Engaged na si Miss Universe 2012 Olivia Culpo, 30, sa kanyang longtime boyfriend at football player na si Christian McCaffrey, 26.
Noong Sabado, April 8, 2023, isinapubliko ni Olivia ang proposal ni Christian sa kanya makalipas ang apat na taon nilang pagiging magkasintahan.
Sa caption ng Instagram post ni Olivia, nakasaad ang petsang "4.2.23" na petsa kung kailan sila eksaktong na-engage ng nobyo. Nilakipan niya ito ng infinity emojis. "
Nagbahagi rin si Olivia ng ilang mga litrato mula sa okasyon.
Makikita sa unang larawan na nakaluhod si Christian habang hawak ang engagement ring.
Lubos ang kasiyahan ng beauty queen-model, na base sa photos ay napaluha habang kayakap ang nobyo.
Nasundan pa ito ng isang Instagram Story kunsaan ipinaliwanag ni Olivia na plano sana nila ngfiancé na ilihim muna ang kanilang engagement.
Aniya, "We tried to keep this quiet for as long as possible but apparently, word travels fast.
“I’m marrying my best friend. I love you so much, fiancé."

Read: Olivia Culpo pokes fun at her "low energy" prior to hosting Miss Universe anew
BEAUTY QUEENS' REACTIONS
Samantala, sa comments section ng post ni Olivia ay bumuhos ang pagbati ng ilang mga tagahanga at kaibigan.
Kabilang na sa mga nagkomento ang kapwa niya beauty queen na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2012 first runner-up Janine Tugonon, Miss Universe 2022 Harnaaz Kaur Sandhu, singer na si Demi Lovato, at model na sina Hailey Bieber, at Gigi Hadid.



Read: Janine Tugonon reacts to Olivia Culpo’s Instagram post: “I don’t see anything wrong about it.”
REACTION OF Christian McCaffrey
Maging si Lisa McCaffrey, ang ina ng fiancé ni Olivia, ay hindi naitago ang tuwa sa engagement ng couple.
Komento ni Lisa, "Finally, we have a daughter. I love you both so much [red heart emojis]."
Read: Olivia Culpo deadma sa pamba-bash sa kanyang Miss Universe 2020 hosting
