PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marco Gumabao Apologizes to Reporter

"Nagkaroon ako agad ng write-up na snob daw ako."
by Bong Godinez
Published Mar 17, 2023
marco gumabao kylie verzosa baby boy baby girl
Maro Gumabao and Kylie Verzosa give their opinion about giving respect to senior stars. Marco says, "Don’t assume that everyone knows you. Even if people know you, magpakilala ka pa rin. A simple 'hi' and a simple greeting would always suffice."
PHOTO/S: Viva Films

Labing-isang taon na sa showbiz ang aktor na si Marco Gumabao.

Binalikan ni Marco ang kanyang struggles noong nagsisimula pa lang siyang umarte sa harap ng kamera nang mag-guest siya at ang beauty queen-turned-actress na si Kylie Verzosa sa PEP Live noong Martes, March 14, 2023.

“Before, nung nagsisimula ako, mas nai-stress silang lahat sa akin kasi hirap na hirap akong mag-Tagalog,” saad ni Marco.

“I didn’t know anything about acting. I didn’t know how to project on the camera, di ba?

“I was 17 years old. I was very, very young. So, grabe rin yung patience sa akin nung buong cast, lahat ng directors sa amin.

“So, I came from that point in life na walang-wala talaga ako when it comes to work.”

Unang napanood si Marco sa ABS-CBN comedy series na Toda Max nung 2012.

Nasundan ito ng marami pang proyekto katulad ng She's Dating The Gangster, Just The Way You Are, at Just A Stranger sa big screen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa telebisyon naman ay nasilayan si Marco sa mga teleseryeng Kailangan Ko'y Ikaw, Forevermore, Precious Hearts Romances Presents, at Di Na Muli.

PAYING IT FORWARD

Magkatambal sina Marco at Kylie sa upcoming sexy romantic-comedy film na Baby Boy, Baby Girl. Idinirek ito ni Jason Paul Laxamana (100 Tula Para Kay Stella, Between Maybes, Expensive Candy) under Viva Films.

Tinatalakay ng pelikula ang mundo ng sugar dating o ang kalakaran ng pakikipag-date ng isang indibidwal na kung tawagin ay “sugar baby” sa isang mayamang kliyente kapalit ng pera, regalo, o anumang favors.

Kung "beterano" na sa pag-arte si Marco, si Kylie naman ay nagsisimula pa lang matapos tumawid from beauty queen to actress noong 2017.

To Kylie's credit ay naipakita niyang may ibubuga rin siya sa pag-arte sa mga pelikulang Love the Way U Lie, The Housemaid, at Parang Kayo Pero Hindi.

Ginawaran pa nga siyang best actress sa 6th Dubai International Arab Festival Awards (DIAFA) para sa kanyang pagganap sa Philippine adaptation ng 2010 South Korean erotic-thriller film na The Housemaid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kylie Verzosa, waging best actress sa Dubai para sa "The Housemaid"

Kahit paano ay nakatulong kay Kylie ang pagiging experienced actor ni Marco para maalalayan siya nito sa kanilang mga eksena, kasama na ang ilang sexy scenes.

Sabi ni Marco, “That’s why if given the chance to teach someone, or to mentor someone, or to like guide someone, I’m more than willing to do it kasi doon ako nanggaling, e, and I know how it feels.”

Dagdag pa niya, “Kasi maraming artista na kapag nagkamali sa set, kakabahan na.

"Especially, for example, if veteran actress or veteran actor yung kaeksena nila tapos nagkamali sila ng one time, two times, tuluy-tuloy na yan, e, chain reaction until hindi mo na magagawa nang maayos yung eksena.

“So it’s very important for the veteran actors, actresses, to guide the newcomers.”

Dugtong naman ni Kylie, “I was also lucky enough to have people like that — just to guide you and be patient with you.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kasi lahat tayo nanggaling somewhere. Lahat naman tayo hindi magaling nung una. Lahat naman tayo nagpe-fail, and so parang just try to give back to younger actors."

