PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Charice shines at Foster's concert

Raquel Pempengco credits Oprah Winfrey for giving Charice her first big break.
by Jojo Gabinete
Published Mar 27, 2023
charice pempengco
Raquel Pempengco (top, inset) comments after watching a video from David Foster's (left) recent Manila concert; clarifies that it was American host Oprah Winfrey (inset, bottom) who gave Charice her first big break in the international scene.
PHOTO/S: YouTube / YES!

Napanood ni Raquel Pempengco ang videos ng concert ng Canadian composer na si David Foster sa The Theatre ng Solaire na ipinost ng ilang mga nanood sa social media.

Sa pamamagitan ng Facebook ay ibinahagi ni Raquel ang kanyang opinyon tungkol sa napanood na video.

Aniya: “Talagang wala pa ring ipapalit sa Alaska.

“Alam ko ang mga timbre ng boses na hinahanap mo DF [David Foster]…Sinabi ko naman sa inyo noon pa... nag-iisa lang ang boses na yan.

“Kahit kanino mo pa ipakanta yang song mo.. Di mabibigyan ng hustisya. NO GOOSEBUMPS. NO STANDING OVATION..Nothing compares....

“Nag-iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco."

Si "Charice Pempengco" na tinutukoy ni Raquel ay ang kanyang anak na kilala na ngayon bilang ang trans man singer na si Jake Zyrus.

Dagdag pa ng ina ni Jake, “At para sa kaalaman ng lahat, hindi po si DF ang nagpasikat sa kanya [Charice] kundi si OPRAH...

“Ni-reject nga noon ni DF si Charice kaya wag umasa na may isasama pa...masasaktan lang.”

Kahit walang binanggit na pangalan, marami ang naniniwala na si Morissette Amon ang tinutukoy ni Raquel sa "real talk" sa kanyang Facebook page.

Si Morissette ang isa sa mga special guest ni David sa concert nito na itinanghal sa The Theatre mula noong March 21 hanggang March 26, 2023.

Isa sa mga inawit ni Morissette ay ang "I Will Always Love You," pero kapansin-pansing hindi nagbigay ng standing ovation si David hindi gaya ng ginawa ng Canadian musician nang si Charice ang kumanta ng sikat na Whitney Houston song sa isa sa mga concert nila noon.

DAVID OR OPRAH?

Sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Raquel ngayong Lunes, March 27, itinuwid niya ang maling akala na si David Foster ang nagbigay ng malaking break sa kanyang anak kaya nagkaroon ito ng international singing career.

Ayon kay Raquel, ang American talk show host na si Oprah Winfrey ang unang nagbigay ng break kay Charice sa international scene.

Read: Charice still high after her "Oprah" experience

Lahad niya, “After ng Oprah guesting ni Charice noon, hindi muna kami pinauwi ni Oprah.

"Yun nga yung pinigil kami sa eroplano, akala ko nga kung bakit pinatigil yung eroplano.

“Sabi nga, pinababalik kami ni Oprah, yun ang meeting na pinabalik si Miss Millie Gurfinkel, pinabalik kami sa office ni Oprah para mag-meeting.”

Si "Millie Gurfinkel" ang Filipina wife ng American immigration lawyer na si Michael Gurfinkel. Sila ang tumulong noon sa mag-inang Raquel at Charice para magkaroon ng U.S. visa.

Fifteen years old si Charice nang makatanggap ito ng imbitasyon mula kay Ellen Degeneres para maging bisita sa Ellen. Ipinalabas ito sa U.S. television noong December 2007.

Pagkatapos ng guesting niya sa show ni Ellen, inimbitahan ni Oprah si Charice sa programa nito. Napanood ang TV guesting ni Chrice sa Oprah noong May 2008.

Nang bumaba sina Raquel at Charice mula sa eroplano, inihatid sila sa opisina ni Oprah sa Harpo Studios. Dito naganap ang kanilang pag-uusap.

Pagbabalik-tanaw ni Raquel, “Siyempre, hindi pa ako masyadong marunong makapagsalita ng Ingles noon kaya si Miss Millie ang nagta-translate ng mga sinasabi ko.

“Tinanong ni Oprah kung meron nang entertainment lawyer si Charice. Sabi namin, si Ed Shapiro.

