PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

2022 Bar Exam passers share diverse backgrounds

Mula sa 9,183 na nag-take ng 2022 bar exam ay 3,992 ang nakapasa
by Bernie V. Franco
Published Apr 14, 2023
eva patalinjug, patrixia santos, 2022 bar exams
Ilan sa mga bagong licensed lawyers ay kinabibilangan ng dalawang beauty queens, sina Miss Grand International 2018 Eva Patalinjug (far left) at Miss Philippines Earth Air 2020 Patricia Santos (2nd from left). Pasado rin ang isang jail officer sa Samar na si Senior Jail Officer 2 Richard Banaldia (lower right).
PHOTO/S: Instagram, Facebook

Kabilang ang dalawang national pageant titleholders, magkapatid, isang pulis, licensed professionals, at sorority members sa mga pumasa sa 2022 Bar Exams.

Ngayong araw, April 14, 2023, inilabas ang resulta sa Supreme Court.

Bumaha ng tears of joy at emosyon mula sa mga nakapasa at kani-kanilang pamilya.

Ang kumuha ng bar exams noong November 2022 ay 9,183, at ang nakapasa ay 3,992 o 43.47 percent.

BEAUTY QUEENS, SORORITY SISTERS, POLICE OFFICER, ETC.

Kabilang sa mga passers ay si Eva Patalinhug, na kilala sa pageant world dahil sa title niya as Binibining Pilipinas Grand International 2018. Siya ay ka-batch ni Miss Universe 2018 Catriona Gray noon.

Pumasa rin si Patrixia Santos, Miss Philippines Earth Air 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya namang inanunsiyo ng UP Portia Sorority na 100 percent sa 21 “sissies” nilang kumuha ng bar exams ngayong taon ay pasado.

Ayon sa FB page nito, ang sorority ay “the only duly-recognized law-based sorority in the UP College of Law.”

Read also:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga licensed professionals ding nakapasa.

Si Jayson Francisco, bukod sa pagiging licensed electrical engineer, ay isa na ring attorney.

Ayon naman sa Facebook posts ng Rappler, kasama sa passers ang registered nurse na si Kristen Balan, na kauna-unahang abogado sa kanilang pamilya. Proud mother naman si Eden Valdez dahil ang dalawang anak niyang sina Jessamine at Evan ay nakapasa rin. Balak ng magkapatid na magtrabaho sa gobyerno tulad ng kanilang ina.

Pumasa rin ang pulis na si Senior Jail Officer 2 Richard Operario Banaldia ng Borongan City District Jail.

“Your hard work and dedication have paid off, and we couldn't be more proud of you. Your accomplishment is a testament to your intelligence and perseverance,” pagbati kay Banaldia ng Bureau of Jail Management and Penology Region VIII via Facebook.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagmistula namang magandang birthday gift kay Richard Baker ang pagkakapasa niya.

Ipinost sa Facebook ang larawan ng birthday boy hawak ang kanyang cake at ang screenshot na nagtataglay ng kanyang pangalan.

Trending ngayong araw sa Twitter ang hashtag na #GetThatBar2022 sa paglabas ng resulta ng 2022 Bar Exams.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilan sa mga bagong licensed lawyers ay kinabibilangan ng dalawang beauty queens, sina Miss Grand International 2018 Eva Patalinjug (far left) at Miss Philippines Earth Air 2020 Patricia Santos (2nd from left). Pasado rin ang isang jail officer sa Samar na si Senior Jail Officer 2 Richard Banaldia (lower right).
PHOTO/S: Instagram, Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results