PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Francis M's Polo Shirt Sells for PHP620K

Boss Toyo's total purchase of memorabilia for Parokya's fundraising is PHP935K
by Bernie V. Franco
Published Mar 21, 2023
Pia Magalona and Boss Toyo with Francis M polo shirt
Content creator Boss Toyo (center) bought the late Francis Magalona's memorabilia polo shirt for PHP620,000. The memorabilia was donated by Francis's wife, Pia Magalona, (far left) to raise funds for Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee, who is battling lymphoma. Boss Toyo, together with his wife (far right), visited Pia in their clothing store to buy the memorabilia.
PHOTO/S: Facebook (Chito Miranda)

Nabenta ng higit kalahating milyon ang polo shirt ng yumaong Pinoy King of Rap na si Francis Magalona.

Ang polo shirt ng yumaong Filipino rapper ay ipinagkaloob ng naiwan niyang pamilya sa fundraising ni Parokya ni Edgar front man Chito Miranda para sa kanilang bandmate at guitarist na si Gab Chee Kee.

Read: Francis Magalona's shirt to be auctioned to help Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee

pia magalona and boss toyo with francis magalona shirt

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Gab ay na-diagnose na may lymphoma-induced pneumonia. Ang lymphoma ay isang uri ng cancer na ang tinatamaan ay lymph nodes.

Pinangunahan ni Chito ang fundraising para makatulong sa pagpapagamot ni Gab.

Bilang donasyon, ipinagkaloob ni Pia Magalona, misis ni Francis, ang polo shirt memorabilia ng kanyang yumaong asawa para masubasta.

Ibinahagi ni Chito ang magandang balita na ang pinakamataas na bid sa polo shirt memorabilia ay PHP620,000.

Ang bumili ay ang vlogger na si Boss Toyo.

Bukod pa rito, si Boss Toyo rin ang bumili ng iba pang memorabilia ng Filipino singers para sa fundraising ni Gab.

Kabilang na rito ang polo ni Gloc-9 na naibenta sa halagang PHP80,000 at polo ni Chito na nabenta ng PHP150,000.

Nabenta rin sa halagang PHP85,000 ang puppets na ginamit sa Halina sa Parokya album cover ng Parokya ni Edgar.

Ang lahat ng ito ay si Boss Toyo ang bumili.

Ibig sabihin nito ay nakapag-raise ng PHP935,000 mula sa items na nabanggit na binili ni Boss Toyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Napakalaking tulong nito for Gab kasi lahat ng kinita sa pagbenta ng mga polo ay mapupunta sa kanya,” Facebook post ni Chito nitong March 18, 2023.

“Sobrang salamat din kay Ma'am Pia Magalona sa pag-donate ng polo ni Sir Kiko para kay Gab alam ko po na sobra yung sentimental value ng polo sa inyo pero pinili nyo pa ring i-donate para makatulong sa kabanda namin.”

Pinasalamatan din ni Chito si Saab Magalona, anak nina Francis at Pia, na namagitan para mai-donate ni Pia ang memorabilia ng kanyang nasirang asawa.

Pinasalamatan din ni Chito si Saab na nag-donate ng PHP300,000 mula sa kanilang shirt company, para matulungan si Gab.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Content creator Boss Toyo (center) bought the late Francis Magalona's memorabilia polo shirt for PHP620,000. The memorabilia was donated by Francis's wife, Pia Magalona, (far left) to raise funds for Parokya ni Edgar guitarist Gab Chee Kee, who is battling lymphoma. Boss Toyo, together with his wife (far right), visited Pia in their clothing store to buy the memorabilia.
PHOTO/S: Facebook (Chito Miranda)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results