Nagsanga-sanga na ang mga balita tungkol sa pinag-uusapang media conference ng Filipino-American star na si Vanessa Hudgens.
Read: Would Vanessa Hudgens like to get married in the Philippines?
Ginanap ang mediacon ni Vanessa sa Manila House Private Club, Bonifacio Global City, sa Taguig, noong Biyernes, March 31, 2023.
Naging balita ang pagmamando ni Paul Soriano na basta itigil ang noo'y nakasalang nang one-on-one interviews ng local entertainment press sa visiting Hollywood star.
Walang duda sa datos ng balitang ito: Totoong ipinatigil ni Paul ang one-on-one media interviews kay Vanessa Hudgens. Dinesisyunan niya ito nang mag-isa sa mismong araw ng mediacon, nang nasa venue na ang imbitadong press, at nang walang eksplinasyon sa guests man o sa organizers.
Established ang facts na ito.
Liban sa ilang detalye—madiin na nagmando pero di klaro kung nagwala? nag-power trip pero di sumigaw?—kung saan may pagkakaiba ang eyewitness reports, malinaw na kinansela ni Paul ang naipangakong face-to-face interviews sa select media, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Behind the scenes, malinaw ding hindi si Paul ang in-charge sa press. Trabaho ito ni Joyce Ramirez, ang PR na nangako sa media na may nakalaang oras si Vanessa para sa mga one-on-one. Si Paul ang in-charge sa film documentary tungkol kay Vanessa, na sinasabing magti-trace ng roots nito. Ipinanganak sa U.S., si Vanessa ay may amang Amerikano at inang Pilipina.
Ang hindi malinaw ay kung bakit desisyon ni Paul, at hindi ni Joyce, ang sinunod sa isyu ng one-on-one press interviews.
Ang nananatili namang haka-haka ay ito: Biglang kinansela raw ni Paul ang one-on-one press sessions kay Vanessa dahil gusto nitong mapunta ang face-to-face, on-cam, solo interview ng Hollywood star sa misis niyang si Toni Gonzaga, na mas ramdam ngayon, hindi sa pelikula o telebisyon, kundi sa sariling YouTube channel.
Pagdako naman sa balitang minasama—kinairita, kinainisan—ni Paul ang interbyu sa Hollywood star ni Boy Abunda dahil wala sa script ang "Fast Talk" ng huli, partikular na ang mga "sex questions," lumalabas ngayong may dalawang magkatunggaling kuwento.
Read: WHAT PEP KNOWS: Paul Soriano in the center of controversy at Vanessa Hudgens' presscon
Pagbalik-tanaw sa mismong araw ng mediacon, March 31. Sa presscon proper, si Boy ang itinalagang mag-iinterbyu kay Vanessa sa entablado.
Habang nagaganap ang kanilang pag-uusap, may miyembro ng press na sumigaw ng “Tito Boy, 'Fast Talk!'”
Alam ng lahat ng naroroon—liban kay Vanessa—na ang "Fast Talk" ang bagong programa ni Boy sa GMA-7, na may binatbat sa ratings at nagtatampok muli kay Boy sa kalagitnaan ng entertainment reporting.
Nang marinig ni Boy ang sigaw, game ito, at tinanong si Vanessa kung okay sa singer-actress na gawin ang "Fast Talk."
Tinanong ni Vanessa kung ano ang "Fast Talk."
Sagot ni Boy, “It’s rapid-fire questioning."
Mukhang kayang-kaya ito ng Hollywood actress. Pumayag siya.
Mabibo at game na game ang aktres na pinili ang sex kesa sa chocolates, at sumagot ng "whenever" sa tanong kung ano ang best time for sex.
Samantala, sa iba pang event na dinaluhan ng reporters na naroon din sa Vanessa mediacon, nagpasaring ang ilan na insulto raw kay Vanessa ang mga tanong ni Boy. Halimbawa na raw ang question ng best time for sex.
Ngunit mukhang off the mark ang pasaring dahil, matapos ng panayam kay Vanessa, narinig na nagpasasalamat ang aktres sa Fast Talk With Boy Abunda host.
“I love the energy of the mediacon. I love your energy, Boy,” sabi ni Vanessa nang magpaalam sa kanya si Boy matapos ng kanilang segment. Sa sigla ng sagot, masasabing hindi pro-forma, o pa-polite lamang, ang star ng High School Musical at Princess Switch series.
Ayon pa sa isang nasa entourage ni Vanessa, “This is one of the peaceful press conferences we’ve done.”
Walang anumang pahiwatig na nainsulto sa sex-or-chocolates question ang aktres, na beterana na rin ng Hollywood controversies at malayang nagsasabing siya ang nanligaw sa fiancé nitong si Cole Tucker, isang shortstop sa American Major League Baseball.
Kaya, mas malamang, maisasantabi na ang pasaring na iyon.
Sa hiwalay na balitang nairita raw si Paul kay Boy dahil sa ilang tanong nito kay Vanessa, lumilitaw ngayong may dalawang kuwento.
Una nang naibalita ng PEP.ph noong Linggo, April 2, na "inis" na sinita ni Paul si Joyce, founder at lead publicist ng PUBLICITYASIA na organizer ng mediacon, dahil hindi hinarang ni Joyce ang off-script question ni Boy sa general presscon.
Ito ay ayon sa isang eyewitness na nasa holding area kunsaan nangyari ang encounter nina Paul at Joyce. Ayon pa sa witness, nangatuwiran si Joyce na hindi niya puwedeng basta putulin ang pagtatanong kay Vanessa habang ongoing ang Q&A.
Ngayon ay may entertainment industry insider na nagsasabing imposibleng magalit si Paul kay Boy dahil ang TV host ay isa sa mga ninong nina Paul at Toni sa kanilang church wedding noong June 12, 2015.
Namataan din daw sina Boy at Paul na nag-uusap sa mediacon. Narinig nga raw ang direktor nang sabihin nito sa kanyang ninong na The Awakening ang pamagat ng documentary na ginagawa nila ng Fil-Am actress.
Si Paul ang prodyuser at direktor ng documentary ni Vanessa na, ayon kay Joyce, ay isang privately funded project.
Lumalabas, sa isyu na kinainisan ni Paul ang off-script question ni Boy, may magkaibang narrative ang dalawang kampo: ng mga kampi kay Joyce Ramirez at ng mga kampi kay Paul Soriano.
Sa bilangan ng witnesses na nakausap ng PEP.ph—mas marami ang naglahad ng accounts pabor sa PR; mas limitado at mas kulang sa detalye ang mga dumipensa sa direktor.
Kailangan pa ring tumbukin ang mga pangyayari, lalo na sa isang sitwasyon na kinakansela ng isa ang sinasabi ng isa.
Samantala, hindi pa rin sumasagot si Paul Soriano at Toni Gonzaga sa maraming paabot ng PEP.ph na makuha ang kanilang panig, at inaabangan pa rin ng PEP.ph ang isang masusing panayam kay Joyce Ramirez.
More hot stories on PEP.ph:
