PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jake Cuenca, hindi nag-frontal sa red-carpet night ng 'Dicktalk'

Jake Cuenca, gustong mag-inspire ng aspiring actors na subukan ang teatro.
by PEP Troika
Published Apr 17, 2023
jake cuenca dicktalk
Jake Cuenca on doing theater plays: “Sa akin naman po, kaya ko rin naman ginagawa ang teatro, para ipakita sa mga mas batang aktor na meron pang mundo bukod sa mainstream showbiz. May isa pang lugar na puwede kang pumunta para umarte, at yun ang mundo ng teatro.”
PHOTO/S: V-Roll Media Ventures

JERRY OLEA

Masaya si Jake Cuenca matapos ang performance niya sa red-carpet night ng Dicktalk nitong Abril 15, 2023, Sabado, sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Ayala Avenue, Makati City.

“Sobrang nakakataba ng puso kasi itong part kasi na ito — the show — this is already the reward!” bulalas ng Kapamilya actor.

“Kumbaga, yung may audience na, tumitili na, nagsisigawan, loving our things, that’s a reward.

“All the work was all the rehearsals that we put for this. Parang lahat ng rehearsals, lahat ng pagsa-sacrifice ng time… you have to go there and really love what you are doing.

“So, for me, parang this is the reward for all the hard work. Tapos na yung hard work, e. The hard work was in the rehearsals, all the table reads and all the movement things.

“Ito, parang for us, is a celebration.”

Noong Huwebes, Abril 13, bumalik ng Manila si Jake mula sa taping ng teleseryeng The Iron Heart sa Cebu.

Noong Abril 14, Biyernes, ang Critics’ Night ng Dickplay.

Ngayong Lunes, Abril 17, ay balik-Cebu si Jake.

Sa Abril 18, Martes, ay balik-Manila uli siya para sa mga pagtatanghal pa ng Dicktalk — Abril 18-21 ng 8:00 p.m., Abril 23 ng 3:00 p.m. at 8:00 p.m.

Manonood ba sa Dicktalk ang co-stars niya sa The Iron Heart?

Napangiti si Jake, “Actually, I’m so touched by them. Kasi, they wanna book a whole night. Parang Iron Heart Night.

“Touched ako, sobra! Alam nila yung schedule ko ngayon, bouncing back, back and forth.”

Hindi nag-frontal si Jake sa Red Carpet Night ng Dicktalk, kung saan nanood ang ilang relatives niya.

Sa huling gabi pa kaya ng Dicktalk siya mai-inspire na ibuyangyang ang kanyang t*t*?

“Actually, that’s what I said naman din. Sabi ko, it depends on the audience’s reaction, di ba?” sambit ni Jake.

“It depends. Pero if I feel I’m gonna do it, I’m gonna do it. I have the freedom to do it.

“But kanina naman, it felt like ano, e, it felt just right on the occasion…

“The last show is going to be a special show. Ha! Ha! Ha! Baka one day, ma-carried ako at biglang… whooopp!!!”

Nakahanda ang cellphones ng ilang manonood sakaling mag-frontal si Jake.

“Oo nga, nakita ko nga, e! Ha! Ha! Ha! Sakto lang yung ipinakita ko kanina. I mean, I loved the audience kanina,” saad ni Jake.

“Pero parang kanina, it was just appropriate.”

Read: Jake Cuenca, depende sa audience kung magpu-full monty o hindi sa DickTalk

As far as skin exposure is concerned, pinakamapangahas sa Red Carpet Night ng Dicktalk si Gold Aceron na nagpakita ng puwet.

Nagpa-Felix Bacat si Mikoy Morales sa kanyang underwear. Pa-tweetums sina Archi Adamos, at Nil Nodalo.

dicktalk

(From left) Nil Nodalo, Mikoy Morales, Jake Cuenca, Archi Adamos, Gold Aceron

Kabilang sa mga nanood sa Red Carpet Night ng Dicktalk sina National Artist Ricky Lee, GMA SVP for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, Paolo Contis, Kych Minemoto, Migs Almendras, Tommy Alejandrino, Kokoy de Santos, Rex Lantano, Yam Mercado, Donna Carriaga, Jomari Angeles, Vincent de Jesus, Jeffrey Hidalgo, Orlando Sol, at iba pang Masculados.

Ang Dicktalk ay idinirek ni Phil Noble. Iprinodyus ito ng V-Roll Media Ventures, katuwang ang Trifecta Brand Lab, Marikit Artist Management, at CMB Film Services, Inc. Mabibili ang tiket sa Ticketworld.

NOEL FERRER

Ano ang reaction ng relatives niya sa Dicktalk? Nanood iyong isang nephew niyang nag-aartista na rin…

“I hope he’s inspired. Kasi aspiring actor siya, e. So I hope it inspires him,” sabi ni Jake.

“Sa akin naman po, kaya ko rin naman ginagawa ang teatro, para ipakita sa mga mas batang aktor na meron pang mundo bukod sa mainstream showbiz.

“May isa pang lugar na puwede kang pumunta para umarte, at yun ang mundo ng teatro.”

Isa pang gusto kong papurihan ay ang Classmate Mickoy Morales na mahigpit ang paanyaya sa amin ni Sir Ricky Lee na manood.

I’m sure proud si Sir Ricky kay Mickoy at talang hahabulin ko ang performance niya at ni Jake sa susunod dahil sa theater, hindi tulad sa sine, mas nahahasa at naaayos at napupulido at napapaganda pa ang palabas habang tumatagal, di ba?

GORGY RULA

Maliban sa The Iron Heart at Dicktalk, may bagong sitcom si Jake at may isa pang dula. May mga natapos din siyang pelikula.

Sobrang happy siya sa projects niya?

“Super! Actually, more than happy, I’m grateful. I’m just grateful na you know, everything, parang I’m just grateful na pinayagan ako ng Star Creatives to even do this.

“I’m happy na nagtugma-tugma yung mga schedule, na I’m able to do all of it. Kasi, sa totoo lang, nagiging mahirap minsan sa schedule, e.

“Andaming pumapasok na hindi ko puwedeng tanggapin because sa schedule. Nagkataon na everything fell into the right place.”

Nararamdaman ba niya yung pagod sa dami at sunud-sunod na ginagawa niya?

Napangiti si Jake, “Three years na tayong nagpahinga sa pandemya! Three years ako na resting, sleeping, di ba? Pinagpahinga tayo for three years.

“For me, the last thing on my mind is to rest. I wanna do plays, movies, TV, do everything.”

Wala siyang time na malungkot sa dami ng ginagawa niya?

“Ahhmm feeling ko noong umpisa, ganun. Feeling ko, parang sinadya ko rin na i-busy ang sarili ko para makalimutan lahat ng mga ganun,” pag-amin ni Jake.

“But for now, parang sa kakaganito, since I’ve put myself on this road ng trabaho, trabaho, trabaho… ngayon parang… wala!

“Parang andami nang nangyari! How can I stay focused on that? Andami nang nangyari.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Cuenca on doing theater plays: “Sa akin naman po, kaya ko rin naman ginagawa ang teatro, para ipakita sa mga mas batang aktor na meron pang mundo bukod sa mainstream showbiz. May isa pang lugar na puwede kang pumunta para umarte, at yun ang mundo ng teatro.”
PHOTO/S: V-Roll Media Ventures
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results