Si Yllana Marie Aduana ng Siniloan, Laguna ang kinoronahang Miss Philippines Earth 2023.
Tinalo niya ang 28 pang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at ilang Filipino communities sa ibang bansa.
Read: Miss Philippines Earth 2023 hopefuls advocate environmental responsibility, self-care
Si Kerrie Reilly ng Mangatarem, Pangasinan ang hinirang na Miss Philippines Air 2023.
Miss Philippines Water 2023 naman ang kandidata mula sa Puerto Princesa City, Palawan na si Jemimah Joy Zabala.
Samantala, si Sha’uri Livori mula sa Filipino community ng Melbourne, Australia ang itinanghal na Miss Philippines Fire 2023.
Si Athena Auxillo ng Toledo City, Cebu ang ginawaran ng Miss Philippines Earth-Eco Tourism 2023 title.

Sa Toledo City Sports Centre sa Cebu ginanap ang grand coronation ng pageant ngayong gabi ng Sabado, April 29, 2023.
Bukod sa lima, pasok din sa Top 10 sina Quennie Salac ng Filipino Community ng Milan, Italy; KC Falcasantos ng Dipolog City; Ma. Cristina Tallador ng Iloilo City; Cea de Jesus ng Taguig City; at Princess Lazaga ng San Jose City, Nueva Ecija.
Sina Robi Domingo, Miss Earth 2008 Karla Henry, at Miss Earth 2014 Jamie Herrell ang nagsilbing hosts ng pageant.
Si Jenny Ramp, Miss Philippines Earth 2022, ang mismong nagkorona kay Yllana.
Ito ang pangalawang beses na sumali si Yllana sa pageant.
Sabi niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong nakaraang April 3, "I'm joining for just the same reason of wanting to promote the environmental causes. And now, I am strengthening it with education...
"I'm very much excited to be able to, you know, strengthen this mission with education, be able to encourage people to live a zero waste in a sustainable lifestyle, just as what I was advocating way back in 2021.
"And, of course, to inspire people to take action in taking care of the planet."
