Kasunod ng pagsambulat ng cryptic messages ni Priscilla Meirelles tungkol sa isang babae na nakikipaglandian umano sa isang married man, lumitaw sa social media ang screenshots ng usapan umano ng Brazilian beauty queen at ng isang female influencer mula sa Cebu online.
Sa Facebook kahapon, March 29, 2023, ilang bahagi umano ng usapan ni Priscilla at ni Chiyo dela Vega, isang influencer mula sa Cebu, ang kumalat.

Ayon sa netizens, si Chiyo mismo ang nag-post ng Viber conversation nila ni Priscilla pero binura rin umano niya ito kaagad.
Pero na-screenshot ng ibang netizens ang ipinost ni Chiyo at ito ngayon ang kumakalat sa social media.
Mababasang caption ni Chiyo, sa wikang Bisaya, sa burado na niyang post: “hoy ante abe nakog okay nata…. igo ramn ko nitilaw gd kaisa rajd very light rajd kaayu to ay wala nako muusab kay way lami”
Ito ang Tagalog translation: “hoy auntie, akala ko okay na tayo… tumikim lang ako isang beses, very light nga lang, hindi na ako umulit kasi hindi masarap”

Sa isang screenshot, sinabi ng babae na nakilala niya si John sa isang event sa Cebu at itinanggi nitong nag-uusap sila sa Viber.
Pero ayon kay Priscilla: “I came across a viber conversation between the 2 of you that it is not appropriate. You know he is married right? That’s how I got your #.”
Mariing itinanggi ng kausap nitong babae na nag-uusap sila ni John. Hiningi lang daw ng aktor ang kanyang numero para sa isang event, pero hindi na umano sila nag-usap pagkatapos.

Mababasa rin sa isang screenshot na sinabi ng babae na aware siyang may-asawa si John at wala itong intensiyong pumatol dito.

Base sa screenshot, maayos naman ang pag-uusap sa pagitan ni Priscilla at ng babae.
Sinabi pa ni Priscilla na nais niyang makilala ang babae sa Cebu sa darating na April 6 dahil pupunta siya roon kasama ang buong pamilya at si John.
Pero sinabi rin nito sa babae na burahin na ang numero ni John at ang numero na lang ni Priscilla ang i-save niya. Siya na lang daw ang kokontak sa babae "for future 'events inquiries.'"
Mensahe ni Priscilla: “Going to Cebu this April 6, let’s meet. Since you are so friendly [laughing emoji] bringing the whole family including him.
“It’s always nice to have ‘well round’ friends in Cebu. For the meantime, erase his number and keep mine. I will make sure to block yours from his phone. Don’t want to have a problem in the future with you since you are so polite. I will be the one to contact you for future ‘events inquiries’. Have a nice day.”

Wala pang reaksiyon si John ukol dito.
Kahapon, March 29, ay lumikha ng ingay sa social media ang mga matalinhagang rebelasyon ni Priscilla sa kanyang Instagram Story na waring may kinalaman sa isyung third party.
Nagbahagi rin ang beauty queen ng poll question na iinilunsad niya sa kanyang Instagram Story.
Ang poll question: What to call a female that entertains married man?
Read: Why is Priscilla Meirelles asking what to call a woman who entertains a married guy?
Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaring ihayag nina John at Chiyo ukol sa isyu.
