PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dolly de Leon: Domingo Helped My Son's Education

"Totoong kaibigan talaga ang tingin ko sa kanya."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Apr 27, 2023
Dolly de Leon on friendship with Eugene Domingo
Award-winning actress Dolly de Leon (left) opens up about her friendship with fellow actress Eugene Domingo (right) and how the latter has always been there for her in good and bad times.
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube/Eugene Domingo Instagram

Bago makamit ng internationally acclaimed Filipino actress na si Dolly de Leon ang tinatamasa ngayong tagumpay at katanyagan, aminado siyang dumaan muna siya sa matinding pagsubok sa buhay at karera.

Si Dolly ang kauna-unahang Pilipinong aktres na na-nominate sa acting category sa prestihiyosong Golden Globe at British Academy for Films and Television Awards (BAFTA) para sa kanyang pagganap sa international film na Triangle of Sadness.

Read: Dolly de Leon "so proud to be the first Filipina" nominated for Best Supporting Actress at BAFTA

Isa raw sa mga taong tumulong sa kanyang malampasan ang mga pagsubok ng buhay ay ang matalik niyang kaibigan na si Eugene Domingo.

Ito ang ibinahagi ni Dolly nang makapanayam siya sa Kapuso talk show na Fast Talk With Boy Abunda nitong Miyerkules, April 26, 2033.

Ayon sa Triangle of Sadness star, matagal na silang magkakilala ni Eugene.

Una raw silang nagkasama sa Dulaang UP sa University of the Philippine kung saan parehong nagsimula ang kanilang karera bilang aktor sa ilalim ng mentorship ng National Artist for Theater na si Tony Mabesa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Dolly, “Si Uge [Eugene] magkakilala kami niyan, bata pa kami.

"Teenagers pa kami magkasama kami sa UP sa Theater Arts.

"Barkada na kami niyan.”

Si Eugene daw ang isa sa mga kaibigang maituturing niyang totoo dahil hindi siya nito iniwan noong siya'y may pinagdaraanan.

Saad ni Dolly, “At the time, when I was going through really hard times, kasi Kuya Boy may time na wala na, walang-wala na talaga akong pambayad ng kuryente, napatigil ang anak ko sa pag-aaral dahil wala akong pambayad ng tuition.

"But a lot of friends came to support me. Uge is one of them.”

Dahil daw sa tulong ni Eugene ay nakapagpatuloy sa pag-aaral ang kanyang anak.

“She paid for my son’s tuition fee for three years. Three years niyang binayaran ang tuition ng anak ko.

"She never left even if she reached the superstardom level already. She was always a friend.

"She was always Uge, as we know her.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dagdag pa ni Dolly, “So, totoong kaibigan talaga ang tingin ko sa kanya.”

Hanggang ngayon ay hindi raw nagbabago ang kanilang pagkakaibigan.

Sa katunayan, ramdam na ramdam daw ni Dolly ang pagsuporta ni Eugene sa kanya habang naghahanda siya mga dadaluhan niyang awards night.

Aniya, "Ang laking tulong niya sa akin nito... nitong buong thing na nangyayari sa akin.

"Kasi, kumbaga, dinaanan niya to, e, so alam niya kung anong gagawin.

"Binigyan niya ako ng tips on… I know it sounds mababaw, pero ibinigay niya akong tips kung anong sapatos susuotin.

"‘Magbaon ka Dolly ng flats [shoes], ganyan. Yung flats na puwede mong ilagay sa bag mo, para kung masakit na yung takong, magpalit ka ng flats.'"

Read: Dolly de Leon fully booked with international and local projects this 2023

DOLLY'S LIFE EXPERIENCE

Hindi naging madali ang paglalakbay ni Dolly bago mapansin ng buong mundo ang husay niya bilang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa kanya, makailang beses niyang naranasan ang rejections sa mga serye at pelikula na kanyang pinag-a-audition-an.

Lahad niya, "Naranasan ko na pong mag-audition sa cattle call. Pag sinabi mong cattle call, lahat ng artista nandoon, 300 actors ang nandoon.

"Ibig sabihin nun, maraming roles ang kailangan, pero hindi ako pumasa.

"Naranasan ko na yung mag-audition para sa play na hindi ako pumasa.

"Naranasan ko na mag-audition sa mga local film festival natin dito na hindi ako pumasa."

Read: Dolly de Leon admits crying after Oscar snub: "Nalungkot ako. I felt bad."

Ang mga ito ay hindi raw naging dahilan para tumitigil siyang mangarap.

Saad niya, "Hindi ibig sabihin nun na gumive-up ako.

"Siyempre natural lang na malulungkot ako dahil doon, pero that shouldn't stop you.

"Don't be discouraged. Don't ever think na 'Ay, hindi ako pumasa sa audition na ito, wala na akong pag-asa.'

"No, dapat gawa lang tayo nang gawa. Laban lang tayo nang laban.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Rejection is part of our job. That’s the sad thing about being an actor.

"Rejection is part of it and we should learn to accept it and live with it."

Read: Kathryn Bernardo co-stars with Dolly de Leon in upcoming film ‘A Very Good Girl’

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Award-winning actress Dolly de Leon (left) opens up about her friendship with fellow actress Eugene Domingo (right) and how the latter has always been there for her in good and bad times.
PHOTO/S: Screengrab @GMA Network YouTube/Eugene Domingo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results