PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeric Gonzales, kinumpirmang nagkabalikan sila ni Rabiya Mateo

Jeric Gonzales, may belated Valentine message para kay Rabiya.
by Jojo Gabinete
Published Feb 16, 2023
jeric gonzales rabiya mateo reconciliation
Idinaan ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales sa Instagram ang pagkumpirmang nagkabalikan na sila ng beauty queen-actress na si Rabiya Mateo.
PHOTO/S: @jericgonzales07 on Instagram

“Hindi pa po. Getting there.”

Ito ang ilang segundong pinag-isipang sagot ni Jeric Gonzales nang diretsahang itanong ni Boy Abunda kung nagkabalikan ba sila ng kanyang rumored girlfriend na si Rabiya Mateo sa guesting ng aktor sa Fast Talk with Boy Abunda noong Miyerkules, February 15, 2023.

“One to ten, nasaan? Ten being there,” kasunod na tanong ni Boy.

"Six" ang sagot ni Jeric,.

Pero inulit ng Fast Talk host ang pag-uusisa: "Uulitin ko, one to ten… six lang ba o seven o eight?"

“Eight!” natatawang sagot ni Jeric.

Pero kinagabihan, ilang oras matapos ang paglabas niya sa Fast Talk, tuluyan nang inamin ng 31-year-old actor sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ang tunay na estado ng relasyon nila ni Rabiya.

“Hindi pa siguro late para bumati? Happy Valentine’s my love Rabiya. I will and always love you!” caption ni Jeric sa mga larawan ng tender moments nila ni Rabiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tiyak na maligayang-maligaya ngayon si Rabiya dahil wala nang dahilan para ilihim ang kanilang relasyon.

Sinusubaybayan na rin nina Jeric at Rabiya ang Instagram account ng isa't isa na kanilang in-unfollow noong June 2022 matapos kumalat ang balitang hiwalay na sila.

Read: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales break up after only three months of relationship?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muling nagsalubong ang mga landas ng dalawa sa GMA Gala Night na ginanap sa isang hotel sa The Fort noong July 30, 2022. Diumano, ito ang hudyat ng kanilang pagbabalikan.

Read: Jeric Gonzales, tahimik lang sa balitang nagkabalikan sila ni Rabiya Mateo

Pero walang itinanggi o kinumpirma sina Jeric at Rabiya.

Isang araw matapos ang Valentine’s Day, tinuldukan na ni Jeric ang mga haka-haka dahil sa wakas, ipinagtapat na niya sa publiko ang pagmamahalan nila ni Rabiya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Idinaan ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales sa Instagram ang pagkumpirmang nagkabalikan na sila ng beauty queen-actress na si Rabiya Mateo.
PHOTO/S: @jericgonzales07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results