Hindi napigilang sagutin ni Jerald Napoles ang isang basher na tahasang pinulaan ang hitsura ng kanyang girlfriend na si Kim Molina.
Sa Facebook post ng TV5, ni-reshare nila ang ibinahagi ni Kim sa kanyang Instagram na larawan nila ng kanyang idolong si Asia’s Songbird Regine Velasquez.
View this post on Instagram
Buong post ng TV5 kagabi, April 2, 2023: “Ibinahagi ni Kim Molina ang picture nila ni Asia's Songbird, Regine Velasquez-Alcasid na nanood ng theater play na kanyang pinagbibidahan.
“Mapapanood si Kim bilang Janet Ambida sa #Team A, Happy Fam, Happy Life tuwing Sabado, 9:30PM sa #WeekendTripTV5! #IBAngSayaPagSamaSama”
Ang tinutukoy na "theater play" na pinagbibidahan ni Kim ay ang Zsazsa Zaturnnah the Musical, na nagkaroon ng limited run mula March 17 hanggang April 2, 2023.
Sa comments section, isang netizen na matabil ang dila na pinulaan at pinuna kung bakit si Kim ang kinuhang bida sa musical na Zsazsa Zaturnnah.
Ayon pa sa basher, ang dapat daw kinuhang bida sa musical na ito ay magaganda at mala-dyosa ang dating katulad nina Zsa Zsa Padilla at Eula Valdes.
Si Eula ay gumanap sa ilang theater runs ng musical nito noon, samantalang si Zsa Zsa ay naging bida naman sa movie version nitong Zsazsa Zaturnnah Ze Moveeh noong 2006.
Buong komento ng basher: “ZsaZsa Zaturnnah was supposed to be really pretty, like a goddess, just like Zsazsa Padilla and Eula Valdez, who played for that role. Why hire Kim? [woozy face emoji]”

Hindi ito pinalampas ni Jerald.
Sinita niya ang netizen at ibinigay ang rason kung bakit bagay na bagay sa role na Zsazsa Zaturnnah ang kanyang nobya.
Sana lang daw ay napanood ng netizen ang performance ni Kim bago ito maglabas ng walang kapararakang komento.
Pagtatanggol ni Jerald: “Kim is one of the most beautiful and empowered artists that fit’s the role as it should be..
“I wish you have seen how she did it and how she looked before putting your self entitled comment here.
“People are giving her compliment from the vice president of Ateneo de Manila, to celebrities up to first time musical viewers. RAVING HER BEAUTY AND AMAZING TALENT.”
Ayon pa kay Jerald, tanging ang netizen ang bumatikos sa pagganap ni Kim gayong hindi naman nito napanood ang performance ng singer-actress, na ibinase lamang daw sa limitadong pag-intindi sa salitang kagandahan.
Pagtatapos ni Jerald: “You are the only one who is criticizing her without even watching the performance. Initiating superficial judgement giving bias to your LIMITED STANDARD OF BEAUTY.
“You are a perfect example of a person who get’s the joy from insinuating negative ideas of beauty. I hope kids won’t get these traits from the likes of you. And i hope a person will still see the beauty in him/her even if he/she encounters someone like you.”

Ibinahagi ni Jerald sa kanyang Facebook account ang screenshot ng sagot niya sa basher ngayong Lunes, April 3.
Caption niya: “BOOM GOOD MORNING BIATCH !!”
Nagpasalamat naman si Kim sa boyfriend sa pagtatanggol nito sa kanya.
Maiksing mensahe ni Kim: “Love you Jerald Napoles”
