Hindi pinalampas ng singer at newbie actress na si Gigi de Lana na sagutin ang mga kritikong pumupuna sa kanyang bagong tattoo.
Sa Facebook nitong Lunes, April 10, 2023, ipinost ni Gigi ang screenshots ng mga naging komento sa ipinost niyang litrato sa Instagram.
Kuha ito habang siya'y nagpapa-tattoo sa kanyang braso at dibdib.
May ilang netizens ang hindi natuwa at tila kinukuwestiyon ang muli niyang pagpapa-tattoo.
Sabi ng isang netizen, "Too bad, so pretty and it scratched her skin! With all due respect...no insult."
Komento pa ng isa, "Nonsense! Tattooing skin is an aggresive fashion trend that brings nothing fancy."
Ang iba pa'y nanghihinayang dahil sa ganda raw kasi ng balat ni Gigi ay patuloy niya itong dinudumihan.
Komento ng isang basher, "Sayang ang skin mo, dirty na."
Hindi ito pinalampas ng singer.
Buwelta niya, hindi naman tamang husgahan siya nang dahil lamang sa mga nakapinta sa kanyang balat.
Saad ni Gigi: "Just because I got a tattoo, again.
"A lot of people have judged my skin, my passion, and my heart.
"Some of them have good comments. But most of them are like 'she's dirty now.'
"Please, don't judge.
"Lalo na you will never know the real whole story behind it."
Sabi pa ng singer, hindi naman nagbago kung sino siya nang dahil lamang sa kanyang mga tattoo.
Sa katunayan, mas lalo raw siyang naging matapang at matatag ngayon.
Deklarasyon niya: "I'm still me, but not the facade girl before.
"Just because I have a lot of tattoos does not mean I'm a bad person.
"I'm just different now.
"I'm stronger, I'm bolder, I'm more confident .
"And as much as I can, I don't judge. And I grow every day."
Sa huli, may pakiusap si Gigi sa lahat ng humuhusga sa kanya.
Aniya, "Let's love one another.
"And stop controlling things that you cannot control."
Unang nakilala si Gigi nang sumali siya sa "Tawag Ng Tanghalan" (TNT), ang sikat na singing contest ng Kapamilya noontime show na It's Showtime noong 2016.
Ito rin ang nagbukas sa kanya ng pinto para pasukin ang mundo ng pag-arte. Naging kapareha siya ni Gerald Anderson sa Hello Heart para iQIY app.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang sariling banda si Gigi, ang Gigi Vibes.
Read: Roselle Nava reacts to Gigi de Lana's viral version of "Bakit Nga Ba Mahal Kita?"
