PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis grilled about being ""manloloko""

Paolo Contis says he is a work in progress
by Bernie V. Franco
Published Mar 17, 2023
Paolo Contis
Paolo Contis stresses in a recent YouTube interview that the public does not believe what he says: “Feeling ko naman kasi kahit anong sabihin ko, hindi maniniwala sa akin yung taong nakikinig, e."
PHOTO/S: Youtube (Sparkle GMA Artist Center)

Hindi nakaiwas si Paolo Contis nang isusain siya ni Kiray Celis tungkol sa usaping “manloloko.”

Guest ni Paolo si Kiray sa digital show ng aktor na Just In sa Sparkle GMA Artist Center YouTube nitong March 15, 2022.

Napag-usapan sa episode kung paano nagsimula ang love story ni Kiray at boyfriend nitong si Stephan Estopia.

Inilahad ni Kiray na kagagaling lang niya sa breakup noon at inaliw ang sarili sa paglalaro ng online game na Mobile Legends (ML).

Read: Kiray Celis says "walang ligaw" in her whirlwind romance; took just days to get into the relationship

Niyaya niya noong maglaro si Stephan, na best friend ng kapatid ni Kiray.

Nagkapalagayan ng loob sina Kiray at Stephan. Nalaman kasi nilang pareho silang broken-hearted dahil niloko ng mga nakarelasyon nila.

Ani Kiray, “Nagkuwentuhan kami na parang, ‘Ay, niloko ka rin? Oh my gosh, niloko ka rin?!’

“So, dun ko nalaman na lahat ng manloloko isa lang pala ang reason…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit ni Paolo: “Sige, iaano ko sa yo, parang nagpaparinig ka, e.”

Kiray Celis and Paolo Contis

Dati nang inulan ng batikos si Paolo na inakusahang manloloko dahil sa paghihiwalay nila ni LJ Reyes, kasabay ng pagkakaugnay niya sa aktres na si Yen Santos.

Magkarelasyon na ngayon sina Paolo at Yen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

Pagpapatuloy ni Kiray: “Yung mga manloloko, alam mo, yung partner nila yung sisisihin. Parang, ‘Ikaw kasi, e, kaya ako nagloko kasi ganito.’ Ikaw yung pagmumukhaing masama.”

Diretsang tanong ni Kiray kay Paolo: “Na try mo ba yon?”

Depensa ni Paolo: “No. Ako, to be honest, never akong nanisi sa mga mali ko.”

Kiray: “So, alam mo na mali ka?”

Paolo: “Oo!”

Kiray: “O, e, di good for you.”

Nautal si Paulo sa sumunod na sinabi: “Hindi ako… so hindi… feeling ko kailangan…”

Biro ni Kiray: “Yung host natin nauutal.”

Pagseseryoso ni Paolo: “Ang sa akin lang, kung may ginawa kang mali, be man enough to admit.”

Kiray: “And be responsible…”

Sabat ni Paolo: “Hindi. Iresponsable na nga yung ginawa mo. So be man enough to admit it.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So say sorry and then try to change for the better.”

Hirit ni Kiray kay Paolo: “Are you better now?”

Sagot ni Paolo: “I’m a work in [progress].”

Sa interview, may mga hirit din si Paolo na matutukoy na alam niyang pangit ang reputasyon niya sa publiko.

Sa isang punto, sinabi ni Kiray na alam niyang ang current boyfriend ang kanyang makakatuluyan.

Sabi ni Kiray kay Paolo: “Mararamdaman mo naman yon pag last na, di ba?”

Pagsakay ni Paolo: “Ah oo! Ah, oo, sige. Sasakyan kita.”

Hirit ni Kiray, bakit tila hindi kumbinsido si Paolo?

Paliwanag ng aktor: “Feeling ko naman kasi kahit anong sabihin ko, hindi maniniwala sa akin yung taong nakikinig, e. [Sasabihin nila], ‘Manloloko!’”

Nasabi rin ni Paolo sa isang punto: “Wala namang naniniwala sa akin.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis stresses in a recent YouTube interview that the public does not believe what he says: “Feeling ko naman kasi kahit anong sabihin ko, hindi maniniwala sa akin yung taong nakikinig, e."
PHOTO/S: Youtube (Sparkle GMA Artist Center)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results