PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marco Gumabao, nanghinayang sa naudlot na unang teleserye sa GMA-7

Marco Gumabao, ready na sana para sa taping ng Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?.
by Jojo Gabinete
Published Mar 7, 2023
marco gumabao saan nagtatago ang pag-ibig
Marco Gumabao on postponement of the TV adaptation of Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?: “Alam mo yung feeling na ready to go ka na tapos biglang, 'Ooops, wait lang.' Parang ganoon yung nangyari so nakakalungkot. At the same time, excited na excited na kami. First teleserye ko sana sa GMA-7 so I was really looking forward to it. Sana naman matuloy.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @gumabaomarco on Instagram

Napabalita noong November 2022 na magkakaroon ng TV adaptation ang Saan Nagtatago ang Pag-Ibig?, ang 1987 blockbuster movie ng Viva Films na pinagbidahan nina Vilma Santos, Ricky Davao, at Tonton Gutierrez.

Ang TV adaptation ay tatampukan nina Yassi Pressman, Ken Chan, at Marco Gumabao.

Read: Yassi Pressman, Ken Chan, Marco Gumabao headline Saan Nagtatago ang Pag-ibig? series

Pero hanggang ngayon, hindi pa rin natutuloy ang collaboration project ng GMA Network Inc. at ng Viva Television.

Sa media conference ng pelikulang Baby Boy Baby Girl sa isang restaurant sa Vertis North Mall ngayong Martes ng gabi, March 7, 2023, ito ang itinanong ng entertainment press kay Marco.

“I am not so sure. Parang hold back po yata,” sagot ng Viva actor.

Sobrang nanghihinayang si Marco sa naudlot na television project na kanya pa namang gustung-gusto dahil unang drama series sana niya ito sa Kapuso Network.

Lahad niya, “Sayang nga kasi ready na kaming lahat to do that. Nag-workshop na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero I think there were problems beyond our control so, I think, made-delay.

“Sa totoo lang, we’re so ready. Nag-workshop kami I think three times, every day. Tatlong araw na sunud-sunod.

“The first [time], kami ni Ken Chan. We did workshop together and na-form kaagad namin ni Ken yung friendship at dynamics as magkapatid.

“And then we had workshop with Yassi, the rest of the cast. I must say, grabe yung workshop, sobrang intense.

“We did the scenes na mahihirap, all the drama scenes, and we are also ready.

"So medyo, of course, nakakalungkot na nahinto muna yung Saan Nagtatago ang Pag-Ibig?.

Sa kabila nito, umaasa pa rin si Marco na matutuloy pa rin ang TV version ng Saan Nagtatago ang Pag-Ibig?.

“Basta sana po same cast kasi nakapag-start na kami," asam niya.

“Alam mo yung feeling na ready to go ka na tapos biglang, 'Ooops, wait lang.' Parang ganoon yung nangyari so nakakalungkot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At the same time, excited na excited na kami. First teleserye ko sana sa GMA-7 so I was really looking forward to it. Sana naman matuloy.”

Hindi pa isinisilang si Marco nang ipalabas sa mga sinehan ang Saan Nagtatago ang Pag-Ibig? noong September 2, 1987. Isinilang siya noong August 14, 1994.

Pero pinanood daw niya ang nabanggit na pelikula nang ialok sa kanya ang proyekto.

“Before ko in-accept yung project, I had to watch first the film and, grabe, sobrang ganda talaga nung film.

“Ang galing ni Sir Ricky Davao and, of course, si Mr. Tonton Gutierrez,” sabi ni Marco, na gagampanan sana ang karakter na binigyang-buhay ni Ricky sa pelikula.

Hindi man natuloy ang pagtatambal nila ni Yassi sa joint venture ng GMA-7 at Viva Television, si Marco pa rin ang katambal ng aktres sa Kurdapya, ang comedy series ng TV5 na mapapanood simula sa March 18, 2023.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gumabao on postponement of the TV adaptation of Saan Nagtatago Ang Pag-ibig?: “Alam mo yung feeling na ready to go ka na tapos biglang, 'Ooops, wait lang.' Parang ganoon yung nangyari so nakakalungkot. At the same time, excited na excited na kami. First teleserye ko sana sa GMA-7 so I was really looking forward to it. Sana naman matuloy.”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / @gumabaomarco on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results