Matagumpay ang unang araw ng concert ng Korean Pop group na Blackpink na idinaos last March 25, 2023 sa Philippine Arena sa Bulacan.
Ngayong March 26 naman ang ikalawang araw ng two-day concert na inorganisa ng Live Nation Philippines sa tulong ng Globe.
Sold-out ang tickets ng Blackpink, at sa unang araw, maaga pa lang ay pumila na sa venue ang mga fans.
May mga nag-camp out din overnight na Blink fans na galing sa malalayong lugar.
Read also: Tips to surviving BLACKPINK's concert in Bulacan
Spotted naman ang ilang local celebrities sa concert, kabilang sina Jane De Leon at Janella Salvador.

Nai-post ng IG user na @jhtb_janenella ang photo ng dalawa.
Caption niya, published as is, “Ahy may pa holding hands at hug.”
Naging super close sina Jane at Janella nang ginagawa nila ang seryeng Darna.
Kabilang ang dalawa sa matiyagang pumila kasama ang libu-libong fans ng Blackpink.
Present din ang mag-asawang John Prats at Isabel Oli.
Read also: Everything you need to know about BLACKPINK's Philippine concert

May video post naman si Mimiyuuuh na sinasabayan ang pagkanta ng Blackpink.
Present din sa concert sina Sanya Lopez, Zeinab Harake, Kakai Bautista, Michele Gumabao, at ang magka-love team na sina KD Estrada at Alexa Ilacad.
Para naman sa ibang celebrities, bonding moment ang Blackpink concert with their kids.
Read also: Liza Soberano, Bryanboy meet BLACKPINK in Los Angeles
Sa Facebook post ni Isabel dated March 26, nag-post siya ng photo nilang mag-anak.
Ang kanyang caption, published as is, “Twinning vibes forever with my @featherprats.
“Shoutout to my hubbah @johnprats
“JSYK, he went out of his way to acquire tickets just for our daughter and I to watch Blackpink's concert because he knows that we both adore ‘em.
“Still feeling amazing after last night's concert!”

Dala rin ni Luigi Muhlach ang anak na si Adi.
Aniya sa kanyang IG post, “Glad I was able to be with Adi during one of her most unforgettable moments.”
Komento ng kapatid niyang si Ina de Belen Estrada, "You’re the best dad ever, Kuya!"

First concert din ito ni Ily Lia, ang anak ng dating SexBomb girl na si Aifha Medina.
Sa kanyang IG post na kuha sa venue ng Blackpink concert, tinawag ni Aifha ang anak na: “My Jennie.”
Medyo hawig nga naman ang bagets sa Blackpink member.
