Hindi pinalampas ng social media influencer na si Viy Cortez na palagan ang basher na nagkomento nang hindi maganda tungkol sa kanyang eight-month-old son na si Kidlat.
Sa Facebook ni Viy nitong Lunes, March 27, 2023, ibinahagi niya ang screenshot ng komento ng basher na tila kinukuwestiyon ang pagpapalaki ng influencer sa anak nito.
Sabi ni Viy sa caption, hindi siya magsasawang i-post ang mga ganitong insidente.
Ayon kasi sa basher, sinanay ni Viy si Kidlat na karga-karga kung kaya't hanggang ngayon ay hindi pa raw ito makalakad mag-isa.
Mababasa sa comment ng basher (published as is): "Big boy na pero hindi makalakad. Sinanay kasi sa buhat nung nanay."
Agad naman itong binuweltahan ni Viy.
Sagot niya: "Ikaw nga [ang] tanda mo na b*bo ka pa."
Paalala pa ni Viy, tigilan na ang pagkukumpara lalo na't magkakaiba raw ang talino't kakayahan ng bawat bata.
"Bawat bata [ay] kanya-kanya ng talino o galing. Tigilan niyo magkumpara 2023 na uyy."
Dagdag pa niya, "Baka ihampas ko sayo andador [baby walker] ni Kidlat."
Sinagot din ng Team Payaman page ang basher.
Anila, "8 months palang po siya haha kalmahan lang po."
Ang Team Payaman,ay isang grupo ng YouTubers na sinimulan ni Cong.
VIY'S FANS REACT
Dinumog din ng fans ni Viy ang basher.
Sa comments section ng kanyang post, marami ang sumang-ayon sa naging pahayag ng social media influencer na huwag madaliin ang paglaki ng bata.
Saad ng isa, "Sa true, hindi minamadali ang bata. Hayaan siyang mag grow kahi mabagal pa yan, ang importante may progress."
Komento pa ng isa, "Yung iba kasi kung makapagkumpara, kesyo ganito, ganyan. Dapat ganito, ganyan (parang ang perfect lang). Bawat bata ay may kanya-kanyang development at hindi dapat madaliin."
May iba pang netizens ang tila naka-relate kay Viy.
Sabi ng isa, "Anak ko nga 10 months na hindi pa naglalakad, pero it's okay. Bawat bata mayroong sariling kakayahan. I-enjoy lang natin ang pagiging mommy."
Dagdag pa ng isa, "Ganyan ang mommy pagdating sa anak, ipaglalaban lahat."
Noong July 5, 2022, isinapubliko nina Viy at fiancé niyang si Cong TV ang larawan ng unang anak nila.
Read: YouTube stars Viy Cortez and Cong TV are now engaged
Pinangalanan nila itong Zeus Emmanuel Cortez Velasquez o mas kilala sa palayaw na "Kidlat."
Read: Viy Cortez, Cong TV introduce first child "Kidlat"
Read: Viy Cortez, Cong TV celebrate baby Kidlat's 3rd month with another Michael Jackson-themed shoot