“Sabi niya, 'Anong ginagawa ni Ed Shapiro?' Bakit daw hindi bini-build up si Charice.

“Sabi namin, naghahanap naman pero hindi pa pinapalad. Pero sabi niya, ‘Sige, tatawagan ko si David Foster.’

“Ikinuwento namin kay Oprah na si Ed Shapiro ang lumapit kay David para mag-audition si Charice pero ni-reject nga.

“Kaya na-mention namin na nag-audition na si Charice kay David pero sinabi nito na mahirap i-market dahil bata pa.

“Sabi ni Oprah, ‘Anong mahirap i-market? Tawagan ko nga yan.’

“Tinawagan niya mismo si David. Sabi ni Oprah kay David, ‘Kilala mo ba kung sino ang kasama ko ngayon? Napanood mo ba?’ Sabi ni David, ‘Oo, napanood ko.’

“Sabi ni Oprah, ‘Ito yung bata na napakagaling na ayaw mo raw gawan ng album.’

“Kasi nga bata pa,” sagot daw ni David.

Pagpapatuloy ni Raquel, “Sabi ni Oprah, ‘Hindi! Walang bata-bata! Gawan mo na ng album!’

“Kaya nang sumunod na guesting ni Charice sa Oprah, kasama na si David. Kinanta niya yung 'Note to God.'”

Natatandaang mabuti ni Raquel ang makasaysayang pagsisimula ng international singing career ng kanyang anak.

“Talagang si Oprah ang malaki ang tulong kay Charice noon. Lahat kumikilos, lahat napapa-oo ni Oprah para kay Charice.

“Siya talaga ang ugat kaya sumikat si Charice sa international.

"Kaya yung sinasabi nila na si David, alam naman natin na kung wala kang koneksiyon, hindi ka talaga sisikat.

“Kahit yung ibang Filipino singers, hindi nga makapasok dahil wala silang big connections. Hindi nila mararating ang international fame."

Pagmamalaki pa ni Raquel sa anak: “Wala pa akong nakikita na puwedeng ipalit o ikumpara pagdating sa performance ni Charice.

"Talagang iba kasi yung mga nakikita ko na performance, wala yung masasabi na, 'Ah, mapapansin ito nina David, Oprah, at Ellen.”

LOST OPPORTUNITIES

Nagbago ang takbo ng napakagandang kapalaran noon ni Charice nang magdesisyon itong aminin sa publiko na kapwa babae ang kanyang gusto at pinili niyang panindigan ang pagiging transgender man.

Read: Charice ends all speculation about her sexuality: "Opo, tomboy po ako."

Bukod sa pagpapalit ng pangalan — from Charice to Jake Zyrus — sumailalim si Jake sa male chest reconstruction surgery at testosterone treatment para tubuan siya ng bigote at maging pang-lalake ang kanyang boses.

Read: Jake Zyrus reveals undergoing breast removal surgery: "I feel complete."

Nagpakatotoo si Raquel nang sabihin nitong nanghihinayang siya sa mga oportunidad na pinakawalan ni Jake.

Aniya, “Yun nga lang ang sinayang ni Charice.

"Hindi naman ako against sa pagre-reveal niya at hindi ko siya kinokontrol kung saan siya masaya, pero sana, pinag-isipan niya yon nang mabuti.

“Kung ako yung nasa lugar ni Charice, ise-set aside ko muna yung own happiness ko kasi bihirang-bihira na dumating ang ganitong opportunity.

"Ika nga, sabi nila, grab the opportunity while it lasts.

“Kumbaga, kung ako yon, itatago ko muna, saka ko na lang ilalabas, dahil yung iba nga, pumipila pa para lang sumikat.

"Ang daming tumulong sa kanya na matataas at malalaking tao pero isinantabi lang niya."

Nanghihinayang man, handang-handa raw si Raquel na tanggapin nang buong puso si Jake kung sakaling bumalik ito sa kanyang poder dahil gustung-gusto raw niyang muling mabuo ang kanilang nagkawatak-watak na pamilya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raquel Pempengco (top, inset) comments after watching a video from David Foster's (left) recent Manila concert; clarifies that it was American host Oprah Winfrey (inset, bottom) who gave Charice her first big break in the international scene.
PHOTO/S: YouTube / YES!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results