PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Photo or Painting? Art by Google-YT Artist

Would you believe wala siyang formal training bilang isang pintor?
by Bernie V. Franco
Published Mar 24, 2023
old man painting
Inspirasyon ng pintor na si Nestor Abayon Jr. ang mga magsasaka sa kanilang lugar sa Occidental Mindoro na nawawalan na ng trabaho dahil sa makabagong teknolohiya sa pagsasaka.
PHOTO/S: Nestor Abayon Jr.

Sa unang tingin ay aakalain mong isang photograph ang obrang naglalarawan sa isang matandang lalaki.

Bakas ang pagod sa kanyang mukha, at wala siyang saplot pang-itaas habang binubuhat ang isang sako ng palay.

Pero ang obrang ito ay hindi photograph kundi isang painting.

Guhit ito ng pintor mula sa Occidental Mindoro na si Nestor Abayan Jr., na walang formal training sa pagpipinta.

Ang kaalaman niya sa pagguhit ay natutunan mula sa YouTube at Google.

Nitong pandemic lamang sinubukan ni Nestor ang hyperrealism o pagpipinta kung saan realistic ang itsura ng obra na animo'y totoo at hindi mukhang painting.

old man painting

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinulat ang kuwento niya dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 2022.

Read: Jinkee Pacquiao, celebrities stunned by this painter from Occidental Mindoro

Ikinuwento niya noon kung paano siya natuto sa pagpipinta: “YouTube lang talaga [at] Google. Nagri-research ako ng style kung paano gawin ito. Nood lang. Self-taught lang po talaga.”

Tinalakay din kung paano niya napabilib sina Julius Babao at Chinkee Tan kaya bumili sila ng obra ni Nestor.

Maging si Jinkee Pacquiao ay natuwa sa portrait ni Manny Pacquiao.

Ang kapansin-pansin pa ay mas naging maganda at pulido ang latest artworks ni Nestor.

Si Nestor ay nagtapos ng Marine Engineering sa Philippine Maritime Institute noong 2017, pero full-time painter siya ngayon.

Julius Babao and Chinkee Tan painting

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PAINTING OF AN OLD FARMER

Muling umagaw ng atensiyon sa social media ang pinakahuling obra ni Nestor na isang matandang magsasaka.

Tinawag niya ito na “Last Suffer” na aniya ay patungkol sa mga taong nagsasaka sa lupa.

Ipininta niya ito sa 48X60 inches na canvas, at natapos sa loob ng 28 araw o halos isang buwan.

Paglalarawan ni Nestor tungkol sa kanyang obra, “Iyon pong mga trabahador ng mga magsasaka dito sa amin na nawalan ng trabaho dahil po sa mga bagong teknolohiya, na gamit ngayon sa pagsasaka.

“Kaya po ‘last suffer,’ para po sa akin, sa ngayon po kasi napapansin ko po na parang nasa huling panahon na para sa kanila ang pagsasaka.

“Maliban sa mababang presyo ng palay, wala na rin halos trabaho ang mga gumagawa sa sakahan, nang dahil na rin sa mga makabagong makina ngayon.

“Kumbaga po dahil sa mga ito, hindi na kailangan ng mga trabahador.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kaya parang na-inspire po akong mag-paint patungkol po sa kanila.

“Gusto ko pong ipakita at iparating na sana po mas mabigyan sila ng pansin at makita nila na dapat pinahahalagahan pa rin natin ang mga manggagawa natin sa sakahan.”

Ibinahagi rin ni Nestor sa PEP.ph ang lalaking ipininta niya.

“Isa siya sa mga nagsasaka [sa amin] na nawalan ng gawain sa sakahan dahil sa makabagong teknolohiya.

“Kasi nakita ko sa mga mata niya ang hirap at pagod ng isang magsasaka. Kasi ang pagsasaka lang ang kanilang ikinabubuhay.”

Sabi pa ni Nestor, “Kasi po isang farmer din yung father ko kaya marami akong nakitang katulad niya na tumigil sa pagsasaka.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang previous painting niya na naglalarawan sa kanyang ama ay binili noon ni Julius Babao.

Ani Nestor, naibenta na niya ang kanyang painting na Last Suffer, pero tumanggi siyang sabihin kung magkano ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inspirasyon ng pintor na si Nestor Abayon Jr. ang mga magsasaka sa kanilang lugar sa Occidental Mindoro na nawawalan na ng trabaho dahil sa makabagong teknolohiya sa pagsasaka.
PHOTO/S: Nestor Abayon Jr.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results