Ibinahagi ni Rabiya Mateo last April 21, 2023 sa kanyang TikTok account ang simpleng monthsary celebration nila ng boyfriend na si Jeric Gonzales.
Sa 42-second video ay makikita ang magkasintahan na kumakain.
Pagbabahagi ni Rabiya, “Ito na nga, nagse-celebrate kami ng aming monthsary sa aming paboritong carinderia sa may España—ang Aling Tenyang's.”

Read also: Ysabel Ortega on suitor Miguel Tanfelix: "Sinasamahan niya akong mag-aral."
Ang naturang kainan ay matatagpuan sa P. Florentino Street, Sampaloc, Manila.
Ayon pa sa beauty queen, “At ako ay nag-order ng lugaw at siya naman ay pares.
“Nag-order din kami ng dalawang piraso ng lumpia at ng aming paboritong tokwa't baboy.”

Read also: Gerald Anderson, Julia Barretto caught on Kiss Cam at Malaysia basketball game
Bagaman at mabilis ang roll ng video, may eksenang sinubuan pa ni Jeric si Rabiya.
Sinabi rin ng aktres na sobrang sarap ng mga pagkain doon.
“Super sulit ng pera ninyo.
“Kami, ang nagastos lang yata namin is PHP177. At kita naman ninyo, guys, busog na busog kami. Enjoy na enjoy kami sa pagkain.
“Kaya totoo talaga yung sinasabi nila, guys, na simple things can be special when you have the right person in your life. Choose love!”
Batay naman sa official Facebook Page ng carinderia, hindi ito ang unang pagkakataon na kumain doon sina Rabiya at Jeric.

Read also: Sunshine Cruz, Kath Angeles exchange pleasantries on Instagram anew
Sa isang Facebook post dated April 13, 2022, ibinahagi ng carinderia ang larawan nina Rabiya at Jeric matapos kumain.
Ang caption: “Minsan sa sobrang busy sa Tenyang’s, hindi na namin natatandaan o nakikilala ang iba sa customer namin.
“Nagulat na lang kami nagpa-picture na yung ibang customers, artista pala.
“At hindi pala ito ang unang kain nila sa Tenyang’s. Nakakatuwa, artista ang dumadayo sa amin.”
Kamakailan din ay ibinahagi ng beauty queen sa kanyang Instagram ang kanilang “2nd Holy Week together” ni Jeric sa Las Caidas Wellness Resort sa Cavinti, Laguna.

Read also: Twitter users kailangan nang magbayad para maging verified account
May mga kuha sila sa waterfalls ng resort.
Sinabi rin ni Rabiya sa Instagram video na sumabak sila ni Jeric sa 15-minute trek.
Sa Instagram account naman ni Jeric ay nag-post ang actor ng mga larawan nila ni Rabiya habang umiinom ng buko juice, at meron ding shots na ang iniinom nila ay kape.
