PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Camille Prats on working at a very young age: "I had so much fun!"

Camille: "I had a very unique childhood."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 16, 2023
Camille Prats on working at a young age
Camille Prats looks back at her experience as a child star: “Yung buhay ko nung kabataan ko, remembering all the projects that I did, those were happy memories for me. I had so many friends..."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube

"Unique, fun, at blessing."

Ganito ilarawan ni Camille Prats ang kanyang kabataan matapos mamulat nang maaga sa mundo ng showbiz.

Sa panayam ni Camille sa Fast Talk with Boy Abunda kahapon, March 15, 2023, inusisa ng host na si Boy Abunda ang makulay na kuwento ng kanyang kabataan.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na pitong taong gulang pa lamang si Camille nang pasukin niya ang mundo ng showbiz.

Una siyang napanood sa youth-oriented variety show ng ABS-CBN na Ang TV noong 1992, hanggang sa pagbidahan niya ang pelikulang Sarah… Ang Munting Prinsesa noong 1995 sa edad na siyam.

Ginawang take-off point ni Boy ang nakaraang panayam niya kay Liza Soberano, kung saan sinabi ng aktres na pakiramdam niya ay nawala ang kanyang kabataan dahil maaga siyang sumabak sa show business.

Read: Liza Soberano: "Hindi po ako nagko-complain. I was just stating facts."

Tanong ni Boy kay Camille: "Maaga kang nagsimula... did you feel na nanakaw ang iyong kabataan dahil you started early in the business?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taliwas sa karanasan ni Liza, na-enjoy at very thankful daw si Camille sa kanyang kabataan habang nagtatrabaho sa murang edad bilang artista.

Sagot ng actress-TV host: “Alam mo, Tito Boy, noong bata ako, lagi kong naririnig yon sa mga tao around me, especially sa mga may edad na.

“Parang [sinasabi nila], ‘Kawawa ka naman, kasi ang bata-bata mo pa nagtatrabaho ka na, hindi normal ang childhood mo.’

“Pero to be honest, Tito Boy, I had a very unique childhood.

“Totoo yun na hindi ko man naranasan yung kung ano ba yung normal na childhood para sa karamihan, but I would like to think na yung buhay na ibinigay sa akin ng Diyos, is the life He really wanted for me.

“Hindi siya kapareho ng iba, unique siya, but I had so much fun.”

Ayon pa kay Camille, wala siyang pinagsisisihan na maaga siyang namulat sa realidad dahil magpahanggang ngayon ay mahal niya ang kanyang ginagawa at tinatanaw niya itong isang napakalaking biyaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “I love what I was doing even until now...

“I’m so grateful to be in the business for thirty years, and I really think it’s a blessing.”

Punung-puno rin daw ng masasayang alaala ang kanyang kabataan kung kaya’t wala siya ni isang panghihinayang.

Ani Camille: “Yung buhay ko nung kabataan ko, remembering all the projects that I did, those were happy memories for me.

“I had so many friends.

“I started in Ang TV, and iyong Ang TV puro mga bata, so ang dami ko ring kalaro. Nagte-taping kami pero natututo kami.

“Ang gusto ko sigurong sabihin, Tito Boy, is that, ang perspective ko doon is that nag-aaral tayo para magtrabaho pagdating ng panahon.

“I had the privilege to actually experience, hands-on experience, of what real work is, like, at the age of seven years old.”

Sundot na tanong ni Boy, “But as a child, kinailangan mo ng guidance?”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mabilis na sagot ni Camille, “Yes, my parents. I’m very blessed to have my parents.”

“MALALAKAS PA TAYO, MARAMI PA TAYONG PUWEDENG GAWIN”

Naitanong din ni Boy ang reaksiyon ni Camille sa episode ng Eat Bulaga! noong March 7, 2023, kung saan pinayuhan ng host na si Maine Mendoza ang isang participant sa segment na "Bawal Judgmental."

Sa naturang episode ay tampok ang mga ina na 25 anyos o mas bata pa na mayroon nang limang anak o higit pa.

Kabilang sa mga pinagpilian ang 24-anyos na si Incess na mayroon nang apat na anak.

Ang panganay niyang anak na lalake ay may edad namang pito, na ipinanganak niya noong 17 years old lamang siya.

Sa huling bahagi ng panayam sa 24-anyos na ina ay hiningan siya ng mensahe para sa kanyang seven-year-old son.

Pinayuhan ni Incess ang panganay na anak na mag-aral nang mabuti. Ito raw ang kasi ang inaasahan niya at ng kanyang asawa na mag-aahon sa kanila sa kahirapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ito sinang-ayunan ni Maine kung kaya’t agad siyang nagsalita at pinayuhan si Incess.

Aniya, “Ang bata mo pa, Incess, kayong mag-asawa. May pagkakataon pa para palakihin o pagandahin ang inyong buhay.

“Tsaka bata pa si Ace. Huwag nating ipasa sa kanya yung responsibilidad. Marami ka pang magagawa, kayo ni Mister.”

Read: Netizens laud Maine Mendoza for telling a young mother not to burden seven-year-old son with responsibilities

Ayon kay Boy, gusto niyang malaman ang reaksiyon ni Camille lalo na’t kasing edad niya ang batang si Ace noong nagsimula siyang magtrabaho.

Sinang-ayunan ni Camille ang payo ni Maine sa ina.

Pahayag pa niya, “Dahil, as a child star, ginusto ko yon, e.

"Kaya nga sinasabi ko nga sa mommy ko, ‘You know, Mom, I’m so blessed and so fortunate na at the age of four years old, noong sinabi ko sa yo na gusto ko mag-artista, naniwala ka sa akin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi puwede naman na i-dismiss niya ako [at sabihing] ‘Hay naku, anak, lilipas din yan. Ang hirap gawin noong gusto mong mangyari. Mag-artista, paano?’

“But, you know, it such a blessing that my mom said yes.

“Pero yung inasa sa yo yung kabuhayan ng pamilya, it did not happen with our family.”

Naniniwala rin si Camille na hindi matitigil ang isang pangarap kung gagawa at gagawa ka ng paraan.

Sabi niya, “Malalakas pa tayo, marami pa tayong puwedeng gawin.

“Walang time limit ang pagtatrabaho at pangangarap sa buhay para maiahon mo yung sarili mo.”

Read: Camille Prats recalls how she handled heartbreak when she lost her first husband

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Camille Prats looks back at her experience as a child star: “Yung buhay ko nung kabataan ko, remembering all the projects that I did, those were happy memories for me. I had so many friends..."
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results