PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sis defends Andrea's promposal at BLACKPINK show

"Leave my sister alone u bitter people."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 27, 2023
Kayla Aan Gorostiza defends sister Andrea Brillantes from bashers
Kayla Aan Gorostiza (left) defends sister Andrea Brillantes from criticisms after the actress' prom proposal to boyfriend Ricci Rivero during BLACKPINK concert: "Leave my sister alone u bitter people. She's allowed to be a fan girl."
PHOTO/S: Nikko Tuazon/Aan Gorostiza Instagram

Hindi pinalampas ni Kayla Aan Gorostiza, nakatatandang kapatid ni Andrea Brillantes, na buweltahan ang isang netizen na tumawag sa ABS-CBN actress ng "papansin."

Ito'y matapos yayain ni Andrea ang boyfriend na si Ricci Rivero na maging escort niya sa kanyang first-ever Star Magic Prom na gaganapin sa March 30, 2023.

Naganap ang "promposal" ni Andrea sa mismong Born Pink Manila Concert ng K-pop supergroup na BLACKPINK sa Philippine Arena nitong Linggo March 26, 2023, kung saan pareho silang dumalo ng nobyong si Ricci.

Sa dami kasi ng fans ng BLACKPINK, o mas kilala sa tawag sa Blinks, isa si Andrea sa napansin ng grupo dahil sa hawak niya proposal placard.

Read: BLACKPINK helps Andrea Brillantes with her "promposal" to Ricci Rivero

Sa kalagitnaan ng show, napansin at nagawa pang basahin nina Rosé at Lisa ang nakasulat sa placard: "I just wanna ask Ricci Rivero, will you go to prom with Andrea?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinanong din ng grupo kung nasaan ang boyfriend ni Andrea.

Nang lumantad si Ricci, sabi ni Rosé sa kanya, "Please go to prom with that girl."

Todo naman ang ngiti ni Ricci na sumagot ng "Yes!"

Sabi pa ni Rosé, "He [Ricci] said yes!"

"LEAVE MY SISTER ALONE"

Simula pa kagabi, March 26, trending na ang pangalan ni Andrea sa Philippine Twitter dahil sa kakaiba niyang promposal.

Kayla Aan Gorostiza defends sister Andrea Brillantes from bashers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit hindi lahat ay nagustuhanan ang kanyang ginawa.

May ilang netizens ang nagtaas ng kilay at kumukuwestiyon sa estratehiya niya para mapansin ng grupong BLACKPINK.

Hindi rin ito pinalampas ng kapatid niya si Kayla Aan, at agad dinepensahan si Andrea sa tumawag ditong "papansin."

Read: Meet Kayla Aan Gorostiza, artistahin sister of Andrea Brillantes

May isang netizen ang nag-retweet sa video clip sa BLACKPINK concert kung saan binabasa nina Rosé at Lisa ang placard na hawak ni Andrea.

"The design is very papansin," mababasang caption ng basher.

Ini-screenshot ito ni Kayla Aan at ipinost sa kanyang Instagram stories, kalakip ang mga pinagdaanan ng kapatid para planuhin ang kanyang promposal.

Menahe niya sa basher (published as is), "Yes, yun naman talaga point. Fan talaga ang kapatid ko, masama ba kung nag try siya mag papansin sa idols niya?

"Aminin na natin, lahat tayo gusto nating mapansin ng BLACKPINK, ok??? Umaga palang nasa arena na siya para pumila JUST LIKE EVERYONE ELSE.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nagpa print siya ng 6 na banners (both in korean & in English) to do a promposal for her VERY FIRST PROM.

"Nag tiis siya sa init, tumayo ng ilang oras, sure din ako nag tiis siya wag umihi.

"she exerted as much effort as everyone else."

Sabi pa ni Kayla Aan, hindi porket artista si Andrea ay wala na itong karapatang mag-fangirl sa mga iniidolo niyang K-pop star.

Saad niya, "Artista siya yes, pero hindi ibig sabihin non eh bawal na siyang umasta na parang normal na tao.

"If 'normal fan' yan, y'all would saying 'cute.'

"Gusto niya lang maging super special ng FIRST PROM NIYA. LET HER BE."

Kayla Aan Gorostiza defends sister Andrea Brillantes from bashers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huli, sinabi ni Kayla Aan na hindi siya mapagpatol sa bashers ngunit hindi raw deserve ng kanyang kapatid ang pambabash na nakukuha nito.

"di talaga ko nag rereact sa mga ganitong bash but damn, leave my sister alone u bitter people."

"She's allowed to be a fan girl."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay burado na ang Instagram Story ni Kayla Aan.

Read: BLACKPINK concert serves as bonding time for besties, moms and daughters

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kayla Aan Gorostiza (left) defends sister Andrea Brillantes from criticisms after the actress' prom proposal to boyfriend Ricci Rivero during BLACKPINK concert: "Leave my sister alone u bitter people. She's allowed to be a fan girl."
PHOTO/S: Nikko Tuazon/Aan Gorostiza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results