PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Former actress Klaudia Koronel recalls painful divorce from husband

Klaudia Koronel reveals her ex-husband called her again after his sister died.
by Jojo Gabinete
Published Apr 11, 2023
klaudia koronel andy zhang divorce
Klaudia Koronel on failed marriage to Andy Zhang: “Halos three years lang tumagal ang pagsasama namin dahil kung ano yung nakalagay sa prenuptial agreement na three years lang ang marriage namin, talagang tinupad niya. Wala kaming third party na pinag-awayan... Pero ang dahilan talaga na nakikita ko kaya niya ako hiniwalayan, hindi ako pumirma sa prenuptial agreement na gusto niya."
PHOTO/S: Courtesy of Klaudia Koronel

TRIGGER WARNING: Suicide attempt, depression

Naranasan noon ng former Seiko Films sexy actress na si Klaudia Koronel na humagulgol nang iyak, lumuhod na nagmakaawa, at nagtangkang tapusin ang sariling buhay para hindi siya hiwalayan ng dating asawa na si Andy Zhang.

Nagpakasal sina Klaudia at Andy sa Amerika noong August 28, 2009.

Read: Former sexy actress Klaudia Koronel admits divorce from Chinese-American businessman

Binalikan ni Klaudia ang mapait na nakaraan nang makausap siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Martes ng umaga, April 11, 2023 dahil muli silang nagkaroon ng komunikasyon ng kanyang ex-husband.

Ito ay matapos mawalan ng kapatid si Andy kaya dumaranas ito sa kasalukuyan ng matinding kalungkutan.

Pagbabalik-tanaw ng dating aktres: “Naranasan kong mag-iiyak, lumuhod, at hiniwa ko pa nga ang pulso ko para lang maawa siya sa akin at huwag niya akong i-divorce.

“Naabutan niya ako sa bahay na may dugo ang pulso ko. Niyakap niya ako. Sabi niya, ‘Why do you have to do this?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naranasan ko ring uminom ng gamot na ginagamit sa mercy killing para lang talagang maawa siya sa akin.

"Kaya yung mga nangyayari sa kanya ngayon, bumalik talaga sa alaala ko ang mga ginawa ko sa sarili.”

KLAUDIA'S FACEBOOK POST

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph kay Klaudia dahil sa kanyang Facebook post: “Ang ex-husband ko tumawag sa akin. Ipinaalam na biglang namatay ang sister niya [dahil] sa cancer few days ago.

“Dalawa lang silang magkapatid at sobrang close sila. Mabait pa din akong nakikinig sa mga kuwento niya na sobrang lungkot.

“Ang 85-year-old mom niya, laging nagko-collapse at nagsi-seizure sa airport dahil hindi matanggap ang pagkawala ng bunso niyang anak.

“Naalala ko din noong panahon na umiiyak akong nakikiusap dahil ayaw niya ako pauwiin, e, nasa hospital dad ko.

“Sa sobrang sakit, lumabas sa bibig ko ang salitang pag mawalan ka ng magulang mauunawaan mo ako.

“After 2 weeks, ang dad nya namatay sa cancer."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: U.S.-based Klaudia Koronel devastated she can't come home for mother's wake, funeral

Dagdag ni Klaudia sa kanyang Facebook post, "Malinaw din sa aking alaala ang napakasakit na pagluha ko na nakikiusap na huwag kaming maghiwalay, tatanda kang walang mag-aalaga sa iyo kung hindi ako ang asawa mo. Hindi mo madadala ang power o kayamanan mo sa hukay pero laging sagot niya ‘I don't care.’

“Now, mabait akong nakikinig sa bawat kwento nya. Pinararamdam kong nandito pa din ako as friend.

“Ayoko mag-isip ng masama pero naalala ko ang pagluha ko noon na walang masumbungan, sa Dios lang ako nagsumbong sa pag-iwan niya sa akin.

“Now wala siyang makasama sa ganitong pain dahil noong panahon na yon ay ang kayamanan niya ang mas mahal niya at ang sister nya ang isa sa nagpahiwalay sa amin kaya may Diyos talaga.

“Huwag kang manakit sobra ng kapwa dahil sobrang sakit magparusa ang Lumikha. Sinayang niya ng napakagandang pamilya na meron sana siya…”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

klaudia koronel andy zhang divorce

VICTIM OF VERBAL ABUSE

Bukod sa tangkang pagpapatiwakal noon, sinabi ni Klaudia na biktima siya ng verbal abuse ng kanyang American husband at nagkahiwalay lamang sila dahil sa pagtanggi niyang pirmahan ang prenuptial agreement.

Lahad niya sa PEP.ph, “Yes, verbally abused ako, like, minumura niya ako ng 'f*ck you, *ssh*l*, moron, palibhasa sa ganitong school ka lang nakapag-aral…'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mostly tinitira niya yung church na kinaaniban ko. Basta pagmamaliit, pati pamilya at pagiging Pilipino ko, minamaliit niya.

“Ganoon siya, matalino at mayaman kasi."

Si Klaudia ay miyembro ng Iglesia Ni Cristo.

