PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Willie Revillame reaches agreement to terminate contract with AMBS

PEP.ph source clarifies Willie Revillame did not resign.
by Jojo Gabinete
Published Apr 4, 2023
willie revillame alltv
Ayon sa informant ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), mapagkumbabang ipinarating ni Willie Revillame kay AMBS owner at former Senate President Manny Villar ang kanyang desisyong ipa-terminate ang kanyang kontrata sa pamamagitan ng sulat na ipinadala niya noong unang linggo ng Marso.
PHOTO/S: ALLTV YouTube

Nagpa-release mula sa kanyang exclusive contract sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) at hindi nag-resign si Willie Revillame.

Ito ang ginawang paglilinaw ng isang nakakaalam sa tunay na kuwento bilang pagtutuwid sa kumalat na balitang nagbitiw ang controversial TV host sa kanyang public service at game show sa ALLTV Network, ang Wowowin.

Ayon sa informant ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), mapagkumbabang ipinarating ni Willie kay AMBS owner at former Senate President Manny Villar ang kanyang desisyon sa pamamagitan ng sulat na ipinadala niya noong unang linggo ng Marso.

Diumano, ayaw ni Willie na maging “burden” pa siya ng AMBS kaya siya na ang nagkusang humiling na ipawalang-bisa ang kanyang kontrata.

Reportedly, hindi maatim ni Willie na hindi siya nagtatrabaho pero patuloy na tumatanggap ng suweldo habang “naka-pause” ang lahat ng mga programa ng ALLTV Network dahil inaayos mabuti ang reach at signal ng television station na pag-aari ng Villar family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ilang programa ng ALLTV, pansamantalang magpapaalam sa ere

Co-production venture ng AMBS at ni Willie ang Wowowin, at isinasaalang-alang din daw ng TV host ang kapakanan ng kanyang mga tauhan na may mga binubuhay na pamilya kaya kailangan niyang mabigyan ang mga ito ng pagkakakitaan.

Hindi umano naging madali kay Willie ang pasya nitong iwanan ang ALLTV Network dahil bukod sa malapit sa kanyang puso, parang tunay na kamag-anak ang turing niya sa Pamilya Villar.

Tumatanaw si Willie ng malaking utang na loob mula sa mga Villar na sinuportahan ang lahat ng kanyang mga programa noong nasa ABS-CBN pa siya hanggang sa paglipat niya sa TV5 at GMA-7.

Kung dumating ang panahong kailanganin ng mga Villar ang tulong, nangako umano si Willie na kung wala pa itong ibang commitment, tutulong siya sa abot ng kanyang makakaya.

Mahigit sa 25 million ang followers ng Wowowin sa Facebook at YouTube kaya sa pag-alis niya sa ALLTV, malaki ang posibilidad na ipagpatuloy ni Willie ang pamimigay ng mga tulong sa pamamagitan ng Wowowin sa Facebook at YouTube dahil ito ang hiling ng mga masugid niyang tagasuporta na matindi ang pangungulila sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi nawalan ng mga ginagawa si Willie habang hindi napapanood ang Wowowin sa ALLTV dahil nakapag-record siya ng kanyang bagong single sa Viva Records, ang "Binuo Mo," na komposisyon ng award-winning songwriter na si Vehnee Saturno.

Related Stories:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa informant ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph), mapagkumbabang ipinarating ni Willie Revillame kay AMBS owner at former Senate President Manny Villar ang kanyang desisyong ipa-terminate ang kanyang kontrata sa pamamagitan ng sulat na ipinadala niya noong unang linggo ng Marso.
PHOTO/S: ALLTV YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results