Mala-fairy tale couple ang peg ng magkasintahang Andrea Brillantes, 20, at Ricci Rivero, 24, sa Star Magical Prom ngayong Huwebes ng gabi, March 30, 2023.
Isa sila sa pinakahuling couples na rumampa sa ivory carpet papasok ng ballroom ng Bellevue Hotel sa Alabang, Muntinlupa.
Bago maki-party, ibinahagi ni Andrea na "Bridgerton princess and prince" ang theme ng matching outfit nila ni Ricci.
Ang Bridgerton ay ang sikat na Netflix series na hango sa romance novel tungkol sa English royalty noong Regency era.
"We've always been talking about us. Ini-imagine namin sarili namin as prince and princess kami ever since. Kasi ma-fairty tale siya," tukoy ni Ricci sa nobya.
Nakangiting paliwanag ni Andrea, "Princess din name ko sa phone niya. Gusto ko kasi princess treatment.
"So, gusto ko talaga siya damahin tonight."
Nang kamustahin tungkol sa matagumpay na BLACKPINK promposal niya kay Ricci, ikinuwento ni Andrea na hindi pa rin niya akalaing mapapansin at babasahin ng kanyang iniidolong K-pop group ang dinal niyanng sign boards sa concert.
"Actually, matagal ko na po yun plinano. And one week ako di makatulog sa kakaisip kung 'Magiging palpak ba to? Mapapansin kaya ng BLACKPINK? Makikita kaya nila?'
"And talagang wala, sinugal ko lang, I just risked it.
"Wala akong ginawang behind the scenes na, 'This is what I'm gonna do for my promposal. This is what I'm going to do for my boyfriend.'
"Kasi, di ko po talaga in-expect na makikita yun ni Rosé."
Masaya si Andrea na matagumpay niyang nasorpresa at napa-oo si Ricci na maging date niya sa Star Magical Prom.
"Actually, di rin alam ni Chi yung nangyayari that night kasi super busy siya na binubuhat ako.
"Na-realize niya lang na kinakausap siya nung sinabi na ni Rosé yung Rivero. Sabi niya, 'What?! What?!"
Isang malaking bonus na pati ang BLACKPINK members na sina Rosé, Lisa, Jennie, at Jisoo ay kinilig sa sweet moment sa pagitan ng couple.
Sina Rosé, Lisa, at Jennie ang aktibong nagbasa at nag-interpret ng promposal sign board ni Andrea, at siniguro pa nila na talagang magye-yes si Ricci.
RICCI'S REACTION
Sobrang na-appreciate naman ni Ricci ang gesture ni Andrea.
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philipine Entertainment Portal), sinabi ni Ricci na hindi kataka-taka na si Andrea ang mag-aya sa kanyang maka-date sa okasyon dahil hindi naman siya Star Magic artist kaya invited guest siya rito.
Dinepensahan din ni Ricci si Andrea sa bashers na bumabatikos sa promposal ng dalaga.
May sagot din si Ricci sa mga nagtataka dahil ang girlfriend niya ang gumawa ng promposal.
“Sa mga nagtatanong kung bakit siya ang nag-propose, kasi prom yon ng Star Magic. Prom nila yon,” paliwanag ng talent ng Virtual Playground kaya invited guest lamang siya sa Star Magical Prom.
ANDREA BRILLANTES AND RICCI RIVERO
Tila love language na ng couple ang romantic grand gestures dahil public affair din nang mag-propose si Ricci na maging girlfriend si Andrea noong April 2022.
Si Ricci ay varsity player noon ng U.P. Maroons at katatapos ng basketball match laban sa FEU Tamaraws nang pormal niyang tanungin si Andrea kung sasagutin na ba siya nito.
Read: Ricci Rivero, pinag-"YES" si Andrea Brillantes sa harap ng publiko para maging girlfriend niya
MORE HOT STORIES ON PEP.PH
- Reason why Heart Evangelista, Jericho Rosales, Mr. M babies had a reunion
- Marco Gumabao, Cristine Reyes spotted holding hands in Makati
- Kira Balinger on Kelvin Miranda's ex-girlfriend accusing her as third party: "Hindi ako kabit."
- Ted Failon on death threats: "Kung papatayin ka nila, papatayin ka nila."
- Sam Milby and Catriona Gray love story: A timeline
- A lookback: The women John Lloyd Cruz loved before