Patuloy niya, "May mga tao pala na ganoon, minahal ka sa umpisa at gagawin ang lahat makuha ka lang. Pero nang pakasalan ka na, para ka lang flower vase.

"Na ‘ O, ihanda mo yung mga kakainin ko. Ito ang mga gawin mo!’

“Nag-propose siya ng kasal tapos nag-propose siya ng prenuptial agreement, hindi ako pumirma.

“Yun ang naging balakid at alalahanin niya. Kasi dito sa Amerika, habang tumatagal ang marriage, kapag umabot ng ten years, magkakaroon ka ng karapatang makuha ang kalahati ng kayamanan niya.

“Galing ako sa hirap, nagtrabaho, nagsumikap, pero I’m so innocent sa mga bagay na magpakasal para lang makakuha ng kayamanan. Gagawin ko ang lahat, magtatrabaho ako para makatulong sa pamilya pero never akong mangunguha ng kayamanan ng ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“May ganoon pala, pag-iisipan ka ng masama ng sarili mong asawa. Sobra nilang talino, sobrang pagkagahaman nila sa kanilang kayamanan kaya pag-iisipan ka nila ng masama dahil sa nakikita ko na binabasa niya sa kanyang laptop ang tungkol sa ibang mga Pilipina na nagpapakasal sa foreigner para magkaroon ng papel at maging U.S. citizen.”

Read: Former sexy star Klaudia Koronel receives luxury car as engagement gift

THREE YEARS OF MARRIAGE

Apat na taon ang boyfriend-girlfriend relationship ni Klaudia at ng kanyang ex-husband bago sila nagdesisyong magpakasal.

Read: Klaudia Koronel and Andy Zhang have their dream wedding and hope to live happily ever after

Nagkaroon ng pagkakataon ang awtor na itong makilala nang personal ang dating asawa ni Klaudia nang umuwi sila noon sa Pilipinas para ibahagi ang inakala nilang maligayang kabanata ng kanilang panghabambuhay na pagsasama.

Read: Klaudia Koronel plans to settle in the U.S. for good

Ayon kay Klaudia, “Halos three years lang tumagal ang pagsasama namin dahil kung ano yung nakalagay sa prenuptial agreement na three years lang ang marriage namin, talagang tinupad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala kaming third party na pinag-awayan.

"Of course, natural lang sa mag-asawa ang magkaroon ng differences lalo na magkaiba ang culture namin, ang aming kinalakihan.

"Pero ang dahilan talaga na nakikita ko kaya niya ako hiniwalayan, hindi ako pumirma sa prenuptial agreement na gusto niya.

“Bukod sa prenuptial agreement, nakita ko rin ang last will and testament nila. Yung kayamanan niya, mapupunta sa nanay at sister niya.

“I don’t really care kung saan mapupunta ang kayamanan niya, pero mali yung pinag-iisipan niya ako nang masama."

Ipinagtapat din ni Klaudia na kahit divorced na sila ni Andy noon ay magkasama pa rin sila sa bahay.

Lahad pa ng dating aktres, “Ang nakakatawa, divorced na kami, nakatira pa rin ako sa bahay niya. Ayaw niya akong paalisin.

“After our divorce, nag-date pa kami. Kumakain kami sa labas, ipinagluluto pa niya ako.

“Investor kasi siya kaya isinasama niya ako sa mga lugar na kanyang pinupuntahan para tumingin ng properties.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tulala na ako noon. Nawindang ako. Sabi ko, 'God, ano ito? Laro ba ito? Ayoko ng ganito.'

“Hindi ko man kayang umalis, ayoko nang magpagamit sa kanya. Parang nagpakasal, naghiwalay, tapos boyfriend-girlfriend uli? Nagsama na parang magka-live in?

“Nakaalis lang ako ng bahay nang sabihin ng nanay niya na, ‘Ano bang ginagawa ninyong dalawa? Divorced na kayo, bakit nagsasama pa kayo?’

“Yung nanay niya, pumupunta sa bahay niya to make sure na wala na ako. Sa takot niya sa nanay, dun lang siya nag-isip na kailangan nang maghanap ako ng ibang bahay.”

andy zhang klaudia koronel

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KARMA?

Nang mag-umpisang magkaroon ng problema sa kanilang relasyon, madalas daw ipinapaalaala ni Klaudia sa ex-husband nitong nagpakasal siya dahil sa pagmamahal at hindi dahil mayaman ang lalake na kanyang pinakasalan.

“Lagi ko siyang nire-remind noon na pinakasalan ko siya dahil mahal ko siya.

“Kaya nga iniwan ko ang showbiz career ko dahil sa kanya, pero ang palagi niyang sagot, ‘I don’t care!’

“Sinabi rin niya na nagtitiis lang ako sa kanya dahil I wanna stay in America for the citizenship. Grabe naman yon."

Ayaw man pag-isipan ni Klaudia nang masama ang dating asawa, pero tila bumabalik lang daw rito ang mga ginawa nito sa kanya noon.

Saad niya, “Yung mga nangyayari sa kanya ngayon, parang bumalik lang yung mga ginawa niya sa akin.