Pagpapatuloy niya, “Also, nandun sila Marco during the time that I started and siyempre other people also.

"Eventually, you just try to give back whether that’s [in the form of] patience, or mentorship, or understanding man lang.”

Aminado si Kylie na, katulad ng marami, ay nakakaramdam siya ng insecurity sa kanyang kakayahan bilang artista.

“Ah, oo, especially pag feeling mo hindi ka magaling. Napi-feel mo kasi yun sa set na, ‘Oh my God, hindi ako magaling,’ ‘Hindi nila gusto.’

“Tapos late hours pa [ang shooting], hindi ka sanay.

"Pero I’m so happy that I have people around me who really, really pushed me to strive even harder in showbiz.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EXTENDING COURTESY

Kadalasan nating naririnig ang hinaing ng ilang beteranong artista patungkol sa wari nila ay kawalan ng kortesiya ng ibang nakakatrabaho na young artists ngayon.

Hati ang opinyon ng publiko sa usaping ito.

Sa pananaw ng ilan ay nagiging "overly sensitive" at "feeling entitled" lang ang veteran artists kaya sila nagtatampo sa mga batang katrabaho.

Para kay Marco, tama lang na ipaalala sa young stars of today ang kahalagahan ng pagpapakita ng respeto sa lahat ng nakakatrabaho.

"I 100-percent agree with the veterans who think that way or who feel that way, rather," sambit niya.

"Kasi importante talaga yung magbigay-pugay ka — a simple hello, a simple... yung magpakilala ka lang."

Ito raw ang isa sa important lessons na itinuro sa kanya ng mga kasama noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Ani Marco, "They always taught me na, 'Magpakilala ka.'

"Don’t assume that everyone knows you. Even if people know you, magpakilala ka pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"A simple 'hi' and a simple greeting would always suffice."

Dito na sinariwa ni Marco ang naging karanasan niya matapos hindi mabati ang isang entertainment reporter sa isang restaurant.

Lahad niya, "We were in ABS [CBN], dun sa isang restaurant dun. We were just eating kasi taping namin doon, e.

"Tapos nag-hi yung ibang cast members dun sa isang press, and I didn’t know who the press person was because bago pa nga ako, di ba?

"Wala lang, parang nagkaroon ako agad ng write-up na snob daw ako.

"So I messaged the press person personally and I was, like, 'I’m sorry, hindi ko po kayo kilala. I'm just new here. Hindi ko po kilala lahat ng tao na ganyan.'

"I said sorry and up until now, okay na kami nung press person na yun, wala na kaming problem.

"So, siguro ang sa akin lang, it’s always important na magpakilala ka even though hindi mo kakilala yung tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Especially sa showbiz, sobrang bilis kumalat ng balita and it’s so easy to make stories to ruin someone’s reputation."

Dugtong pa ng aktor, "Especially sa mga veteran actresses and actors, pag nasa set kayo, always show respect, always show that you’re ready in terms of memorizing the script and come prepared."

Sang-ayon naman si Kylie kay Marco rito: "Yan yung unang itinuro sa akin ng manager ko pagpasok ko sa showbiz.

"Kailangan lagi kang mag-po, mag-opo, greet your elders, kasi alam mo yun, medyo sensitive sila.

"Pero as you get older, yun naman talaga yung kailangan mong gawin and it’s all about giving respect to your elders and treating others the way you want to be treated as well.

"And ako, very respectful to my elders, very respectful to the veteran actors, kasi ang tagal na nila sa industry and I look up to them dahil ang dami na nilang na-accomplish.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"They stayed in the industry for so long and I just have so much respect for them."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maro Gumabao and Kylie Verzosa give their opinion about giving respect to senior stars. Marco says, "Don’t assume that everyone knows you. Even if people know you, magpakilala ka pa rin. A simple 'hi' and a simple greeting would always suffice."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results