May espesyal na ugnayan ba sina James Reid at Issa Pressman?
Ito ang katanungan ng netizens matapos mag-post si Issa ng litrato nila ni James na magka-holding hands sa kanilang mirror selfie sa loob ng isang kuwarto.
Kuha iyon noong gabing dumalo sila sa Harry Styles concert sa Philippine Arena noong March 14, 2023.
Inihuli ni Issa ang picture nila ni James sa collection of photos niya noong gabing iyon, pero hindi ito nakaligtas sa mapanuring netizens.
May solo photo rin si James na kuha ni Issa sa mismong concert venue.
Sa hiwalay na Instagram post ni James, may ibinahagi siyang video nila ni Issa habang sinasabayan ang pagkanta ni Harry ng "Watermelon Sugar."

May kuha rin si James ni Issa na kita ang jampacked venue ng concert.
Si Issa ay matagal nang kaibigan ni James at bahagi rin ng roster of talents ng Careless Music, ang record label at talent management company kunsaan co-owner si James.
Pero hindi maiwasang mabigyan ng kulay ang litrato nila.
james reid and issa pressman rumor in 2020
Bukod sila lang ang nasa post ng isa't isa, naalala ng netizens ang isyu noong January 2020 na naugnay si James kay Issa.
Nag-viral noon ang video kunsaan sinasabing namataang naghalikan umano sina James at Issa habang kasamang puma-party ang kanilang barkada sa Boracay.
Nasa party ring iyon si Nadine Lustre, ang ex-girlfriend ni James. Ang insidente ay sinasabing naganap noong December 2019.
January 1, 2020, inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang breakup nina James at Nadine.
Read: James Reid at Nadine Lustre, break na
Kinumpirma iyon nina James at Nadine sa kanilang joint statement noong January 20, 2020.
Sa ulat ng PEP.ph noong January 22, 2020, itinuro ng netizens si Issa na diumano'y third party sa hiwalayang James at Nadine.
Pero noong January 23, 2020, humupa rin ang isyu matapos humingi ng dispensa si James sa magkapatid na Issa at Yassi Pressman sa pagkakadawit ng mga ito sa isyu.
Read: James Reid, nag-apologize kina Yassi at Issa Pressman
Mariin ding pinabulaanan noon ni Issa ang bintang na siya ang dahilan ng breakup nina James at Nadine.
Read: Issa Pressman breaks silence on third-party allegation in James Reid-Nadine Lustre breakup
NETIZENS' REACTIONS
Fast-forward to present time, muling tampulan ng usap-usapan ang ugnayan nina James at Issa.
May mga umaalmang fans nina James at Nadine (JaDine) na nagsasabing, "Time is the ultimate truth teller" bilang patutsada kina James at Issa.
Narito ang ilang reaksiyon ng JaDine fans:

May JaDine fans din ang umalma na "abangers" umano si Issa kay James.

Pati ang kapatid ni Issa na si Yassi ay nadadawit din sa isyu.

