Hindi pinalampas ng actress-singer na si Kim Molina ang isang basher na sinabihan sila ng nobyong si Jerald Napoles ng hindi magandang salita sa Instagram.
Noong April 16, 2023, nag-post si Jerald sa kanyang Instagram account ng video ng masayang bakasyon nila ni Kim sa Bali, Indonesia.
Caption ng aktor: “The best partner someone can have.. I can be goofy and crazy with you forever. You’re the highlight in all the trips we had.
“Ang swerte ko naka hanap ako ng katapat !! We have our own world and we don’t care !! To more travels and craziness with you love. @kimsmolina”
View this post on Instagram
Dito ay nagkomento ang isang basher tungkol sa napansin niya sa tuhod ni Kim na may pasa.
Hirit nito: “Hilig nyo sa doggy itim ng tuhod hahahaha.”
Kaagad naman siyang sinupalpal ni Kim.
Ipinaliwanag ng actress-singer kung bakit tila may maitim sa tuhod niya.
Sabi niya (published as is), “Di ko na dapat papatulan pero okay patola ako ngayon.
“Sa mga nagtatanong tungkol sa tuhod ko, nag Bali po kami AFTER ng shows ko for Zsazsa Zaturnnah.
“17 LIVE musical shows straight, bugbog sa fight scenes, talon dito, bagsak doon.
“Malamang di mo alam dahil di ka naman nanood panigurado.
“Dinala ako ni Je sa Bali para makapagpahinga.”
Binalaan din ni Kim ang basher na baka sumagot ito at magrason na iba ang ibig nitong sabihin at hindi talaga malisyoso ang kanyang nais tukuyin.
Aniya, “Tigil-tigilan mo rin akong sagutin na ‘Green-minded ka Ms. Kim, aso ibig kong sabihin.’
“Pakabastos mo eh. Kung sino ka man sa likod ng dummy account na yan, pagdasal kong may partner ka ring nagmamahal sayo.
"Ingat na lang lagi at bakasanamadapaka.”

Kamakailan lamang, binuweltahan din ni Jerald ang nanlait kung bakit si Kim ang nagbida sa Zsazsa Zaturnnah gayong hindi naman daw ito masyadong maganda.
Bahagi ng sagot ni Jerald: “Kim is one of the most beautiful and empowered artists that fits the role as it should be..
“I wish you have seen how she did it and how she looked before putting your self entitled comment here.
“People are giving her compliment from the vice president of Ateneo de Manila, to celebrities up to first time musical viewers. RAVING HER BEAUTY AND AMAZING TALENT.”
