Patuloy ang pagiging palaban ni Priscilla Meirelles sa gitna ng pinagdadaanan ng kanyang married life.
Eksklusibong kinumpirma ng Miss Earth 2004 sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kamakailan na matagal-tagal nang may pinagdadaanan ang pagsasama nila ng mister na si John Estrada.
Hindi rin itinanggi ni Priscilla na may kinalaman ito sa third party. Malinaw sa kanyang mensahe at Instagram posts na binabanggit ang tungkol sa mga babaeng pumapatol sa may asawa.
Isang influencer mula sa Cebu ang pinangalanang pumatol umano kay John.
Read:
- Priscilla Meirelles confirms marital problems with John Estrada: “Napuno na ako.”
- Priscilla Meirelles and Cebuana influencer post cryptic messages amid Priscilla-John Estrada marital issue
- Priscilla Meirelles on marital problems with John Estrada: “Don’t take me for a fool because I am not.”
Sa kanyang recent posts, malinaw na nasa fighting mode si Priscilla.
Katulad na lamang ng post niya na makahulugan ang caption nitong April 5, 2023: “Not fragile like a Flower, fragile like a Bomb.”
Ginamit din niya ang hashtags na #readyforwar at #idontshare, na mahihinuhang handa niyang ipaglaban ang kanyang karapatan at hindi siya papayag sa third party.

Bukod pa rito, may hugot din ang kanyang recent posts na may kinalaman sa self-love at pagiging palaban.
A MESSAGE FROM INAH ESTRADA
Maraming netizens ang nagpapahayag ng pagsuporta kay Priscilla higit isang linggo na ang nakalilipas mula nang maulat ang tungkol sa kanyang makahulugang posts.
Kapansin-pansin din ang mensaheng iniwan ng stepdaughter ni Priscilla si Inah Estrada sa kanyang post.
“Love you Ate Pri [red heart emoji],” komento ni Inah sa isang IG post ni Priscilla.

Bukod kay Inah, nag-iwan din ng komento ang ilang netizens na nagtatanong ukol sa pinagdadaanan ni Priscilla, habang ang iba naman ay nagpahayag ng suporta dahil natukoy na may pinagdadaanan ang Brazilian beauty queen-model.
Si Inah ay panganay ni John sa dating asawang si Janice de Belen. Ang iba pang mga anak nina Janice at John ay sina Moira, Kaila, at Yuan.
May anak sina John at Priscilla, ang 11 anyos na si Sammanta Anechka.
Samantala, patuloy rin si Priscilla ng kanyang poll via IG kung ano ang itatawag sa mga babaeng pumapatol sa may asawa.

March 31, 2023 nang kumpirmahin ni Priscilla sa PEP.ph na may pinagdadaanan ang pagsasama nila ni John.
Bahagi ng mensahe niya: “I have been going through a rough time in my marriage for a while already for many reasons.
“And just like with anyone else, it has been tough. I constantly pray for strength and wisdom and hope for better days ahead but the truth is napuno na ako.”
Sabi pa niya: “As a woman, I believe we women should always have each other’s back. I honestly don’t understand why some others only want to destroy and steal.”
Pero nasambit din ni Priscilla na kanyang ilalaban kung ano ang sa tingin niya ay tama.
“We should be entitled to fight for what is right and rightfully ours and demand the respect we earned,” mensahe pa niya.
