May nakasagutang netizen si Pokwang may ilang araw na ang nakararaan.
Sa Instagram post ni Pokwang kasama ang kanyang abogadong si Atty. Ralph Calinisan noong katapusan ng Marso, isang netizen ang nagkomento na hindi raw maka-move on ang komedyana.
Read: Pokwang posts photo with lawyer; is she taking legal action against Lee O'Brian?
Ayon pa sa netizen, hindi naman batugan ang dating partner ni Pokwang na si Lee O’Brian dahil may kusa raw itong kumikilos din.
Baka hindi lang daw matanggap ng Kapuso comedienne na may bago nang kinahuhumalingang babae ang dayuhan.
Buong komento ng netizen (published as is), “Di mka move-on? Saksi kc kmi sa mga food fair na sinasalihan nyo ni mr lee. At vlogs nyo din..at kumikilos din nman yung tao admit it or not.
“May mga naging participation din nman sya. Di mo lng kasi mtnggap na nkakita sya ng ibang babae hbang hiwalay kayo. #Move on na.
“Nakkita tuloy ng mga tao ang ibang di knais nais mong paguugali..”
Hindi ito nakalusot kay Pokwang.
Binantaan niya itong baka isali sa demanda.
Saad ni Pokwang (published as is):“sali kita sa demanda? expertise ni atty. @ralph_calinisan magpahanap sa NBI ng mga accnt na kagaya mo.”

Hindi naman siya inatrasan ng netizen. Ayon dito, nakikita raw ng mundo kung gaano "kapalengkera" si Pokwang.
Aniya, “See? Ganyan ka kapalengkera. Galit na galit ka sa mundo. Thats how we see u. This is my 1st time to comment in a post & nkkagulat how you react to a post na para sayo ay negative on your side, tatay pa rin yan ng anak mo. Try to control pa din your temper for the sake of your child.”
Sumagot muli sa kanya si Pokwang.
Komento ng Kapuso star: “ok ate go ka lang goooowww maganda yan na screen shot na kita tuloy mo lang.”
Dagdag pa niya, “minsan pipiliin natin ang pangengialam ng buhay ng may buhay, so ready kaba?”
Pangatlong sagot ni Pokwang, “sinong we? We? thats how we see you???? Atty. @ralph_calinisan pahanap mona itong epal na ito.”


Tila ayaw paawat ng netizen. Muli niyang binalikan si Pokwang.
Sabi nito, “ouchie.. you're hopeless. Your attitude is hopeless. Attend ka po counselling/theraphy pra maibsan ang galit sa dibdib mo.”
Buwelta naman ni Pokwang: “mas kailangan mo yan teh kasi di ka busy! ano gusto mo realsyon ko sa comment mo? ikasaya ko? Tanga ka? ikaw nagpunta sa accnt ko tapos ngayon pa victim ka? sige tuloy lang the more chika the kore ebidensya!”

Hindi na sumagot ang netizen sa kanya.
Sa guest appearance ni Pokwang sa Fast Talk With Boy Abunda noong February 3, sinabi niyang wala siyang planong sampahan ng kaso ang dating partner.
Kumukonsulta lamang umano siya sa abogado para mabawi ang YouTube at social media accounts na kanilang pinaghahatian noong maayos pa ang pagsasama nila.
Read: Pokwang, may gustong bawiin kay Lee O'Brian kaya kumonsulta sa abogado
Noong March 2 naman, sinabi ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal na papeles para tanggalin ang apelyido ng anak nilang si Malia O'Brian na "O'Brian" at isunod na ito sa kanyang surname na "Subong."
Read: Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"
Kaya marahil nakipagkita na sa abogado si Pokwang dahil ang mga prosesong ito ay nangangailangan ng abogado.
