PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gigi de Lana takes a swipe at bashers anew: "Ang lilinis niyo ah?”

"Wag nga kayong mapagkunwari/‘hypocrite.’"
by Arniel C. Serato
Published Apr 12, 2023
Gigi de Lana reacts to her bashers anew
Singer and newbie actress Gigi de Lana to her bashers: “Apaka-galing niyo manghusga, pero pag sinagot comment niyo or nainis kami sa mga comment niyong pulpol, nagagalit kayo. Wag nga kayong mapagkunwari/‘hypocrite.'"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Hindi pa rin tinatantanan ng mga pangungutya at pambabatikos ang singer at newbie actress na si Gigi de Lana sa social media.

Ito ay matapos niyang magpa-tattoo at mag-perform nang sexy sa isang beach resort sa Puerto Galera.

Kung anu-ano na lang daw kasi ang mga pangit na salitang ibinabato sa kanya. Ilan dito ay ang pagiging “bold star” at pagiging “dirty” daw niya.

Sa Facebook ngayong Miyerkules, April 12, 2023, binuweltahan ni Gigi ang bashers na hindi tumitigil sa pambabatikos sa kanya.

Saad niya (published as is), “Ang lilinis niyo ah? Ano pa gusto niyo sabihin? [laughing emoji]

“Ako naka swimsuit bold star agad. Tinakpan ko pa nga yung pang baba ko eh. Ako na nag pa tattoo dirty na agad. Pati performance ko sasabihan niyo ng wild? [laughing emoji]”

Ang tinutukoy ni Gigi na naka-swimsuit ay ang suot niya sa kanyang recent performance sa Puerto Galera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Gigi, “Apaka galing niyo manghusga, pero pag sinagot comment niyo or nainis kami sa mga comment niyong pulpol, nagagalit kayo. Wag nga kayong mapagkunwari/‘hypocrite’"

Ang ikinadismaya pa raw niya ay kung banyagang performers ang dadayo sa bansa at halos labas na ang kaluluwa sa kanilang performance ay parang tuwang-tuwa pa raw ang bashers.

Aniya, “Pero pag ibang bansa nag perform ng hubot hubad matutuwa pa kayo eh. Hahaha

“Sige ganito nalang. Pag may scandal, or pag nakahubad at porno hindi lang kamay pumapalakpak sainyo diba?

“Wag kayo mag malinis. Wag kayo hugas kamay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong nakaraang Lunes, April 10, ibinahagi ni Gigi sa kanyang Facebook account ang ilang screenshots ng komento sa Instagram accout niya tungkol sa kanyang pagpapa-tattoo.

Ang ilan sa mga ito ay nanghinayang daw sa magandang balat ni Gigi na kanya diumanong dinumihan.

Binuweltahan ng singer ang mga bumatikos sa kanya.

Ayon pa dito, hindi naman tamang husgahan siya nang dahil lamang sa mga nakapinta sa kanyang balat.

Saad ni Gigi: "Just because I got a tattoo, again.

"A lot of people have judged my skin, my passion, and my heart.

"Some of them have good comments. But most of them are like 'she's dirty now.'

"Please, don't judge.

"Lalo na you will never know the real whole story behind it."

Read: Gigi de Lana addresses criticisms after getting new tattoo: "Please, don't judge."

Unang nakilala si Gigi nang sumali siya sa "Tawag Ng Tanghalan" (TNT), ang sikat na singing contest ng Kapamilya noontime show na It's Showtime noong 2016.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito rin ang nagbukas sa kanya ng pinto para pasukin ang mundo ng pag-arte. Naging kapareha siya ni Gerald Anderson sa Hello Heart para iQIY app.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang sariling banda si Gigi, ang Gigi Vibes.

Read: Roselle Nava reacts to Gigi de Lana's viral version of "Bakit Nga Ba Mahal Kita?"

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer and newbie actress Gigi de Lana to her bashers: “Apaka-galing niyo manghusga, pero pag sinagot comment niyo or nainis kami sa mga comment niyong pulpol, nagagalit kayo. Wag nga kayong mapagkunwari/‘hypocrite.'"
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results