-hi ni Darren si Cassy sa studio audience na malapit sa puwesto ng binata.

Nakasalamin si Cassy at tila nasa bahay lang ng mga oras na iyon. Masayang kumaway rin naman si Cassy sa audience.

Darren Espanto and Cassy Legaspi

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kamakailan lang ay inamin nina Darren at Cassy na naging malapit sila sa isa't isa mula noong 2020.

Bukas sila sa pagsasabing espesyal ang turing nila sa sa isa't isa.

Kung may espesyal na ugnayan man ang dalawa, sa ngayon ay wala pang inaamin ang mga ito liban sa pagiging "best friends."

Gayunman, hinihinala naman ng fans na posibleng peg ni Cassy ang mga magulang na ang love story ay nagsimula sa pagiging magkakaibigan.

RELATED STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on seeing Darren Espanto in a video call with Cassy Legaspi: "Kaya pala ang guwapo-guwapo nito si Darren, 'no?! In love, e!" Fans later got hold of a video where Darren was spotted talking to Cassy in a video call right before the telecast of It's Showtime.
PHOTO/S: Screengrab from It's Showtime / @fred_wpj via @teamcassren Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results