Nagkamalay na ang kapatid ni Kim Chiu na si Lakam Chiu matapos ang limang araw nitong confinement sa isang ospital.
Sa kanyang Instagram Story ngayong Martes, April 25, 2023, inihayag ni Kim ang kanyang kaligayahan na sa wakas ay nasa ligtas na kalagayan na ang panganay na kapatid.
Hindi pa rin binanggit ni Kim kung ano ang sakit ni Lakam, ngunit masaya siyang nagkamalay na ito matapos ang ilang araw ng pagiging unconscious sa intensive care unit (ICU).
Pagbabahagi ng It’s Showtime co-host: “Good morning! [praying hands emoji] Praise Lord Jesus. [praying hands emoji]
“Finally had the best sleep after a week of sleepless nights.
“Yesterday spent the entire afternoon at the Padre Pio church.
"Right after, went back to the hospital then I was shocked my ate called me and asked what happened. [crying emojis]
“Truly, faith is the most powerful weapon we all have. Thank you, Lord.
“My ate is slowly recovering day by day. [praying hands, heart emojis]”

Dagdag pa ng actress-TV host, sinabi raw nga mga doktor sa kanyang milagro ang nangyari sa kanyang kapatid dahil sa bilis daw nitong naka-recover.
Nagpasalamat din siya sa lahat ng nagdasal para sa kanyang kapatid. Gayundin sa Santong si Padre Pio.
Aniya, “The doctors said it is a miracle on how fast she was able to recover. [praying hands emoji]
“Thank you to everyone who prayed for my ate.
“Pray, hope, and do not worry.- Padre Pio [praying hands, heart emoji]”

April 19, 2023, sa mismong araw ng kanyang ika-33 kaarawan, ipinaalam ni Kim sa kanyang mga kaibigan at tagahangang malungkot ang pagdiriwang niya dahil sa nangyari sa kanyang ate.
Isinugod kasi sa ospital si Lakam, na itinuturing din niyang sandigan sa kanyang buhay at karera.
Read: Kim Chiu appeals for prayers for sister Lakam’s recovery
Noong Linggo, April 23, sinabi ni Kim na nakalabas na sa intensive care unit (ICU) ang kapatid.
Ayon pa sa kanya, hinihintay na lamang nilang muling magkamalay ang kapatid mula nang ito ay ma-confine sa hindi pa rin niya sinasabing sakit o kadahilanan.
Read: Kim Chiu’s sister Lakam now out of ICU; remains unconscious
