Isa nang abugado ang anak nina Senator Bong Revilla at Cavite 2nd district Representative Lani Mercado-Revilla na si Inah Revilla.
Kabilang si Inah sa 3,992 aspiring lawyers na pumasa sa 2022 bar exams, base sa resultang inilabas ng Supreme Court nitong Biyernes, April 14, 2023.
Sa Facebook nitong Biyernes, proud na ibinahagi ni Lani ang magandang regalong ibinigay sa kanila ni Inah.
Mababasa sa kanyang post (published as is), "Just when I thought I already had everything my heart desires…niregaluhan po kami ng aming anak na si Inah ng magandang balita.
"We have a lawyer in the family!
"Pasado po sa 2022 Bar Examinations ang aming anak!"
Sabi pa ng actress-politician, very proud siya sa anak dahil ang lahat ng sakripisyo nito ay nagbunga nang maganda.
"We are very, very proud of you, Inah!
"Lahat ng hirap, sakripisyo, at pagsisipag ay laging nagbubunga ng maganda.
"Nandito lang kami, ang iyong buong pamilya, para suportahan ka sa bawat yugto ng iyong buhay.
"Congratulations, Atty. Inah!"
Labis din ang galak ni Bong sa tagumpay ng anak.
Sa kanyang Facebook page, sinabi ng senador na hindi niya mapigilang maging emosyonal sa bagong achievement na nakamit ni Inah.
Bahagi ng kanyang post (published as is): "Meron na akong lawyer!
"I am so proud of you Atty. Inah my anak! Congratulations on achieving one of your dreams.
"Hindi ko mapigilan maluha sa tuwa, at hindi ko mailagay sa salita ang pagiging proud ko bilang isang ama."
Alam din daw niya ang sakripisyo at paghihirap na pinagdaanan ng kanyang anak nang pagsabayin nito ang pagiging ina at pag-aaral ng abogasya.
Aniya, "Alam ko that you did this partly because of me and for me.
"Lalo pa at alam ko ang pinagdaanan mo na pinagsabay ang pagiging ina at ang pag-aaral ng abogasya.
"All the hard work has paid off! Galing!"
Read: Inah Revilla gives birth to a healthy baby girl
Sa huli, pinaalala ni Bong kay Inah na obligasyon nitong tumulong sa nangangailangan bilang isang mabuting lingkod-bayan.
"Now that you have reached your dream of becoming a lawyer, always remember why God has blessed you with this - to help and bless others.
"Remember I will always be here to support you and be your number one cheerleader."
Dagdag pa ng senador, "I love you Inah!"
ATTY. TIPPY DOS SANTOS
Nakapasa rin sa 2022 bar exams ang singer-actress na si Tippy Dos Santos.
Mismong ang asawa ni Tippy na si Miguel Raphael Porcuna ang kumumpirma at unang bumati sa kanya sa pamamagitan ng pag-post nito sa Instagram ng mga larawan ni Tippy kalakip ang kanyang pagbati.
Sabi sa kanyang caption: "Called it.
"Congratulations my love! no doubt since day one!
"Nowhere but up, and I am excited for what's in store for you!"
Read: Tippy Dos Santos now married to non-showbiz boyfriend Miguel Porcuna
Si Tippy ay nakilala bilang isang Star Magic talent at naging ka-love team ng actor-singer na si Sam Concepcion.
Naging video jock din siya ng MYX, ang music channel ng ABS-CBN, noong 2015.
