Pasabog ang pambihirang reunion ng ilan sa pinakamalaki at pinakamaningning na artistang itinuring na "tatay-tatayan" si Johnny Manahan, o mas kilala bilang Mr. M.
Naganap ang private get-together nila kagabi, March 28, 2023.
Read: Heart Evangelista posts reunion with ex-boyfriend Jericho Rosales, other Mr. M babies
Ang mga naglalakihang artistang present sa okasyon ay sina Heart Evangelista, Jericho Rosales, Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Diether Ocampo, at Maja Salvador.
Namataan din sa mga inilabas na photos nina Heart at Maja na kasama sa grupo si Kyle Echarri.
Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang source na naganap ang reunion dahil sa request ng "babies" ni Mr. M na personal na makita ang kilalang star builder at director.
Belated celebration na rin daw iyon ng birthday ni Mr. M, na nagdiwang ng kaarawan noong February 11.
Kuwento ng source, nag-enjoy ang grupo sa impromptu singing and dancing sa pagitan ng kanilang major catch-up.
Maging ang mga hindi nag-uusap noon ay naayos kung anuman ang differences at masayang nagkakumustahan sa reunion.
"It was a magical night," sabi pa ng source.
Inabot ng 3 a.m. ang get-together dahil late na rin nakarating ang iba sa kanila na galing sa trabaho, dagdag ng source.
"FAN GIRLING" OVER HEART AND JERICHO
Sa isang banda, hindi rin daw napigilang maging "fan girls" nina Bea at Maja sa dating reel-and-real-life sweethearts na sina Heart at Jericho.
Huling naibalita ang pagkukrus ng landas nina Jericho at Heart sa isang event noong 2017, at kasama rin ni Jericho noon ang misis na si Kim Jones.
Nag-viral pa noon ang kilig reactions ng netizens na napakomento na mala-eksena sa pelikula ang pagkikita ng "two old sweethearts" na may kanya-kanyang buhay na ngayon.
READ: Heart Evangelista and Jericho Rosales reunion sends hopeless romantics in a dizzy twirl
Noon ding 2017, sa exclusive interview ni Heart sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi niyang si Jericho ang ex-boyfriend niya na pinakamarami siyang natutunan.
Si Heart ay walong taon nang kasal kay Senator Chiz Escudero, habang si Jericho ay magsisiyam na taon nang kasal kay Kim.
Noong 2018, happy si Heart nang magkatrabaho sila ni Kim para sa isang fashion-related collab kasabay ng International Women's Month.
REUNION OF OG STAR MAGIC STARS
Matagal-tagal na rin mula nang magkita-kita ang ilan sa kanila dala ng pandemya at kanya-kanya nilang mga trabaho.
Dati-rati ay madalas silang magkakasama bilang bahagi ng roster of stars ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.
Maituturing na OG Star Magic babies sina Piolo (Batch 3 -1996), Diether (Batch 2 -1996), Jericho (Batch 4 -1997), John Lloyd (Batch 5 -1997), Heart (Batch 9 -1999), Bea (Batch 10 - 2001), at Maja (Batch 11 - 2002).
Si Mr. M ay umalis sa bakuran ng ABS-CBN noong October 2020.
Si Heart ay noon pang 2008 lumipat sa GMA-7, habang si Bea ay lumipat sa Kapuso Network noong 2021.
Si Maja ay napapanood sa Eat Bulaga! at TV5, habang si Piolo ay nanatili sa ABS-CBN.
Si Diether ay kabilang sa ongoing teleserye sa ABS-CBN na The Iron Heart.
Si Jericho ay co-managed pa rin ng Star Magic.
MORE HOT STORIES ON PEP.PH
- Marco Gumabao, Cristine Reyes spotted holding hands in Makati
- Kira Balinger on Kelvin Miranda's ex-girlfriend accusing her as third party: "Hindi ako kabit."
- Ted Failon on death threats: "Kung papatayin ka nila, papatayin ka nila."
- Sam Milby and Catriona Gray love story: A timeline
- A lookback: The women John Lloyd Cruz loved before
