PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elisse Joson Shares Post-Reunion Pic with McCoy

Elisse Joson, McCoy de Leon spotted cozy together.
by Arniel C. Serato
Published Mar 27, 2023
Elisse Joson posts picture with "my date" McCoy de Leon
Elisse Joson shares for the first time a cozy photo with boyfriend McCoy de Leon months after their reconciliation in February 2023.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-post si Elisse Joson ng larawan nilang magkasama ng boyfriend na si McCoy de Leon matapos silang magkabalikan.

Sa kanyang Instagram Story kagabi, March 26, 2023, ibinahagi ni Elisse ang picture nila ni McCoy na kuha sa kasal ng sikat na influencer na si Verniece Enciso - Dichaves.

Tanging caption niya: “My date.”

Elisse Joson

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinumpirma ni McCoy na nagkabalikan sila ni Elisse matapos ang guesting ng aktor sa ASAP Natin ‘To noong February 5, 2023.

Tanging “yes” ang nakangiting sagot ni McCoy nang sabihin ng TV5 reporter na si MJ Marfori, “That’s nice pero at least naayos niyo na ni Elisse [ang problema].”

Sumunod na naitanong kay McCoy ang tungkol sa pagkasalba ng relasyon nila ni Elisse alang-alang sa anak nilang si Felize.

Read: Elisse Joson, McCoy de Leon are now parents to baby girl

Sagot ng aktor, “Siguro naman, sa pagiging tatay na parang yun naman laging hinahangad para mapasaya yung pamilya.”

“Online miscommunication" ang sinabi ni Elisse na dahilan ng problema sa relasyon nila ni McCoy.

Reaksiyon dito ni McCoy: “Siguro hindi ko ma-specific na… Basta yun ang maibibigay ko… Kumbaga, masaya kami kung ano yung estado ko sa buhay."

Matatandaang "kinumpirma" ng aktor na naghiwalay na sila ng ina ng kanyang anak sa pamamagitan ng isang Instagram post noong January 4, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: McCoy de Leon confirms breakup with Elisse Joson: "Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko."

Nagkaroon ng pictorial si Elisse para sa isang fashion magazine noong January 18, 2023.

Pagkatapos nito ay nagkuwento ang isang malapit kay Elisse na nagkabalikan na ang aktres at si McCoy, pero tikom ang bibig ni Elisse.

Ilang araw matapos ang pictorial ni Elisse, namataan silang magkasama ni McCoy at ang kanilang anak sa isang amusement park sa Tagaytay City kaya mabilis na kumalat ang kanilang mga larawan na matibay na ebidensiyang nagkabalikan nga ang dalawa.

Read: Are Elisse Joson and McCoy de Leon back in each other’s arms again?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elisse Joson shares for the first time a cozy photo with boyfriend McCoy de Leon months after their reconciliation in February 2023.
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results