JERRY OLEA
Hiningan namin ng 20 minutes si Kuya Boy Abunda matapos ang interbyuhan nila ng Filipino-American Hollywood star na si Vanessa Hudgens sa mediacon sa Manila House Private Club, BGC, Taguig City, nitong Marso 31, 2023, Biyernes.
Read: Would Vanessa Hudgens like to get married in the Philippines?
May personal na tanong si Kuya Boy kay Vanessa na hindi nito sinagot.
Ganun din ba sa mga nakakapanayam niya sa Kapuso program na Fast Talk With Boy Abunda?
“With Fast Talk kasi, pag hindi mo sinagot, hindi ako namimilit. Totoo yan. I don’t push it,” sabi ni Kuya Boy.
“Pero andaming nahuhuli dun, e. Andaming nahuhuli dun. Some listen to the questions intently pero pag alam mong may resistance, di ba?”
Naramdaman ba niyang medyo takot ang ibang artista na mainterbyu niya? Kasi, nare-reveal tuloy…
Mabilis na tugon ni Kuya Boy, “Oo naman. Oo naman. Oo naman. At alam din ng mga artista na to the best of my ability, naghahanda ako.
“Ang lente na ginagamit ko pag nag-iinterbyu ay sabi nga ni Vanessa, storytelling. Hindi yung laki o liit, yung sikat o hindi. Hindi.”
Mahigit dalawang buwan na sa ere ang Fast Talk With Boy Abunda. Nag-umpisa ito noong Enero 23 sa GMA-7.
Relaxed na ba siya sa programa? Gamay na niya?
“The show is new every time you do it. Iba-iba, e. Iba-iba ang rhythm, iba-iba ang personalidad,” lahad ni Kuya Boy.
“Iba-iba yung dynamics ng bawat bisita. Kahapon nagulat ako kay Gladys Reyes. Nakakapagod!
“Meron kaming 30 seconds na titigan na walang line. Nagtitigan lang kami.”
Nae-enjoy niya yung ganun?
“It’s fun, it’s fun. But ang challenge is to be able to combine ito, itong mga kalokohang ito, with a conversation,” sambit ni Kuya Boy.
“In the same way, halimbawa, kay Vanessa Hudgens today. I was going into the Filipino heritage, but I wanted to go into the process of Vanessa as an actor.
“Dahil in my research… of course I love Tick, Tick… Boom! (2021). Yung The Princess Switch, sabi ko sa kanya backstage, ito yung pelikula that we will keep on watching over and over and over pag halimbawa Pasko.
“It’s a different experience every time you do an interview with someone.”
GORGY RULA
Na-miss ni Tito Boy ang pagkakaroon ng talk show. Happy na talaga siya at naibigay sa kanya ang Fast Talk With Boy Abunda.
Tumango si Tito Boy, “The answer to that is yes. Pero hindi ako panatag, e, as a host. I work hard. I really work hard.
“I don’t know if writers are comfortable with me. I do a good job halimbawa para sa akin, but you look forward to the next one because it is not a guarantee that you’re going to do just as well tomorrow.
“Kasi iba-iba, e. May mga nangangapa, naiilang, natatakot. Meron namang komportable. Merong nakikipagkuwentuhan.
“But remember, you know what Vanessa was saying, ahhmm kinakabahan lang siya when she hosts.
“Kasi she’s not protected by a role. She’s not protected by a character of a movie or a TV series.
“Kaya when she presents herself as Vanessa, iba yung vulnerability. So, ganun ang mga artista, and I understand that.
“Halimbawa, pag iniinterbyu natin, wala silang role, e, wala silang character.
“So am I going to project, am I going to be real, am I going to be honest in a business that is about projection?
“In a business that is about image. So how much real can you be in a business that is real and everything. Yun ang binabalanse.”
Less than five minutes lang ang chikahan with Tito Boy dahil kailangan na niyang umalis.
NOEL FERRER
Maayos ang interview ni Tito Boy kay Vanessa at talagang engaging ito.
Ang tanong: totoo ba ang mga report na “nagwala” si Paul Soriano sa media event na yun at nariniggan ng maaanghang na salita laban sa press?
Si Paul ang producer at direktor ng documentary na ginagawa ni Vanessa.
Mapalad ang taga-All Out Sundays at TV5 at natupad ang naka-lineup na interbyuhan.
Pero totoo bang hindi na nakapag-interview ang ibang media like Christine Jacobs-Sandejas ng CNN Philippines, at kahit nga si Joee Guilas ng PTV-4, dahil pinatapos na after MJ Marfori ng TV5 at nang nakiusap si Tito Mario Dumaual ng ABS-CBN na muntik nang maitsapuwera ay pinagbigyan din?
Tapos, nagkaroon ng exclusive din si Vanessa sa Toni Talks ng misis ni Paul na si Toni Gonzaga.
Anyare ba talaga? Sayang lang na ang event na dapat naging daan sa UNITY ay nagkaroon ng higit pang pagkakahati-hati.
GORGY RULA
Hinihintay ko pa ang sagot ni Tito Boy sa text ko kung alam ba niya ang nangyari sa presscon ni Vanessa Hudgens pagkatapos niyang umalis.
Napansin nga namin sa presscon na parang hindi mapakali si Paul Soriano habang nakasalang pa sina Tito Boy at Vanessa.
Ang nakarating sa amin, hindi raw niya nagustuhan ang ibang tanong ng King of Talk, na tila hindi nasunod kung ano ang nakasaad sa script.
Pero ang saya ng interview na yun, lalo na’t nag-Fast Talk na si Vanessa. Totoong-totoo ang sagot ng Fil-Am actress na napakabait at walang arte sa katawan.
Sinusubukan din naming kunan ng pahayag si Paul para sa kanyang panig.
Napag-usapan na rin lang ang Fast Talk, nag-iipon na si Tito Boy ng episodes para sa Holy Week.
Isa sa nakapanayam niya ay si Amy Austria-Ventura at winner din ang interview niya kay Gladys Reyes na sinasabayan ng hula hoop, kaya abangan natin iyan.
Sobrang saya ni Tito Boy sa kinalabasan ng Fast Talk with Boy Abunda dahil consistent na mataas ang rating kahit ipinagpalit pa sila ng timeslot ng Underage. May napipiga talaga siya sa kanyang guest kahit wala itong isyu o kontrobersiyang kinasasangkutan.
