PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alma Concepcion responds to bashers' insults

Alma Concepcion on bashers: "Keber lang."
by Arniel C. Serato
Published Mar 23, 2023
Alma Concepcion called "gurami" by bashers
Actress Alma Concepcion on comments about her age: "E, totoo naman di na ako bata at never ko sinabi na bata ako.”
PHOTO/S: Courtesy: Facebook

Tinatawanan na lamang ng beauty queen-actress na si Alma Concepcion, 47, ang bashers na binabato siya ng mga nakakainsultong salita sa social media.

Kabilang sa mga ginamit na termino sa kanyang bashers ay may kinalaman sa isda: "bilasa" at "gurami."

Sa kolokyal na salita, ang "bilasa" ay tumutukoy sa hindi pagiging fresh o sariwa ng isang personalidad o napaglipasan ng panahon.

Ang "gurami" naman ay ginagamit upang ilarawan ang isang taong may edad o "gurang" na.

Parehong hindi katanggap-tanggap ang mga salitang ito at hindi dapat gamitin upang tukuyin ang sinuman.

Read: Alma Concepcion reacts to basher calling her "gurami"

Sa pakikipag-usap niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng Facebook messaging ngayong Huwebes, March 23, 2023, iginiit ni Alma na kailanman ay hindi niya iginiit na bata pa siya.

Aniya: “Kelan ko ba sinabi na bata pa ako? Kalurks, hahahah.

“Paulit-ulit na lang sila, gurami, bilasa hehehe.”

Noong March 20, ibinahagi ni Alma ang screenshots ng pagsagot niya sa isang netizen na tumawag sa kanya ng "bilasa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Alma Concepcion puts basher in place for calling her “bilasa”

Ayon sa Bb. Pilipinas-International 1994, wala na siyang pakialam sa bashers sa ngayon.

“Keber lang, mga 2 times a year lang ako sumagot o 3 times, depende sa mood, heheheh. Paulit-ulit lang naman, yung 1st gurami. Eto latest, bilasa.

“What’s new? Hehehehe. E, totoo naman di na ako bata at never ko sinabi na bata ako hahahaha,” mensahe niya.

“SINGLE AND DATING”

Nang usisain naman ng PEP.ph ang kanyang love life, sinabi ni Alma na kuntento na siya sa paminsan-minsang pakikipag-date dahil may binata na siyang anak, si Cobie Puno.

Hindi na raw niya kailangang magpakasal para maging masaya.

Ayon sa dating beauty queen, “Okay na ako sa single and dating. Graduating na anak ko sa May and I don’t need marriage to be happy, hehehe!

“I am fulfilled naman as a mother. Now naman, after decades of being a hands-on mom nung bata pa siya, now naka-focus ako sa self-growth ko as a person, daughter, sister, mom, actress, etc., etc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May time na ngayon na pagbutihin ko pa ang mga nagawa ko in the past.”

Masaya rin si Almadahil nabigyan siya ng pagkakataon ng GMA-7 na maging bahagi ng prime-time series na The Write One.

Puring-puri nga ng aktres ang bagong sistema ngayon sa taping at paggawa ng mga teleserye.

Saad niya, “Nakaka-excite kasi global platform na ang vision ng mga seryes!

“Iba na ang mga styles of writing, cinematography, editing, directing!

“Ang tatalino ng lahat ng bumubuo! Nakaka-impress! And nagpapasalamat ako sa Kanya for this experience!

“Na makatrabaho ko ang mga bumubuo ng The Write One na lahat aiming for excellence!”

Mapapanood ang The Write One sa GMA Telebabad tuwing 9:35 p.m., Lunes hanggang Huwebes.

Nagsimula na rin ang streaming nito sa Viu noong March 18.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Alma Concepcion on comments about her age: "E, totoo naman di na ako bata at never ko sinabi na bata ako.”
PHOTO/S: Courtesy: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results