“Masama mang sabihin na nakarma siya, pero yun ang nasa isip ko, karma talaga. Na Diyos talaga ang gaganti sa yo dahil sa pagmamataas mo.

“Hindi man natin nauunawaan, pero minsan, ang Diyos talaga ang naghihiganti para sa mga inaapi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Totoo pala talaga ang mga kuwento sa pelikula na nasa iyo ang huling halakhak. Yung aping-api ka, pero sa bandang huli, ikaw ang nasa itaas, sila yung mga naghihirap.

“Hindi man sila naghihirap sa material things, pero emotionally, mahirap sila.

"Ayokong mag-isip ng ganoon pero yon ang nangyayari ngayon."

Ayon kay Klaudia, hindi niya alam na mayaman ang dating asawa dahil simpleng-simple lamang ang mga kilos at pananamit nito.

May mga insidente pa nga raw na isinama niya sa department store ang kanyang asawa para ibili ng mga bagong damit at gamit.

Himutok ni Klaudia, “Nangibabaw ang pagiging gahaman niya. Naging alalahanin sa kanya na baka makuha ko ang kayamanan niya.

“Sabi ko nga, hindi ko naman alam noon na mayaman siya. Normal employee lang ang tingin ko sa kanya. Simple lang ang hangarin ko noon, magpakasal sa kanya dahil mahal ko siya.

“I tried my best na maging mabuti sa kanya, sa kabila ng mga ginawa niya sa akin na pananakit, pagmamakaawa ko at pagluhod sa kanya para huwag niya akong iwan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Wala siyang puso ang tingin ko sa kanya noon. Powerful kasi siya, mayaman.

“Hindi ako nagsumbong noon. Hindi ko siya siniraan. Kinimkim ko na lang ang ginawa niya sa akin, pero may Diyos talaga na nakakakita sa bawat luha ko.”

Ibinahagi ni Klaudia na hindi nito napigilang mapaluha nang mag-post siya sa Facebook tungkol sa pakikipag-usap sa kanya ng dating asawa matapos mamatayan ito ng kapatid dahil bumalik nga sa alaala niya ang malungkot na nakaraan.

“Umiyak nga ako kanina. Naalaala ko yung mga panahon na umiiyak ako. Tandang-tanda ko ang lahat ng mga ginawa sa akin ng pamilya niya, ng nanay at kapatid niya.

“Hindi siya nag-sorry sa akin. Naramdaman ko lang na wala siyang makausap para ikuwento ang mga nangyayari sa buhay niya.

“Hindi naman siya dating ganoon. Kapag tinatawagan ko siya noong divorced na kami, nakikipag-usap siya. Pero nung namatay ang sister niya, ang haba ng kanyang mga kuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakikinig ako, kino-comfort ko siya kasi feeling ko wala siyang makausap.”

AFRAID TO LOVE AGAIN

Halos sampung taon na ang nakalilipas mula nang hiwalayan si Klaudia ng ex-husband niya.

Hindi nawalan si Klaudia ng mga manliligaw, pero sa ngayon, takot daw siyang pumasok sa bagong relasyon at magpakasal dahil sa trauma na idinulot sa kanya ng mga nangyari noon.

Wala sa plano ni Klaudia na umuwi sa Pilipinas at balikan ang showbiz dahil maligaya na siya sa kanyang pamumuhay sa Amerika.

klaudia koronel movie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya sa PEP.ph, “Kaya ko namang bumalik sa showbiz. Ang kaso lang, wala na akong career na babalikan pa na iniwan ko noon nang dahil sa kanya.

“Isa pa, nagustuhan ko na ang Amerika. Nagustuhan ko na ang pamamalakad dito, yung government, yung weather.

"Pero talagang dumanas ako ng sobrang hirap sa trabaho, as in nagsimula ako sa baba, sa pagsusumikap na mag-isa."

Pagbabalita ni Klaudia, “Nagtatrabaho ako ngayon bilang CNA [certified nursing assistant]. Masaya na ako dahil nakapag-adjust na at naka-move na ako. Hindi ko na mababalikan yung mga dating ginagawa ko.

“Mas pinili kong maging masaya. Kumbaga, nalampasan ko na ang pinakamasakit na mga pagsubok sa buhay ko.

“Mas pipiliin ko na lang na maging masaya at tanggapin na ito pala ang gusto ng Diyos para sa akin—ang makapunta sa Amerika dahil mas natutulungan ko ang pamilya ko.

“Ang happiness naman, hindi lang dahil sa kayamanan o pera. Nasa sarili mo yon, mas pipiliin mo na maging kuntento sa buhay at mahalin ang sarili mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Andy Zhang kaugnay ng mga naging pahayag ni Klaudia sa artikulong ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Klaudia Koronel on failed marriage to Andy Zhang: “Halos three years lang tumagal ang pagsasama namin dahil kung ano yung nakalagay sa prenuptial agreement na three years lang ang marriage namin, talagang tinupad niya. Wala kaming third party na pinag-awayan... Pero ang dahilan talaga na nakikita ko kaya niya ako hiniwalayan, hindi ako pumirma sa prenuptial agreement na gusto niya."
PHOTO/S: Courtesy of Klaudia Koronel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results