PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ara Mina may bagong showbiz title: "Queen of all networks"

She jokes, "Mahal ako ng lahat ng network, lahat ng movie outfit."
by Rommel Gonzales
Published Apr 29, 2023
Ara Mina at the presscon of Losers 1 Suckers 0
Ara Mina is busy with movie and TV projects left and right. She quips, "Miss Friendship ako, e, mahal ako ng lahat ng network, lahat ng movie outfit."
PHOTO/S: Rommel Gonzales

Kaliwa't kanan ang projects ni Ara Mina, mapa-pelikula man o telebisyon.

Bukod sa pelikula ay aktibo rin si Ara Mina sa telebisyon.

Ang natatawa niyang sabi, "Ano ako, e, Miss Friendship ako, e, mahal ako ng lahat ng network, lahat ng movie outfit.

"Queen of all networks ako! Gusto mo yun."

Ngayong May, may dalawa siyang shows.

“Sa May 14, i-e-air na yung sitcom namin, Jack and Jill sa Diamond Hills with Sue Ramirez and Jake Cuenca, and kasama rin dito si Gardo [Versoza] sa TV 5.

“And I have a lifestyle magazine talk show, Magandang ARAw, sa May din siya, sa NET25."

Ano ang pakiramdam na nakakaikot o nakakapagtrabaho si Ara sa lahat ng TV networks?

“I guess kasi I don’t have a contract naman sa mga networks, per project ako. And I have a good relationship with ABS, with GMA.

“Actually nung nasa Ang Probinsiyano ako, may offer sa akin ang GMA, sabi, 'Kailan ako matatapos sa Ang Probinsiyano?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko hindi ko nga alam, e! Hindi rin namin alam kailan kami matatapos.

“So iyon, marami akong napalampas na projects sa GMA noon when I was in Ang Probinsiyano, and then iyon, sa TV5, I think pang-ilan ko na rin sa TV5 ito, but this is under APT Entertainment, yung sa TV5.

“And itong sa NET25 nagge-guest ako but this is my first time na magkaroon ng sarili kong show.

“Actually this is a dream project for me because I’ve been watching Oprah since I was young, sabi ko, ‘Sana magkaroon ako ng sarili kong ganyan.’

“Pero mas nabigyan tayo ng project sa drama, sa comedy.

"And then iyon nga, sabi ko, after thirty years di ba, nagkaroon din ako ng dream project ko, na magkaroon ako ng sarili kong lifestyle talk show,” ang nakangiting wika pa ni Ara.

Samantala, gumamit ng prosthetics si Ara sa pelikulang Losers-1 Suckers- 0 na streaming ngayon sa AQ Prime app.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ara kung nahirapan ba siya sa prosthetics niya. lalo pa nga at unang beses siyang gumanap bilang isang bampira.

“Hindi naman ako nahirapan kasi nag-prosthetics na ako a long, long time ago. If you remember, yung sa Ang Huling Birhen Sa Lupa, di ba, half of my face,” pagtukoy ni Ara sa pelikula niya noong 2003.

“Iyon, talagang three hours ang paggawa ng prosthetics, and from morning till midnight, naka-prosthetics ako walang tanggalan."

Kumpara ni Ara sa prosthetic niya sa Losers- 1 Suckers- 0, "Dito lang sa may ano na part, e,” sabay-turo ni Ara sa pagitan ng kanyang mga kilay sa may itaas ng ilong.

“Hindi naman siya uneasy at saka yung location namin, kumbaga wala sa initan, indoor naman siya so hindi naman ako nahirapan.”

Kontrabida si Ara sa pelikula, naisip ba niyang baka malinya na siya bilang kontrabida sa mga susunod niyang proyekto?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Hindi naman kasi, actually, hindi mo na inaano na baka ma-typecast ka na… kasi I’m doing comedy, I’m doing drama so para ma-balance, di ba?

“Maganda rin na iba-iba yung nagagampanan mo at saka when you’re, hindi naman senior,” at tumawa si Ara.

“Kumbaga pag matagal ka na sa industry, kumbaga hindi ka na masyadong magiging pihikan.

“Lalo na kung the project is nice naman, and hindi pa ako naging vampire sa movie, it’s my first time.

"May ginawa rin akong movie, first time kong maging Muslim. So sabi ko, ‘Okay yung mga nakukuha kong roles ngayon kasi puro first time!’

“Kulang na lang maging manananggal ako o schizo,” at muling natawa ang aktres.

Bida sa Losers- 1 Suckers- 2 ang mga showbiz newbies na sina Jayden Bravo, Khiester Bernardino, Charles Temones, at Bench Manalon.

READ Ara Mina sees strong potential of aspiring comedians

Tampok rin sa pelikula sina Yana Fuentes at Marcus Madrigal, sa direksiyon ni Niokz Arcega.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapanayam namin si Ara sa special screening ng Losers- 1 Suckers- 0 sa Cinema 4 ng Gateway Cinema noong Biyernes ng gabi, April 21, 203.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina is busy with movie and TV projects left and right. She quips, "Miss Friendship ako, e, mahal ako ng lahat ng network, lahat ng movie outfit."
PHOTO/S: Rommel Gonzales
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results