Hindi na alintana ni Yasmien Kurdi kung minsan ay nawiweirduhan sa kanya ang ilang kasamahan sa trabaho o kakilala.
Tila nasanay na raw siya rito dahil lumaki siyang nakagisnan na ang ganitong turing sa kanya.
Sa kanyang Instagram kahapon, April 27, 2023, ibinahagi ng Kapuso actress na noong estudyante pa lamang siya ay tinatawag siyang "weird" ng mga kaklase niya.
Gayundin daw noong pumasok na siya sa showbiz.
Lahad ni Yasmien (published as is): “Bata pa lang ako naalala ko tinatawag na nila akong ‘Weird’… ng mga classmates ko and friends from highschool at college.
“Hanggang pumasok ako sa showbiz na akala kong mas maraming weird and out of this world mag isip na tao, pero weird pa din ang tingin nila sakin…”
May mga tumawag pa raw sa kanyang “krung-krung, scaredy, at weirdo.”
Dagdag ng aktres: “Lagi nila ako pinagtatawanan (ng mga katrabaho ko) pero di ko alam kung bakit.
“Noong una akala ko di lang nila ako trip at love kaya #weird ang tawag nila sakin.
“Nakikita ko sa mga mata nila at alam kong pinaguusapan nila yung pagiging weird ko.”
“WE ARE ALL UNIQUE…”
Kalaunan, niyakap na rin ni Yasmien kung anuman ang tingin ng tao sa kanya.
Hinikayat din niya ang ibang taong may kaparehong karanasan na huwag mabahala dahil ang bawat tao raw ay magkakaiba talaga.
Saad ng Kapuso actress, “Pero eventually I embraced my weirdness, siguro dahil doon kaya ako artista haha!
“Kaya kids, wag kayo ma bother kung may tumatawag sa inyong ‘weird’ because we are all unique in our own way.
“Wag mo iyakan yan (tulad ko noon)
“Make sure lang na wala kang tinatapa[ka]n na tao at mabait ka sa lahat. Be proud of your uniqueness at weirdness [winking face emoji]
“Keep doing your thing. One day it will all make sense. Just keep going! One day you may just change the world. Cheers!
“#ItsOkToBeWeird #ImWeirdAndIKnowIt #ProudToBeWeird”
View this post on Instagram
